Pagkawala ng Panahon ng Buhay

4 0 0
                                    

Malayo ang naging paglalakbay nitong aking buhay
Nadaanan ko ang pamumukadkad ng bawat saya --- walang lumbay
Hanging puno nang pag-ibig at tanawing inukit sa panaginip
Makulay at nagtatawanang bulaklak ang naging kama sa pag-idlip

Masuyo kong nilalasap ang init sa aking balat
Pinuno ng mga masasayang alaala ang aking pagmulat
Nandoon pa rin ang tamis nang bawat pangarap at pag-asa
Imposibleng magkaroon ng tag-araw kaya ipinikit ang mga mata

Sa pagsara nang mga mata doon ko nakita ang pagkalagas
Ang unti-unting pagtaghoy ng pusong minsan sa sakit ay iniwas
Ang pagkahulog ng huling dahon sa sanga ng puno
Ang pagkadismaya sa mga nabutas na pangako

Lumamig ang hangin na batid kong nagmula sa Kanluran
Binalot ng yelo ng sama nang loob ang pusong may katwiran
Tinupok ang apoy na sana'y patnubay sa inaasam na dulo
Nahulog sa madilim na karimlan kasabay nang pagsuko.

Pilit kong hinuhuli ang mga panahon sa aking dalita
Hinahabol ang balanseng liwanag at dilim na hatid nila
Madapa man ay patuloy pa ring tatakbo upang sila'y mahabol
Ngunit hindi na pwede dahil ang buhay ay biglang naputol.

Silong ng DamdaminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon