Nang minsan akong umibig sa isang katulad mo
Nagbago ang kahulugan nang salitang baliw sa diksyunaryo
Ang letra ng pangalan mo ang syang pumalit
Kasabay nang ngiti na sa labi ko'y marahang umukitWala ka sa tamang pag-iisip dahil pinili mo ako
Baliw na rin siguro ako dahil sa impluwensya mo
Yung mumunting mensahe mo'y dulot sakin ay ibayong saya
Ang malungkot na damdamin ko ay biglang sumiglaAng iyong matatamis na salita ay siyang dahilan
Sa aking pag-angat sa pedestal nang kaligayahan
Sa aking pagbangon sa kumunoy na kinalulunuran
Sa muling pagsikat nang araw matapos ang mahabang tag-ulanNapipi ang bibig ngunit ikaw ang sigaw nang isip
Kahit sa panaginip ko'y hindi mo nalilimutang sumilip
Hindi mo kinaliligtaang kulayan ang aking bawat umaga
Sa lamig nang hangin sa gabi sabi mo'y "yayakapin kita"Ikaw ang dahilan kung bakit ako parang nasisiraan nang bait
Ikaw ang naging tamis sa kabila nang aking pagkapait
Ikaw ang tanging sagot sa bawat paano at bakit
Ikaw ang nagpapaamo pagtrip kung kunwari masungitSimpleng mga salita ngunit hangad kung ipabatid
Saya sa puso at paru-paro sa tyan ikaw ang may hatid
Sandaling panahon ang buhay ko ay ginulo at binago mo
Nang minsang umibig ako sa baliw na tulad mo.
BINABASA MO ANG
Silong ng Damdamin
PoetryMay mga damdamin na hindi dapat kinikimkim. Kaya kung ay ikaw ay mahilig sa mga tula at letra. Inaanyayahan kitang buksan ang susunod na pahina nitong libro at tuklasin ang mga samu't-saring kwento napapaloob sa bawat tulamg nabubuo.