The Enchanter's Daughter

139 1 0
                                    

The Enchanter’s Daughter   

Bata pa lang ako nang lumipat kami ng bahay. Malapit kami sa kabundukan. Simple lamang ang pamumuhay sa barrio. Sariwa ang hangin, natural ang tanawin at mabubuti ang mga tao. Sa katabing bahay namin may nakatirang marangyang pamilya. Tatlo ang kanilang anak. Dalawang lalaki at bunsong babae, si Kayle (di tunay na pangalan). Araw-araw nakikita ko si Kayle nakadungaw sa bintana. Nakangiti siya habang pinagmamasdan ang bundok. Bilang bata, siyempre naghahanap ako ng kalaro. Tinawag ko siya mula sa bintana, sabi ko maglaro tayo. Tumango siya at lumingon-lingon sa kanyang likuran. Madali siyang pumanaog at kami ay naglaro ng bahay-bahayan sa paanan ng bundok. Sa kalagitnaan ng aming paglalaro, bigla na lang siyang nawala na parang bula. Hinanap ko siya pero di ko nakita. Akala ko baka tinawag na siya sa kanila. Umuwi na rin ako dahil malapit nang gumabi.

Malalim na ang gabi at pumunta ako sa kwarto para matulog. Bigla na lang may kumatok. Pinagbuksan ng papa ko. Mommy at Daddy pala ni Kayle. Humahagulgol sa kaiiyak ang mommy niya, hinahanap siya. Kinabahan ako dahil ako kasama niya buong maghapon. Sinabi ko kasama ko siya naglaro sa paanan ng bundok nang nawala siya bigla. Natulala at nagtinginan ang parents niya. Pinagalitan at sinigawan ako ng mommy niya, ba’t ko daw siya dinala dun. Napaiyak ako. Pinatahan siya ng kanyang asawa at sila’y umalis na. Buong barrio naghanap kay Kayle pero di nila nakita. Nagpasama pa nga ng pulis upang suyurin ang kabundukan ngunit sila’y nabigo. Isang linggo ang lumipas.

Nanghuli ako ng kuliglig sa paanan ng bundok. Natulala ako nang makita ko si Kayle na pumanaog sa paanan ng gubat. Nakangiti siya at masayang tumakbo papunta sa akin. Tinanong ko kung saan siya nanggaling. Sabi niya namasyal sila ng daddy niya sa napakagandang lugar. Magical, puro ginto at napakayaman ng mga taong nakatira dun. Eh ba’t ganun? Isang linggo na siyang pinaghahanap ng mommy at daddy niya. Hinatid ko siya sa bahay at niyakap siya ng parents niya. Nang nakapasok na si Kayle at daddy niya sa loob, may binulong ang mommy niya sa akin. Huwag ko daw dalhin muli si Kayle baka kunin siya. Noong una, di ko maintindihan.

Sumunod na araw, nag-impake na ang pamilya nila. Dun na sila titira sa maynila upang di na maulit ang trahedya. Ilang taon na din ang lumipas. Lumipat na din kami ng bahay sa siyudad. Nag-aral ako sa isang unibersidad. May classmate akong pamilyar ang mukha. Si Kayle yun, naalala ko talaga. Tinawag ko siya sa kanyang pangalan ngunit di siya lumingon. Nilapitan ko at sinabing “Kayle, kumusta ka na? Tagal nating di nagkita.” Ngumiti siya sabay sabing di Kayle pangalan niya. Pinakita niya sa’kin I.D. niya. “Chiara” ang nakasulat. Dark and light daw meaning ng Chiara. Pinangalan sa kanya ng papa niya. Nagtaka ako. Sabi ko baka kamukha lang ng kakilala ko. Paglingon ko saglit para kunin ang cellphone ko sa bag, nawala na lang siya bigla. Tapos lumapit sakin kaklase ko. Sino ba daw kausap ko. Kanina pa daw ako nagsasalita ng mag-isa na parang baliw. Nahiwagaan ako.

Pumunta ako sa registrar para i-check ang records. Tinanong ko kung may “Chiara” na nag-enroll sa department namin. Sabi nila wala. Sabi ko paki review pero wala daw talaga. Pano yun nangyari? Nakita at nabasa ko mismo I.D. niya. Malapit na mag-end ang semester. Tumatakbo ako dahil may exam at late na ako. Nakita ko si Chiara, naka school uniform, nakangiti siya sa akin na naglalakad sa hallway. Nasurprise ako but I passed by her, dahil nga late na ako. Paglingon ko, nawala siya bigla. Ba’t ganun? Napakahaba ng hallway bago makarating at makaliko sa dulo. Mabibilang lang din ang mga estudyante na naglalakad dahil night class. Napaisip ako. Posible nga kayang si Kayle at si Chiara ay iisa?

Bumisita ako muli sa barriong kinalakihan ko. Dun kasi nakatira ang tita ko na nagpapaaral sa aming magkakapatid. Pumunta ako sa bahay nila Kayle. Ang nakatira na sa bahay ay ang nakatatanda niyang kapatid na lalaki. May pamilya na. Tinanong ko kung nasaan ang bunso niyang kapatid na babae- si Kayle. Nagtaka siya. Wala daw silang kapatid na babae. Dalawang lalaki lang. Mommy at Daddy niya nasa abroad na daw. Pano yun nangyari? Nagtanong ako sa parents ko kung naalala nila si Kayle. Pero laking gulat ko na wala silang naalala na Kayle na kababatang kaibigan ko. Lahat ng events sinabi ko sa kanila, nung araw na nawala si Kayle, pero wala talaga silang matandaan. Ba’t ako lang nakaalala? Ano siya, na imagine ko lang? Pero totoo para sa akin. Di panaginip. Hindi ako nababaliw. Alam kong totoo.

End of semester, nag-classpicture kami. Bigla na lang akong natulala nang makita ko si Kayle or Chiara. Ngumiti at nakatayo siya sa pinakagilid namin, sumama sa picture taking. Nagclick na ang camera. Pagtingin ko muli si gilid, nawala na siya. Nireview ko ang picture. Pagtingin ko sa larawan kung saan siya pumwesto, image of light lang ang nakita. Napakaliwanag at parang nagresemble na tao ang imahe. Sabi nila baka sa lights lang. Peron nakaclose ang mga kurtina sa room dahil may aircon. Dun na ako nacurious about sa mga mythical beings. Chiara is the enchanter’s daughter.   

Mystery Seeker

SPOOKIFYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon