Housemate
Hi! Silent reader here! First time ko magshare. Hehe. Naalala ko lang yung nangyare sa bahay namin nung kakalipat lang namin. Magsisix months ata kami sa bahay na yun nung nangyare to. So ito na.
Yung mommy ko kasi dentist sya. Lilipat kami sa lumang bahay. Habang pinapaayos yung lilipatan naming bahay, pinapagawa na rin yung clinic nya sa labas. Hanggang sa matapos yung bahay. Tapos one time dumating yung supplier nya. Since bago pa lang yung bahay namin, gustong sumilip nung supplier ni mommy sa loob. Edi pinapasok naman ni mommy. Tas bigla na syang nagpaalam na parang nabother. Sabi nya "sige doc una na ko". Tas everytime na nagdadala sya ng supplies, iniiwasan nya sumilip sa loob ng bahay namin. E kapag sumilip sa bahay, makikita agad yung sala. As in sofa. Maraming beses na yun napansin ni mommy so tinanong na nya kung may problema ba. Tinanong ng supplier ni mommy kung ilan daw ba kaming nakatira sa bahay. (5 kaming magkakapatid. 3 kaming babae 2 boys) Edi sinagot naman ni mama tas tinanong nya kung may nakikitira daw ba samin.
Ma: wala. Kaming pamilya lang.
Supplier: hindi sa tinatakot ko kayo doc ha, pero meron pang iba.
Ma: ha???
S: e tuwing nagagawi ho ako dito e may nakaupo dun sa sofa nyo.
M: ano itchura?
S: babae ho. Laging nakayuko hindi ko nakikita mukha nya.Natakot si mommy pero hindi na nya pinansin. Kay daddy nya lang kinwento kasi baka matakot pa kami.
Tapos ibang scenario naman. Yung ate ko, naginvite ng friend nya na magdinner samin. Habang kaming 4 na magkakapatid nanonood sa sala, yung ate ko kasama friend nya nasa kusina kumakain. Kwento ng ate ko, nagsmile daw yung friend nya (Luis) bigla sa may hagdan. Pero di nya na pinansin yun. After nila kumain, lumabas sila sa garahe. Katabi ng clinic ni mommy. Tas si Luis laging nadidistract. Parang napapatingin somewhere. Tapos hanggang sa ihahatid na sya ng ate ko sa may sakayan ng jeep. Habang naglalakad daw sila, tinanong ni Luis sakanya na "alam mo bang may kasama pa kayong iba sa bahay?"
Ate ko: ???
L: kanina, habang kumakain tayo, may ngumiti sakin. Nagsmile back ako. Alam ko napansin mo yun.
A: SHET
L: pero teh, playful sya. Takbo sya ng takbo akyat baba. Saka sa labas nyo. Mahilig sya magstay sa clinic ni mommy mo.
A: Wag mo ko takutin!!!!!!
L: seryoso! Pero feel ko good spirit sya. Siguro naligaw lang.Tapos hanggang sa ayaw na pagusapan ng ate ko. Hahaha. Talagang tumaas balahibo ko nung narinig ko kwento nila e. Based on my experience naman, between 2-4am, narinig kong may nagbubukas ng door knob sa kwarto namin kahit hindi nakalock. (Magkakasama kaming lahat sa kwarto nun kasi hindi pa ayos yung buong bahay) Tapos nalaman ko lahat pala kami, narinig yun. Pero magkakaibang araw. Huhu pero 4 years na kami ngayon sa bahay namin and good spirit nga sya and playful. Sabi nung friend ng ate ko, baka naging mabait din dahil samin kasi playful din kami ng mga kapatid ko. Hahaha and sabi nya wag daw namin paalisin. May possibility na good luck daw yun sa bahay namin or guardian sya.
Thank you for reading! Sana mabasa ng mga kapatid ko to. Hahahaha
-ZC
Quezon City
BINABASA MO ANG
SPOOKIFY
HorrorThis is a Fan made only. Ginawa para sa mga wattpad reader na gustong maexperience ang kilabot at takot. 😂😱✌