Tula ng Tagahanga

8 0 0
                                    

Kinolekta ko ang lahat nang mga salita para gumawa nang tugma
Tugma para sa pagleletra na binuhusan ko nang lubos na paghanga
Sa natatanging taong balak kong paghandugan sana
Iaalay ang sumisibol na damdamin at paghanga para sa kanya

Nakulong ako sa isang pelikulang romantiko nang ikaw ay masilayan
Tanaw sa malayo ang isang depinisyon nang mukhang walang kapintasan
Waring tumigil ang oras at pumailanlang ang malamyos na musika
Nagsimula nang sa aking kinatatayuan ay lumakad ka

Kulang ang mga tayutay upang mailarawan ang ating unang pagtatagpo
Marahil kahit na ang talinhaga at idyoma ay hindi makakasapat dito
Nagsisipulasan ang mga mabubulaklak sa salita sa isip kung ito
Tuluyan na ngang nawala sa katinuan pero nasa rurok na ang kaligayahan ko

Iyang mga mata mong nawawala kapag sinubukan mong ngumiti
Iyang mapupula at nakakahumaling mong manipis na labi
Iyang ilong mo na nasa pagitan nang matangos at pango
Iyang mga kilos mo na bagama't magaslaw ngunit napakapulido

Maliliit na mga detalye ngunit sa akin ay malaki ang ginagampanan
Nang minsan kang magdala nang ilaw sa madilim kong kahungkagan
Kaya ipininta kita hindi gamit ang pintura kundi mga salita
Iginuhit nang mga saknong nang tulang to ang maamo mong mukha

Si Kupido nga ba ang dahilan nitong mga katagang aking ibinibitaw
O ang sarili kung puso na unti-unting sa titig mo'y nalulusaw?
Alin man sa dalawa ang sagot ko'y sigurado kahit may alinlangan
Ikaw ay lubos na hahangaan kahit hindi mo na mapansin man

Silong ng DamdaminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon