ALAK

135 0 0
                                    

ALAK

Lasing ako. Oo. Pero alam ko at ng mga tropa ko ang nangyari nang gabing yon.

Alas tres na ng umaga. Lahat kami masaya. Nagtatawanan. Maingay at nagkakasiyahan nang biglang kumalabog yung pintuan namin sa bahay.

Simula alas syete palang kasi, nag iinom na kami. Lahat may sari sariling problema na gustong makalimutan bago matapos ang taon kaya nagka ayaan nalang kahit ang layo layo ng mga tiinitirhan namin. Literal malayo.

Sanay naman na kasi ako sa mga ganitong pangyayari sa bahay namin. Kung ano anong nagpaparamdam at nagpapakita pag ganong oras ng gabi (umaga na ata haha).

Bata palang kasi ako, nakakaramdam na ako ng kung ano ano. Lalo na tuwing sasapit ang todos do santos.

Naaalala ko pa nun nung nagdarasal kami. Kung papaano pumalipot ang tatlong itim na anino sa pinsan ko.

May sungay ang bawat isa sakanila. Nanlilisik ang mga mata. Yung tipong matitigan mo lang, mapapatiklop ka na. Ang unang mapapasok sa isip mo ay magtago nalamang kasi talagang nakakatot ang mga titig nila. Pulang pula at para kang hihigupin sa kailaliman ng impyerno pag tinignan mo talaga. Napakasangsang din ng amoy ng tatlong nilalang na ito. Di ko maipaliwanag. Nakakasulasok talaga. Konti nalang talaga masusuka na ako sa amoy nila. Buti nalamang nadaan ito sa orasyon at nawala rin sila.

Balik tayo sa kwento.

Lasing na lasing na nga kaming lahat. Hindi ako sanay kasi nga matagal pa bago tamaan talaga yung mga kasama ko.

Napatigil nalang kami nang marinig namin ang tatlong balabag ng pinto.

Nung una, ako lang ang nakapansin. Kaya pinabayaan ko nalamang. Hanggang sa palakas na ito ng palakas. Yung tila sasabog na eardrums mo. Hindi na kasi tunog lang ng pinto. Parang may matinis pang kasabay. At sa bawat palapag ng pinto, kapansin pansin yung usok na lumalabas sa screen door namin.

Akala ko ako lang ang nakakapansin. Alam ko na na nakakagambala yung ingay namin pero pinabayaan ko na lamang. Tawanan kasi sila ng tawanan. Yung iba kumakanta pa nga.

Sa isip isip ko, humihingi na ako ng pasensya sa mga nagagambala namin. Alam ko kasi na meron talaga. Pasimple na nga akong bumubolong. Sabi ko minsan lang ako mag painom. Sana naman pag bigyan ako. Parati kasi akong nasa maynila at bihira mag painom sa probinsya. Kaya sana kahit ngayong gabi lang pagibyan tong munting kasiyahan naming magtrotropa.

Natigil na lamang ang pagbulong ko nang biglang bumagsak yung pinto.

Halos lahat kami napatayo.

Kitang kita ng dalawang mata ko. Hindi ito dahil sa kalumaan ng pinto namin o dahil sa malakas na ihip ng hangin.

Nakita ko kong pano itinulak ng maitim na nilalang yung pinto namin. Kinalas niya muna ito bago sinadyang pabaksakin. Ang lakas ng tunog. Kasabay ng pagkakalaglag nito ang malalim na pagtawa nung nilalang na yon.

Napatitig na lamang ako kasi talagang nakakatindig balahibo yung mga nakita ko ng panahon na yon.

Nakangisi lang siya at dahan dahan niyang inangat ang kaniyang kaliwang kamay sa kaniyang bibig. Sumesenyas na tumahimik na kami.

Alam kong ako lang ang nakakakita sa kaniya dahil lahat sila nagpatuloy lang sa pag bibiruan at pagkwekwentuhan pagkatapos malaglag yung pinto.

Nakakapagtaka lang na isa isa silang nag paalam. Biglaan. Eh ang usapan dito sila matutulog sa bahay namin. Ni isa walang natira. May sarisariling dahilan. Di ko nga alam kung papaniwalaan ko pa e. Basta tumango nalang din ako at nag paalam hanggang sa wala nang natira sa bahay namin.

Isa isa ko silang minessage at pinayuhang magdasal na lamang bago bumyahe (tatlong oras yata yung pinaka maikling babyahihin ng mga tropa ko kasi nga malayo talaga mga pinanggalingan nila haha)

Dala na rin ng antok at pagod, nagpasya nalang din akong magpahinga na lamang at matulog. Di ko na namalayan na napapikit na pala ako at nagderederetyo na yung pahinga ko (syempre nagising ako kinabukasan hahaha)

Kaya isang muting paalala lang sa mga nag iinuman diyan at nagkakasiyahan, siguraduhin niyo munang wals kayong nagagambala bago niyo yan simulan kung ayaw niyong maranasan ang aking pinagdaanan.

Stella
Some province in the philippines

SPOOKIFYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon