8 years ago.
"Gusto ko pong maging doktor paglaki ko!" sagot ng isang bata sa guro nila. Tinatanong kasi nito sa bawat estudiyante niya kung ano ang mga pangarap nila.
"Ako naman po gusto kong maging engineer!"
"E, ikaw, Sam? Ano ang pangarap mo sa buhay?" tanong ng guro nila.
Tumayo sa gitna si Sam at pagkatapos ay taas-noo niyang ipinagmalaki ang pangarap niya.
"Gusto kong maging isang writer!"
August 7, 2014
Kasalukuyang ginaganap ang Manila International Book Signing sa SMX Convention Center sa MOA kung saan mayroon ding book signing ang ilan sa mga pinakasikat na manunulat ngayon sa Pilipinas. Kani-kaniyang pila ang mga tagahanga ng bawat isa sa mga kinikilalang manunulat. Parang sardinas na isinilid sa iisang lata ang lahat ng mga ito dahil sa sobrang pagsisiksikan. Tinitiis nila ang lahat ng ito para lang makakuha ng pirma mula sa kanilang mga iniidolo.
"Katabi po natin ngayon si Arnel Roque, ang kinikilalang Leonardo Da Vinci sa larangan ng Philippine literature. Alam po nating lahat na dating vice president si sir Arnel sa isang malaking kumpanya ng mga cellphone. Bumaba lang siya sa puwesto nang mapagdesisiyunan niyang maging isang manunulat. Napakalaking sakripisyo po ng ginawang iyon ni sir Arnel pero, hindi siya nagdalawang-isip at kita n'yo naman po ngayon kung ano ang narating niya sa larangang ito," ulat ng reporter habang pinagkakaguluhan si Arnel ng mga tagahanga niya.
"Sir Arnel, masasabi po nating isang malaking tagumpay ang bago ninyong labas na libro. Wala pang isang linggo ay halos ma-sold out na ito. Ano po ang gusto ninyong sabihin sa mga taong patuloy na sumusuporta sa mga libro ninyo?"
Tatlumpungtaong gulang na si Arnel—maamo ang mukha, pandak, moreno, may pagka-mataba at kagalang-galang. Ang mga libro ni Arnel ay tumatalakay sa mga inspirasiyunal na bagay. Ang lahat ng nakabasa nito ay napukaw ang damdamin; may naiyak at mayroon ding natuwa.
"Salamat sa inyong lahat. Hindi ko mararating ang lahat ng ito kung hindi dahil sa inyo," nakangiting sagot ni Arnel.
"May gusto rin po ba kayong sabihin sa mga baguhang manunulat na nangangarap na maging matagumpay na katulad n'yo?" tanong ulit ng reporter.
"Huwag kayong susuko. Kung gusto ninyong marating ang tuktok ay hindi dapat kayo sumuko!"
Dahil sa isinagot ni Arnel sa reporter ay agad na nagpalakpakan ang mga tagahanga nito. Hindi kalayuan kay Arnel ay may isa pang manunulat na pinagkakaguluhan ng mga tagahanga nito.
"Kyah! Ang guwapo mo talaga, Angelo!" tili ng isang babae na para bang mahihimatay na dahil sa kaniyang nakikita. Nilapitan siya ni Angelo at pagkatapos ay hinalikan siya nito sa kamay niya.
"Ang mga katulad mong babae ang dahilan kung bakit patuloy akong nagsusulat," malambing na bigkas sa kaniya ni Angelo. Dahil doon ay mas kinilig pa ang mga babae niyang tagahanga.
Kabaliktaran naman ni Angelo si Arnel. Kahit na maraming kritiko ang bumabatikos kay Angelo dahil wala raw katuturan ang mga sinusulat nito ay hindi pa rin ito nauubusan ng mga mambabasa dahil sa kakisigan nito. Matangkad at maputi, kahit na walang sustansiya ang mga istorya niya ay dinudumog pa rin siya ng mga babaeng tagahanga.
Samantala, sa isang maliit na bahay sa Caloocan na mediyo may kalumaan na, nagsusunog ng kilay ang isang lalaki kababasa ng mga nakatipa sa isang papel sa loob ng opisina niya. Makalat ang mesa ng lalaki, tambak ang mga papeles na binabasa niya at ang mga baso ng pinagkapehan niya. Sa gitna ng mesa ay makikita ang isang bronze name plate na may nakaukit na:
BINABASA MO ANG
Behind The Pen
RomanceMay mga pangarap ba kayo sa buhay na gusto ninyong tuparin? Mga pangarap sa buhay na tila ba ay hinahadlangan ng masaklap na reyalidad? Simula pagkabata ay pangarap na ni Sam Mendoza na maging isang magaling na writer. Kahit na alam niyang hindi it...