"NICK, wake up!" tinatapik tapik ni Rean ang balikat ng binata na mahimbing na natutulog sa kanyang kama.
"Hmmm."
"Anong hmm. Wake up! Aalis na ko." Pag kasabi noon ay bigla itong nagmulat ng mata. Nangunot ang noo nito nang makitang naka gayak na sya at handa ng umalis.
"What time is it? Ang aga mo naman." He complained at hinila nito ang kanyang kamay dahilan para mapadapa sya sa dibdib ng binata. "Gusto pa kitang yakapin. Wag ka muna umalis."
"You were hugging me the whole night." Kunwariy protesta nya pero ang totoo ang gusto nya ang ginagawa nito. Kung hindi nya lang kailangang kunin ang mga regalo ni Vannesa sa kanyang pamilya sa probinsya ay hindi sya aalis. Ang tamad kasi ng kaibigan nya na pumunta sa kanyang condo at ihatid ang mga regalo palibhasa wala ng ibang ginawa ang bruha kundi humilata sa kama kasama si Josh.
"Cause I will miss you. Wait." Pinakawalan sya nito at sinapo ang kanyang mukha. "Don't you want me hugging you? Masyado na ba kong clingy? Shit I thought woman want their boyfriend to be sweet and caring they want to-"
Pinahinto na nya ito sa pagsasalita by giving him smack kiss. "Dami namang sinabi Nick." Natatawa nyang turan.
Pero kung sya ay natatawa ang mukha ni Nick ay parang nag aalala na naguguluhan na ewan.
"So hindi ka nasasakal? Is it ok if I am clingy? Cause Rean I cant help it baby, I want to hold you and kiss you always. Ok lang ba?"
Parang tumalon ang kanyang puso sa sobrang kaseryosohan nito at the same time kasweetan. He never thought that a man named Nicholas Lockheart is this sweet na halos araw araw nalang pinapalukso ang puso nya.
"Ahm-" iniwas nya ang tingin sa binata. Alam nya kasing namumula na ito ngayon. "Ok lang."
"Ok lang?" pilit nitong hinuli ang kanyang tingin. Sya naman ay panay iwas dito. "Baby look at me."
Iling lang ang sinagot nya dito.
"Rean, look at me please." He whispered to his ear using his husky voice. Nakakainis alam na alam talaga nito ang kanyang kahinaan. Lagi nalang sya nitong dinadaan sa pang aakit.
Hinawakan nito ang kanyang baba upang iharap ang mukha nya dito. "Ok lang talaga?" nakikita nyang sumisilay ang pilyong ngiti ni Nick.
Pilit naman nyang nilalabanan ang panunukso nito sa kanya. Bakit ba naman kasi ang bilis nyang bumigay dito. Lumalambot agad ang tuhod nya pag ngumingiti na ito sa kanya ng matamis.
"Oo." Tipid nyang sagot.
"Why are you hiding your face baby? Gusto kong makita yung mukha mo. And kiss every part of it." Halos pabulong na ang pagkakasabi nito sa huli.
Unconsciously, she licked her lips. Parang bigla itong nanuyot at gustong madampian ng labi ni Nick.
Inilapit nito unti unti ang ulo sa kanya habang nakatingin sa kanyang labi. Nang malapit nang maglapat ang kanilang mga bibig ay tumunog ang kanyang cellphone.
Dahil tuloy dito ay napabalikwas sya sabay tulak sa binata. Agad syang umalis ng kama at hinanap ang nag-iingay na gamit. Si Nick naman ay narinig nyang umangal pero hindi nalang nya ito pinansin. Sya man ay nabitin din pero kahit papano ay nakadama sya ng relief dahil baka saan pa matuloy ang simpleng halik na iyon pag nagkataon.
"Van-"
"Hoy babae ano na? Anong petsa na pero wala ka pa dito. Kanina ka pa nag text na paalis ka na pero hangang ngayon hindi ka pa rin nakakarating? Sa mindanao ka ba nangaling at sobrang tagal mo ha?" dirediretso nitong sermon. Hindi man lang nito pinatapos ang bati nya nagdaldal na. Ito na nga ang dahilan ng pagkabitin nila ni Nick ito pa ang may ganang manermon. Aba!
![](https://img.wattpad.com/cover/90007596-288-k534315.jpg)
BINABASA MO ANG
Lockheart Series 4- Mr. Heart Ripper
Fiksi UmumHow can a playboy like Nick tame the Ms. Black belter woman named Rean Lor Natalicio?