Tapos na ang klase nina Sam. Pupungay-pungay pa siya dahil sa puyat. Tumabi sa kaniya si Mikka.
"May utang ka pa sakin, a!" biro nito.
"Hala! Pasensiya na, may pupuntahan ulit ako ngayon, e," palusot na naman ni Sam.
Bakas kay Mikka ang dismaya nang marinig iyon ngunit tumango lamang at umalis. Kinantiyawan si Sam ng mga kaibigan.
"Hoy! Ano ka ba? Biyaya na ang lumalapit, dinededma mo pa?" pangungutya ng kaibigan ni Sam.
"Huh?" takang-takang tanong ni Sam.
"'Di ba obvious? 'Di ba nung high school tayo, ang gusto ni Mikka na kuning course ay Mass Comm?" sagot naman ng kaibigan niya.
"Abnoy, hindi kita ma-gets."
"Bahala ka na nga riyan!" sigaw sa kaniya ng kaibigan niya pagkatapos ay nilayasan na rin siya nito.
~*~
'Ano naman kaya 'yong importanteng lakad niya? May date kaya siya?' tanong ni Mikka sa sarili. Halos hindi siya mapakali sa kinauupuan niya dahil sa mga naiisip niya. 'Hindi ako papayag!' bulong ulit ni Mika sa sarili na para bang may pinaplano siya para mabulilyaso ang date ng kaibigan niya.
Lunch time nila nang tawagin ni Mikka ang mga kaibigan niyang babae.
"Sa tingin ko, may girlfriend na si Sam! Cheska, Dayne, pa'no na 'to?" bungad ni Mikka sa mga kaibigan niya na ikinagulat ng dalawa.
"Huh? Pa'no mo naman nasabi 'yan?" tanong sa kaniya ni Cheska.
"Hindi kaya masiyado ka lang nag-iisip, Mikka?" tanong naman sa kaniya ni Dayne.
Umiling sa kanila si Mikka at pagkatapos ay sinagot niya ang mga ito, "May importanteng lakad daw siya mamaya. Puwede n'yo ba 'kong samahan? Gusto ko kasi talagang makita kung ano iyong importanteng lakad ni Sam," pakiusap ni Mikka sa mga kaibigan niya. Nagkatinginan muna sina Dayne at Cheska bago sila sumang-ayon.
Dumiretso na sina Mikka sa may canteen para kumain. Nagulat sila nang makita nila si Sam na nag-iisa sa may gilid. Seryoso itong nagsusulat na naging dahilan para mas mabahala si Mikka.
"Love letter? Gumagawa siya ng love letter! Sinasabi ko na nga ba!" Aligaga na si Mikka.
Sinubukan nilang lapitan si Sam para makita nila kung ano ang isinusulat nito at mas nagulat pa si Mikka nang marinig niyang kinakausap ni Sam ang sarili niya.
"Sana magustuhan niya 'to!"
Napanganga na lang sina Mikka at ang mga kaibigan niya nang marinig nila ang sinabi ni Sam.
"Huwag kang mag-alala, friend, sasamahan ka namin mamaya para makita natin kung sino ba 'yang ka-date ni Sam!" sabi ni Cheska habang tinatapik-tapik pa ang balikat ni Mikka.
~*~
Samantala, sa opisina naman ng Behind the Pen Publishing ay may malaking kaguluhan na nagaganap. Pagpasok ni April sa loob ay nagulat siya nang makita niyang nagkukumpul-kumpol ang mga editor sa may iisang sulok. Lumapit siya sa mga ito para tingnan kung ano ang nangyayari. Nagtaka siya nang makita niya ang isang babae na nakaupo sa harapan ni Cyrus.
"Anong mayro'n?" tanong ni April kay Irene.
"Siya raw si Grace. Pumunta siya rito para magpasa ng manuscript. Nang mabasa ni Cyrus iyong manuscript na dala-dala niya, napasigaw si Cyrus ng 'ang ganda!' Kilala mo naman si Cyrus, 'di ba? Bihira lang siyang magbigay ng papuri sa mga istorya. Kaya lumapit kami rito para tingnan kung gaano kaganda iyong pinasa niya," paliwanag sa kaniya ni Irene.
BINABASA MO ANG
Behind The Pen
Roman d'amourMay mga pangarap ba kayo sa buhay na gusto ninyong tuparin? Mga pangarap sa buhay na tila ba ay hinahadlangan ng masaklap na reyalidad? Simula pagkabata ay pangarap na ni Sam Mendoza na maging isang magaling na writer. Kahit na alam niyang hindi it...