Chapter 3- Vigilante vs. Narcolepsy

13 1 0
                                    

Hindi muna umuwi ng bahay si April. Sa opisina nila siya nagpalipas ng gabi. Habang nagtatrabaho siya ay parang may nakita siyang pigura na nakatayo sa labas ng bintana nila. Lumabas siya para tingnan kung sino ito pero tumakbo lang ito papalayo.

'Sino kaya iyon?' tanong ni April sa sarili niya.

Kinabukasan ay usap-usapan sa opisina nila April na palagi silang may nakikitang lalaki na nakatambay sa labas ng opisina nila.

"Oo nga, nakita ko rin iyon noong isang araw. Baka manliligaw mo iyon, April? Huwag mong sabihing pinagpalit mo na ako?" sabi ni Jericho kay April.

Minabuti nilang hindi na lang masiyadong bigyan ng pansin dahil baka basurero lang iyon na nangongolekta ng basura.

Kinahapunan ay dumiretso na agad si April sa Aroma Mocha kung saan sila palaging nagkikita ni Sam. Habang hinihinatay niya si Sam doon ay napatingin siya sa may telebisiyon.

"Nandito po tayo ngayon sa isa sa mga sinehan kung saan ipinapalabas ang movie adaption ng sikat na libro ni Angelo Carpio na High School Love! Kagulat-gulat po dahil wala pang dalawang araw ay mahigit 50 million na po ang kinita nito!" ulat ng reporter sa news. Kitang-kita sa likod ng reporter na puro kabataan ang nakapila sa linya.

"Ang ganda! Nakakakilig! I love you, Angelo!" sabat ng isang babae na nasa likod ng reporter.

"Huy, kanina ka pa ba nandito?" tanong ni Sam kay April na nakapagpaalis ng tingin nito sa telebisiyon.

"Ang tagal mo naman, kanina po 'ko naghihintay rito," sagot sa kaniya ni April.

Inilabas agad ni Sam ang manuscript na dala-dala niya at pagkatapos ay iniabot na niya ito kay April. Habang binabasa ni April ito ay hindi niya maiwasang mamangha. Nadadala siya ng emosiyon ng bawat karakter sa istorya. Ramdam na ramdam din niya maski ang hinanakit ng bida.

"Sam! Nagawa natin! Sigurado akong mananalo tayo gamit ang istoryang ito!" sigaw ni April matapos niyang basahin ang manuscript.

"Sam, may isa ka pang dapat baguhin para masigurong mananalo tayo!"

Hindi niya napansing nakatulog na pala si Sam sa harapan niya habang hinihintay siyang makatapos sa pagbabasa.

'Pinagpuyatan niya siguro 'to,' nakangiting bulong ni April.

Tinanggal niya ang suot niyang jacket at pagkatapos ay ipinatong niya muna ito kay Sam. Sakto naman na napadaan sila Mikka sa harapan ng Aroma Mocha at mula sa bintana ay kitang-kita niya ang nangyayari. Minabuti niyang tumahimik na lang at magpatuloy sa paglalakad kaso may narinig siyang sigaw mula sa loob ng coffee shop.

"Sam! Hoy, Sam!" sigaw ni April dahil nang mahawakan niya si Sam ay halos mapaso siya sa init na nanggagaling dito. Kahit anong sigaw ni April ay hindi niya magawang gisingin si Sam. Doon lang din niya napansin na namumutla na ito dahil sa sobrang taas ng lagnat nito.

Agad namang napatakbo si Mikka sa loob ng Aroma Mocha para tingnan kung ano ang nangyayari kay Sam.

"Anong nangyari?" tanong ni Mikka kay April.

"Ang taas ng lagnat niya! Hindi ko siya magising!" sagot naman ni April dito. Agad silang nilapitan ng mga tao para tulungan.

"Pahingi po ako ng yelo at saka panyo!" utos ni April sa waiter agad namang tumakbo ang waiter papunta sa kusina nila para kumuha ng yelo at panyo.

Nang maibigay ng waiter kay April ang hinihingi nito ay agad niyang ipinulupot ang panyo sa yelo at pagkatapos ay ipinahid niya ito sa noo at leeg ni Sam.

Behind The PenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon