Hindi ko maiwasan ang magtanong minsan
Bakit may mga pagmamahal na di nasusuklian?
Hindi ba pwedeng mahal mo, mahal ka rin pabalik?
Hindi ba pwedeng masaya na lang at wala nang masakit?Laman tayo ng isang perpektong estorya
Dalawang estranghero, nahulog sa isa't-isa
Sinuong at nilupig ang mga kahariang kalaban nila
At pinigilan ang mga nagbabadyang trahedya.Naalala ko noong sinabi mong ibibigay mo ang mga bituin
Doon sa hilagang kalangitan, maari kong angkinin
Kasi sabi mo gasgas na ang lumang linya na,
"Ibibigay ko sayo ang buong mundo, aking sinta"Pinilit kong kumapit pero malakas ang hatak mo
Sa gitna ng matamis na pangungusap, nahulog sayo
Ngunit ang pagkahulog ko pala ay isang malaking dagok
Sapagkat talo na pala ako hindi pa man sumusubok.Sa paghanap ng lakas ng loob sinabi kong mahal kita
Ngunit ang naging sagot ay kung gaano ako kahalaga.
Kung gaano ako kaimportante at ka-espesyal
"Pasensya na kung umasa ka pero siya ang aking mahal."Pinaglaban kita kasabay nang paglaban ko sa aking sarili
Sa mga batas na ginawa at nilabag kaya lang hindi
Hindi pa rin sapat ang pagmamahal ko para suklian mo —
Hanggang sa huli alam kong siya pa rin ang pipiliin mo.
BINABASA MO ANG
Silong ng Damdamin
PoetryMay mga damdamin na hindi dapat kinikimkim. Kaya kung ay ikaw ay mahilig sa mga tula at letra. Inaanyayahan kitang buksan ang susunod na pahina nitong libro at tuklasin ang mga samu't-saring kwento napapaloob sa bawat tulamg nabubuo.