Dreams

154 1 0
                                    

Dreams
"Home of my fears"

Marami nakong nasend na stories dito sa page na 'to about my creepy experiences. Pero this time, tungkol naman sa mga panaginip ko. Wag ka lang titingin sa ibaba ng kama mo while reading this ha? Haha.

Let's start with this one, I entitled it as "Home of my fears" kasi halos lahat ng naipakita dito ay kinatatakutan ko. Recent lang to. Ang scenario ay parang Haunted House. Sobrang laking modern house pero creepy pagmasdan. Madungis yung pintura nung buong bahay. Merong mga bintana sa magkabilaang side. Diko na maalala yung ibang details sorry. Diko nakokontrol yung panaginip ko pero this is what happened. I entered the huge house kasama mga kaibigan ko, walang pinto. Diko na babanggitin names nila. Sobrang dilim. Takot daw ako pero sila, nagkakatuwaan pa. Unexpectedly, bigla dumilim buong palagid tapos kinakapa ko sila, wala sila. Di rin sila nagreresponse sa sigaw ko. Takot ako sa madilim kung mag-isa lang ako so I tried to go out but suddenly biglang may pinto na, nung humarap ako. Pinilit ko raw lumabas pero I can't. Until may biglang suminding mga nakadikit na kandila sa mga gilid ng salas. Kukunin ko raw sana kaso I was wrong. Hindi sya nakadikit, hawak ito ng mga nakatalukbong na mga tao. Sampu ata sila? Then bigla nalang umilaw yung nakaukit na pa-star sa kinatatayuan ko. Ni di ko namalayan pinagigitnaan na pala nila ako. Sobrang takot raw ako nun pero kusang humiga yung katawan ko sa star (devil symbol) Tapos parang dinadasalan ako nung mga lalaki. Palakas ng palakas, parang naririnig ko narin sa totoong katawan ko yung sigaw. NAKAKATAKOT SOBRA! Ang creepy nung mga boses. Nakakatililing sa tenga. Bigla nalang sumindi ilaw. Wala na yung mga tao.Kinabahan ulit ako. Dahil di nga ako makalabas, tumakbo daw ako pataas ng hagdan. Kasi feel ko na babalikan ako nung mga nakatalukbong. Nakakailang steps nako nung biglang may sumunod na creepy na clown na may dalang kutsilyo. Kingina diko talaga yun kinaya! Sobrang tumakbo daw ako ng mabilis pero parang hindi nauubusan ng steps yung hagdan. Naghahabulan padin kami. Palapit na sya ng palapit. Yung feeling na gusto mo pang tumakbo sa panaginip mo pero ang hirap, parang ang bigat! Hanggang sa nahawakan nya buhok ko saka ako tinaas! Nararamdaman ko yung sakit nung buhok ko. Pinikit ko lang daw mata ko kasi parang nilalapit nya mukha nya sakin. Sobrang takot na takot nako nun. Parang totoo na talaga. Tumatawa pa sya. Binubuka nya mata ko pero pinipilit ko namang isara kasi takot nga ako sa clown. Suddenly, bigla ako nahulog. Binulat ko mata ko, wala na sya. Umiiyak nalang daw ako sa gilid ng hagdan. Hanggang biglang umilaw yung kwarto pakanan. Maayos. Sobrang elegante nung kwarto so ako naman na tanga tanga, pumunta ulit doon. Nawala yung takot ko. Parang sobrang saya ng aura sa place nayun. Tas bigla nalang may nagpakita na isang lalaki na may ginagahasa sa malaking kama. Kitang kita ko. Natahimik ako na kinabahan tas palihim sana akong bababa kaso nakakandado na yung pinto. Nagpanic ako. Sumilong ako sa may space ng divider nung kwarto, nagkasya naman pero kitang kita ko talaga yung ginagawa nung lalaki sa babae. Humihingi ng tulong sakin yung babae. Niisip ko naman, tangina mong babae ka wag kang maingay na andito ako! Sobrang takot nako nun. Bigla nalang tinaga taga nung lalaki yung mukha nung babae. DIKO KINAYANG PAGMASDAN kaya nagtakip ako ng mata. Pero nakikita ko padin bes. EPAL. Ganun ata sa panaginip? Nakita ko kung pano nya chinop chop yung katawan nung babae. Talsikan mga dugo, laman..  