Salamat sa muling pag-alala sa
Aking pangalang halos limot ko na.
Salamat sa muling pagsariwa sa mga sakit
At panghihinayang na dinaan sa mga ngiting pilit.Naisambit mo pa ang dati nating tawagan
Marahil hindi mo pa siguro nakalimutan.
Masaya ako sa totoo lang sobrang saya
Walang halong sarkasmo, ngayon totoo na.Sino ba naman kasi ang mag-aakala
Na matapos ang paglayo na aking ginawa
Ay magpaparamdam pa akong muli para mangumusta,
Saktan ang sarili sa mga bibitawan mong salita?Marami akong gustong sabihin, kung alam mo lang
Mapapagod ka nga siguro basahin malamang.
Kaya pinaikli ko na nang matapos ang kaduwagan
Hindi mo rin naman ako ulit ituturing na kaibigan.Sana naisip mo ang paglayo ko'y para sayo
Maayos ang namumuong tampuhan sa pagitan niyo.
Dahil hangga't hindi ako iiwas ay patuloy lamang
Kayong magkakalabuan na ako ang dahilan.Kaya salamat dahil kahit papaano
Nalaman ko na may puwang pa pala ako sayo
kahit hindi na sa puso kundi sayong isip
Hindi man nanatili pero minsan sumisilip.
BINABASA MO ANG
Silong ng Damdamin
PoetryMay mga damdamin na hindi dapat kinikimkim. Kaya kung ay ikaw ay mahilig sa mga tula at letra. Inaanyayahan kitang buksan ang susunod na pahina nitong libro at tuklasin ang mga samu't-saring kwento napapaloob sa bawat tulamg nabubuo.