Buhok

132 1 0
                                    

Buhok

-kakaibang buhok

Nangyari to Dec.27 2016 isa lang akong normal na babae na laging hawak ay cellphone bago matulog and last night was my most scariest night.

Habang nag browse ako binabasa ko yung post about "heart breaking relationship" then nakaramdam ako ng pag jingle so bumangon pumunta ng CR pero bago ako bumangon nakaramdam ako ng parang may nakahawak sa balikat ko na parang pinipigilan ako bumangon. (Yung kama ko nasa window naka pwesto then yung ulo ko sa harap ng window nakaside) then tinignan ko kung anu yun tapos wala naman. Tuluyan na ko bumangon at parAng may narinig na tawa ng babae (at sa pag kakaalam nyo ako lang tao sa kwarto and its 1:49am) pero binalewala ko umihi at tumuloy pa din ako sa CR then pag balik ko tuloy ako sa pag browse at pag babasa ng kung anu anu sa fb nakita ko buhok nadadaganan ng mukha ko, so inayos ko yung buhok ko para hindi na nkaharang then suddenly my hair is falling in front of my face then inayos ko naramdaman ko na parang iba yung strands and parang iba yung texture so binalewala ko pa din tuloy pa din sa pag scroll down then suddenly lumaglag ulit yung buhok sa mukha ko then naisipan kong hawakan na lng habang hawak ko iniisip ko iba yung strands at parang malagkit at makapal parang hndi ko buhok then sinukat ko (yung buhok ko lagpas lng ng onti sa balikat) pero yung hawak kong buhok habang sinusukat ko umaabot na sa dulo ng unan ko onti onti nag ssync in sakin na "teka hindi ko to buhok" onti onti lumilingon ako sa likod ko habng hawak pa din yung buhok at habang paonti onti akong lumilingon may nararamdaman akong katabi which is wala naman dapat then sinubukan kong ibalik paharap yung muka ko pero di ko magawa nakita ko na lang may bumabangon na babae sa likod ko at hinahatak onti onti yung buhok nya sa kamay ko at tumayo lumabas sa bintana.

After nun di ko na alm kung anu nangyari pero nakapunta pa ko sa kwarto ng nanay at tatay ko. Humiga natulog at naaalala lahat ng nangyari ngayon.

TABSY
Hemady QC

SPOOKIFYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon