Kasya pero hindi kinaya

10 0 0
                                    


Nakakatawa man isipin kung paano tayo nagtagpo
Isa lamang iyong simpleng pagbati at biro
Tamang tawanan hanggang maging magkakilala
Bigla kung naisip, tinadhana siguro ang ugali natin ay KASYA.

Magkasama nating diniskubre ang saltik nang isa't-isa
Parang magkasintahan kung tayo'y magtampuhang dalawa
Kainis nga minsan, palagi ako ang unang talo
Nauna kasi akong nahulog sayo PERO.

Pero hindi ko pinaalam yun kahit na kanino,
Malas ko nga kasi dahil hindi  mo nga ako nasalo;
Hindi mo naman kasi alam aking aking pagtangi.
Kalabisan ang isipin na ganoon ka rin dahil HINDI.

Hindi ako ang tamang linya sa binubuo mong kanta;
Hindi ko kayang patalunin ang puso mo sa tuwa.
Ilan lamang tayo sa kwento puno nang bakit at sana
Kasi akala natin kasya pero hindi KINAYA.

Silong ng DamdaminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon