Pastor's 6th Sense
Hi spookify , hanggang ngayon natatawa parin ako kase mali yung nasendan ko ng story na to. Sa message ko nasend. Sorry na taga bundok eh. HAHA
Well back to the story , this is about our pastor somewhere in CamSur , shout out sa mga oragon jan
So ganito yun , Naggagawa kami ng polboron sa church mismo para ibenta para fund para sa darating na youth camp.
Bale yung church namin , dun na din nakatira pastor namin at asawa nyang pastora din.
May dalawang kwarto yun , una yung kwarto nila , pangalawa yung prayer room.
Sa sobrang dami ng ginagawa namin inabot na kami ng 7pm yata yun im not sure.
So habang nagtatawanan kami kase napakajoker ni pastora, si pastor naman tahimik , as usual , hehe.
Bigla nyang tinanong kung nasan daw yung dalawang brother in christ namin , ayoko na pangalanan mahirap na. hehe
So sinagot ko , sabi ko , yung isa nag lalaba sa sapa at yung isa namamasada pa. Silang dalawa lang kase ang kasama nila pastor sa simbahan na lalaki.
Pumunta sya sa kwarto nila , lumabas at pagkatapos sa prayer room naman pumasok na para bang may hinahanap.
Nang wala siguro syang makita , bumalik syasa mesa na pinaggagawan namin ng polboron at naupo ulit sa upuan na inuupuan nya knina.
Maya maya nagtanong sya.
Pastor:Nakita nyo ba yung lalaking pumasok ?
So kami ni ate je nagtaka kasi kami yung malapit sa pintuan at wala naman kaming nakita , haler 20/20 pa vision namin at imposible nman tlagang hindi namin yun makita kahit pa malabo mata namin. Tao yun bes , tao nga ba ? hahaSo sabi namin wala kase kung may papasok na tao kami ang unang makakakita.
Pero ininsist ni pastor na meron , dinescribe nya pa. Nka orange daw na shirt , nakamaong na shorts , malaki ang katawan at kayumanggi.
Pagkapasok daw dire direcho lang na parang bastos di man lang nagtao po .Walang respeto . HAHA
So yun pagkapasok , direcho sa may tapat ng pinto , lumingon sa loob ng kwarto nila pastor na parang may hinahanap at pagkatapos pumasok sa prayer room.
Di na lumabas. Kaya pala pumunta si pastor sa dalawang kwarto para icheck kung sino yun.
Pero dahil wala syang makita bumalik sya sa pwesto namin.
Mejo creepy kasi seryoso talaga mukha ni pastor . Pero dahil alam kong nasa church kami at kasama namin si God mejo napapakalma ko naman ang sarili ko. hehe
Nagpray kami na kung sino man yun naway wag kaming guluhin.
Ang tanong ko ngayon.
sino ba yung lalaki na yun at ano ang hinahanap nya sa loob ng simbahan namin ? Pero ano pa man ang mangyari , ang importante ay manalig tayo sa Dios upang di tayo magambala ng bad spirits. Yun lang. Di na nakita ni Pastor na lumabas yung lalaki na yin kung sino man sya. HAHA
Hanggang dito nalang po.
P.S Gifted talaga si Pastor , nakakakita rin sya ng mga lamang lupa may masasama pero dahil sa alam ng mga nilalang na yun na lingkod sia ng Dios eh hanggang warning lang sila kay pastor like "umalis ka dito"
Hindi nila nagagalaw ang mga taong lingkod ng Dios.
PPS. Minsan may naririnig si pastor na mga maliliit na nilalang na parang tumutugtog ng banda.
Kung san nya banda narinig yun , merong mamamatay.Daragang Oragon
Bacoor

BINABASA MO ANG
SPOOKIFY
TerrorThis is a Fan made only. Ginawa para sa mga wattpad reader na gustong maexperience ang kilabot at takot. 😂😱✌