Mahal kita.
Dalawang salita.
Malalim kung bumaon sa diwa.
Malimit dumaan sa gunita.Naalala ko pa ang araw na nagbago sa atin ang lahat
Noong nilabag natin ang mga hindi dapat
Iniwang tigang ang bawat bakit at paano
Basta ang mahalaga mayroong ikaw at ako.Madalas mong hawakan ang aking mga kamay
Kasingdalas at higpit na pagkapit mo sa aking buhay
Minsan mahuhuli na lang kitang nakangiti mula sa malayo
Ngiting nakakanginig ng tuhod at nakakagulo ng puso.Mahal kita.
Dalawang salita.
Malalim kung bumaon sa diwa.
Malimit dumaan sa gunita.Naging laman ka na halos lahat ng panaginip ko
Kapag malapit ka, humihina ang pag-inog ng mundo
Walang gabi na hindi ko naiisip kong bakit kaya kita minahal
Wala ring gabi na hindi ko makita ang rason, aking mahal.Naiisip ko na magkapreho pala tayo ng paboritong kulay
Kaya siguro hindi tayo totoong tao kasi tayo ay bagay
Ilang milya na nga ang layo mo sakin at lahat
Napapakilig mo parin ako nang sobra sa sapat.Mahal kita.
Dalawang salita.
Kota na sa kilig sa tuwina
Uulitin ko, mahal kita , sinta.
BINABASA MO ANG
Silong ng Damdamin
PoetryMay mga damdamin na hindi dapat kinikimkim. Kaya kung ay ikaw ay mahilig sa mga tula at letra. Inaanyayahan kitang buksan ang susunod na pahina nitong libro at tuklasin ang mga samu't-saring kwento napapaloob sa bawat tulamg nabubuo.