Gusto kong tanungin ang sarili ko?
Bakit ko nararamdaman ito?
Hindi naman niya ako minahal o pinaasa
Walang dahilan para ito ay ipagluksa dba?Siya'y sa akin humingi nang tulong minsan
Sawing pag-ibig nya sa akin ay ipinaalam
Mga mensaheng laman ay galit at kabiguan
Nang siya ay iniwan nang walang paalam.Ako'y naging tapat at mabuting tagapayo
Panaghoy at pagkasuklam niya'y pinakinggan ko
Nagpatatag nang loob maging nang kanyang puso
Isang mabuting kaibigan iyon ang ginampanan ko.Ngunit dumating na nga ang oras na inaayawan ko
Ako'y nahulog pero hindi nya ako masalo at nasalo
Nalubog sa kumunoy na walang makakatulong mi isa
Kinain nang buo ang mga pinangakong salita.Sabi sa sarili'y "Alam mo ang ginagawa mo"
"Hindi ka mahuhulog kahit bigyan ka man nang motibo"
Pero bakit narito ako sa sitwasyong sinisisi ang sarili ko
Tama bang sa matatamis nyang mga salita maging masaya ako.Salitang matamis pa sa pulot nang bubuyog
Tinawanan nung una sapagkat itoy malabo at matayog
Ako mahal mo daw agad parang isang biro
Iyon ang sabi ko pero sabi mo ito'y seryosoAyaw kunwari pero sa loob umaasang ito'y totoo
Imposible man ngunit sana'y totohanan na to
Nahulog na nga nang tuluyan kaya nasasaktan
Nang matapos nang lahat ako'y naiwan na namanKailan ka ba matututo aking sarili?
Hindi na siya kakausap sayo muli
Tapos na ang kailangan niya kaya wala nang kayo
Sana ikaw rin huwag mo nang patagalin to.Bakit nga ba ako nasasaktan ngayon?
Nalunod sa sarap nang salita't pag-ibig nang umambon
Paghahangad na maranasan ang pakiramdam na umasa
Ngayon ako'y nagdurusang masokista.
BINABASA MO ANG
Silong ng Damdamin
PoetryMay mga damdamin na hindi dapat kinikimkim. Kaya kung ay ikaw ay mahilig sa mga tula at letra. Inaanyayahan kitang buksan ang susunod na pahina nitong libro at tuklasin ang mga samu't-saring kwento napapaloob sa bawat tulamg nabubuo.