Nakakubli sa loob nang aparador
Madilim na sulok para sa kanya
Sapagka't maraming hindi naging pabor
Bakit naging asul na bahaghari sya?Nagtatago sa katauhang hindi niya gamay
Brusko ang kilos, hindi malamya ang kamay
Pinipilit na ibagay ang sarili sa tingin nang iba
Kung ano yung tama sa lipunan--- ganoon sya.Madalas mo syang makitang nakayuko sa gabi
Mahinang humahapis, kinaaawaan ang sarili
Nakatayo sa gitna nang kanyang takot at pag-iisa.
Sana tuwid na lang din siyang lalaki tulad nila.Ngunit may mga bagay na sadyang hindi para satin,
Nakulong siya sa katauhan na ayaw angkinin
Magdalamhati man ay wala siyang magagawa
Laman nang isip kung, "Kailan kaya ako lalaya?".
BINABASA MO ANG
Silong ng Damdamin
PoesieMay mga damdamin na hindi dapat kinikimkim. Kaya kung ay ikaw ay mahilig sa mga tula at letra. Inaanyayahan kitang buksan ang susunod na pahina nitong libro at tuklasin ang mga samu't-saring kwento napapaloob sa bawat tulamg nabubuo.