Kadiri na nakakatakot. Takot kasi ako sa dugo eh. Dinukot pa yung mata. Kingina talaga gusto ko ng makaalis nun. Nung wala na yung lalaki, tinignan ko yung wasak na katawan nung babae. Pumupusitsit padin yung mga dugo. Nung nafeel ko na paparating na yung lalaki, nagpunta daw ako sa CR para magtago. Yung feeling na ramdam ko yung tibok ng puso ko sa totoong body ko. Ganun. Wala naman nakong narinig na kahit ano. Umupo ako sa may tub. Akala ko marmol na pula, makapal na plastik pala kaya pag upo ko dumaus-os ako sa tub na puno ng dugo. KUNG ALAM NYO LANG TALAGA KUNG ANO FEELING NG MALIGO SA DUGO JUSKO! Takot pa naman ako sa dugo kaya napabalikwas ako tas napatingin ako sa salamin may lalaking pugot sa likuran ko. P*T*NGINA ANO BA TONG PINASOK KOOO! Yun yung pumalting sa isip ko. Diko iniintindi. Basta nagpupunas lang daw ako ng dugo. Parang tumatapang nako. Dina ako masyado natatakot. Binuksan ko yung pinto tas lumabas ng kwarto. Duguan padin ako na parang nanghihina na. Napunta ako sa library room. Diko alam kung pano pero basta ang isip ko lang nun makalabas. Pagkatingin ko sa gilid kung ano anong creatures na mga nakatitig sakin.
Monn Lewis Doctolero II
Monn Lewis
Papalapit na sila sa likod ko, tas yung matanda na masama ang titig sakin, hinagisan ako ng karayom sa leeg. Diko na pinansin. Humarap ako sa bintana, sinuntok ko tas nagiba yung harang. Tatalon na sana ako ng bigla akong kinalabutan ng malala sa bababaan ko. I'm afraid of heights. Nung humarap ulit ako sa likod, nakaharap ko na yung matanda na masama ang titig. Amoy naagnas sila hahawakan na sana ako pero nagpahulog ako. Di pa man ako bumabagsak, nagising nako. Napatalon ako sa kama sa gulat mga bes. Yung gulat tuwing mahuhulog ka sa panaginip? Ganun. Sobrang sakit sa puso. Paggising ko para akong naligo sa pawis. Umupo ako na nanginginig sa lamig, nang nakita ko yung maliit na dugo sa unan ko. Hinipo ko leeg ko and may sugat nga. Naalala ko yung matanda na bumato sakin ng karayom sa leeg. Dun nako kinabahan. Akala ko panaginip lang. Medyo nakahinga naman na ako ng maluwag pero hinika ako. Tumakbo ako kila mama para kunware mag-nebu, pero ang totoo diko na kaya matulog mag isa.

Sorry medyo mahaba. Kung meron mang nakakaexperience ng gaya neto, comment ka naman. Check ko then PM kita. Diko na kasi masyado nagugustuhan mga panaginip ko eh though hindi naman ganito gabi gabi. Napanaginipan ko to kagabi and eto yung nagudyok sakin na ibahagi sa inyo para baka may sakaling makatulong sakin.

I'll send another part of this next time. Yung mga past dreams ko, diko na isasama yung revelations chuchu nayan saka sleep paralysis kasi kaumay na. Paulit ulit.

Thanks for reading and have a safe and sweet dreams to all of you and to me as well. Pray muna bago matulog! Sana lang di nyo mapanaginipan yung mga satanic members, lalaking nagcha-chopchop ng katawan, killer clown, pugot na ulo, matandang creepy at babaeng nakabigti na nahuhulog katawan. Hehe.

  -Antipoleño

SPOOKIFYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon