Yaya

112 2 0
                                    

Yaya

Hi Spookify readers. Actually, I'm a silent reader po. And I have so many eerie experiences. Di ko lang alam if open ba third eye ko or sadyang pinapakitaan ako ang or pinaparamdaman.

PS. Promise, lisod kaayo mag-tagalog. Hahahaha. (Promise, ang hirap mag-tagalog).

Noong bata pa ako, may mga yaya kami ng kapatid ko. Tig dadalawa kami ng yaya ng kapatid ko. I have this yaya na sobrang close ko raw (according to my mommy), siya raw yung hinahanap ko always. Then one day, namatay yung yaya ko (di na inelaborate ni mommy what caused her death). It was so sudden. Habang binuburol siya, I was always left at home with my other yaya. Kasi my Mom's a teacher and minsan niya lang ako sinasama sa school. So while yung yaya ko binuburol, at nasa bahay lang kami kasama yung isang yaya ko, may small round window kami sa bahay which is malapit lang sa pintoan ng bahay namin. Lagi raw akong tumatawa while looking at the round window. That was almost everyday raw during burol ng yaya ko. Then one time, walang pasok sila Mommy siya na nagbabantay sakin. Nakita niya talaga kung sino yung tinitingnan ko sa may round window. It was my yaya na nagwe-wave sa akin at nagpapaalam na sa akin. After that time, di na raw ako tumatawa while tumitingin sa round window namin.

Yun lang po. So far, that was my first experience but that was told by my mom na. Kasi di ko pa yun alam dati eh. Marami pa akong stories pero later na ako magtatype kasi timeout na namin sa work.

- E -
From Panabo, Davao del Norte :D

SPOOKIFYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon