Bermuda
Dito sa bahay namin sa Bermuda Heights Subdivision sa Antipolo city, share ko yung mga nakakatakot na naging karanasan ko nung 2nd year highschool ako. Madaling araw mga 1am natutulog ako ng biglang gumagalaw yung doorknob ng pintuan ko yung para bang may pumipilit makapasok samantalang magisa lamang ako noon dito sa bahay. Pangalawa madaling araw din yun, kapag natutulog kasi ako mas gusto ko nakapatay ang ilaw pag gabi sinasara ko din mga pintuan dito sa bahay. Naalimpungatan ako ng madaling araw ng biglang bukas lahat ng ilaw at pintuan dito sa bahay. Imposible namang may pumasok kasi mataas yung gate namin at 7 ang aso namin imposibleng may mag akyat bahay dito.
Pinakahuling nakakatakot na karanasan ko dito ay yung hapon ng alas dos may dumaan na batang babae sa pinto sa labas, inakala ko na kapatid ko ito, sinabi ko na matulog ng tanghali. Tapos bigla akong nakaramdam ng lamig ng nakita ko mga kapatid ko sa likod na bahay mga tulog. Napaisip ako kung sino yung batang babae na yun na tila naglalaro sa tapat na bahay.Pahabol na nakakatakot experience, pinicturan ko yung pinsan ko noon reunion namin sa garahe namin. Nang zinoom ko yung picture. Nagulat ako na may babae na nakaitim at sobrang nakakatakot ng itsura. Pinakita ko sa mga tita at mom ko pati sila kinabahan. Sabi ni mom kaya sila nagpaparamdam dahil masyadong tahimik dito sa bahay. Kaya ngayon hilig ko na magpatugtog na nakamax ang volume na ramdam nila na masaya kami dito sa bahay na kahit may halong takot na nadarama.
Rektsolution
Antipolo City
BINABASA MO ANG
SPOOKIFY
HorrorThis is a Fan made only. Ginawa para sa mga wattpad reader na gustong maexperience ang kilabot at takot. 😂😱✌