Mr. Dreamboy
-Day 1-
Nung 16th birthday ko, may napanaginipan ako na lalaki. Gwapo, matangkad, maganda smile at may something sa kanya na hindi ko maintindihan. Wala ako matandaan na may kilala akong ganon na itsura sa schoolmates ko or sa neighborhood namin.
Ang eksena is nagpakilala sya na sya si Tom. Nag shakehands pa nga kami nun and parang nung hinawakan ko sya parang nakuryente ko na ewan. Yung tipong may spark talaga. Then nagkwentuhan lang kami. Di ko na matandaan kung ano pinagusapan namin that time.
Pagising ko nung umaga normal lang naman yung nangyari. Nacelebrate ko naman ng maayos birthday ko nun with my friends and family.-Day 2-
The next day, nanaginip nanaman ako. Si Tom nanaman yung nasa paniginip ko. Nasa park kami nun. Maganda yung park. Lugar kung saan alam ko na hindi ko pa napuntahan dito sa Pilipinas. Malinis kasi. Hahaha. Nagkwentuhan lang ulit kami nun. Then nasabi ko sa kanya na birthday ko kahapon and biniro ko sya na wala ba syang gift sakin. (Normal na biro ko yun pag birthday ko) Tinanong ako ni Tom kung ano ang gusto ko. That time ang gusto ko lang naman is yung something na involved si hello kitty. So sabi ko parang gusto ko ng bag na may hello kitty design. Naging seryoso ng bahagya mukha nya. Tinanong ako kung ano yung hello kitty. Inexplain ko pa ng mabuti sa kanya. Ang nasa isip ko pa noon bakit di nya kilala si hello kitty. Pamanly sya masyado. Antagal ng paliwanagan. Parang doon lang umikot yung buong panaginip ko.
-Day 3-
Nung nagising ako. Medyo nagtataka na ako kasi parang 2 times ko na napapanaginipan yung taong hindi ko naman kilala. And normally nakakalimutan ko naman agad agad yung details sa panaginip ko pero bakit yun natatandaan ko.Pumasok lang ako ng normal sa school nung araw na yun. Tapos paguwi ko sa bahay gaya ng normal wala pa parents ko. Then nung gabi na, dumating yung Mom ko may binigay sya sakin na nakagift wrap pa.
Pagbukas ko nung gift, bag sya na hello kitty. Napamura ko nun pero syempre nagpanggap ako na iba sinabi ko para di ako mapagalitan ng Mom ko then nagthanks ako.
Deretso kwarto ako agad nun. Nagbigay na kasi Mom ko ng gift nung mismong araw ng birthday ko. Kaya nagtataka ako na may gift sya ulit. Ayoko matulog nung time na yun kasi parang kinakabahan ako sa nangyari. But eventually nakatulog din ako.
Sa dream ko nun si Tom nanaman. Dun sa park pa din. Papalapit sya sakin pero ako naglakad palayo kasi natatakot na ko. Bigla sya napunta sa harap ko, tinanong nya ko kung bakit ako lumalayo. Naiyak ako nun. Sabi nya hindi ko daw ba nagustuhan yung regalo nya kaya ako umiiyak. Napash*t nalang ako and mas matindi iyak kasi nga natatakot ako.
-Day 4-
Nagising ako nun na umiiyak. Natatakot kasi talaga ako. Pero dahil siguro napagod ako sa pagiyak nakatulog nanaman ako. Pagising ko nun. Saturday sa wala na ko pasok sa school. Medyo tulala pa ko. Nagpunta ako kusina para magbreakfast then nakita ko si Mom sabi nya sakin kunin daw nya muna yung bag na binigay nya. Sabi ko bakit? Wala sya sinabi na dahilan basta kinuha nalang nya and pinabayaan ko nalang. Kasi kahit hello kitty yun, natatakot pa din ako.
Nung gabi ulit, nanaginip nanaman ako and si Tom nanaman. Same place pa din, sa Park. Nagsmile sya tapos ako nakatayo lang. Lumapit sya at nagsorry, sobrang lungkot ng mukha nya na kahit gusto ko ulit lumayo di ko nagawa nun kasi parang nakukunsensya ako. Nagsosorry sya dahil di ko nagustuhan yung bigay nya. Ano daw ba talaga gusto ko. Dahil na rin siguro curious ako kung mangyayari ulit is nagsabi ako na gusto ko ng necklace with my name na nakalagay.
-Day 5-
Nung umaga is hinihintay ko na talaga na may magbigay sakin kaso wala. Hanggang dumating yung hapon Wala inaabot Mom ko sakin kaya naisip ko na paranoid lang ako at kung anuano iniisip ko.Dinner time ng dumating ang lola ko. May inabot na gift. Pagbukas ko, necklace na may name ko.
Nextime ko na po ikwento yung mga kasunod na nangyari. Salamat.
-Z
-Zzz
Bulacan

BINABASA MO ANG
SPOOKIFY
HorrorThis is a Fan made only. Ginawa para sa mga wattpad reader na gustong maexperience ang kilabot at takot. 😂😱✌