Hello to RIOLAGRIMAS , mrcrswagas and hellokitty1307. Dedicated po sa inyo ang chapter na ito. Enjoy!
_________________________________
NUNG araw nga na iyon ay hindi umalis si Nick sa kanyang condo. Kahit pa kaliwat kanan ang natangap nitong tawag mula sa kapatid ay hindi sya iniwan ng binata. He took care of her in every way he could. Mula sa pag tayo sa kama at pagpuntang banyo, sa paliligo, pag kain, sa panonood ng TV at hangang sa sumapit ang gabi na matutulog na ulit sila. Nanatili lang ito sa kanyang tabi.
"Comfortable?" ang tinatanong nito ay ang pagkakalagay ni Nick ng kanyang unan.
"Yes! At anu kaba I can handle this ok? You don't have to be OA to fix even my pillow. Kaya ko to."
Nakita nyang nalukot ang noo nito habang nakatingin sa kanya. "That's not being OA baby. That called being a sweet boyfriend. At wala kong balak bawasan ang pag aalaga ko sayo so get use to it." Pagkasabi noon ay hinalikan sya nito ng mabilis sa labi. Bago humiga sa kanyang tabi at yumakap sa kanya.
Napakalandi talaga ni Nick at sya naman kilig na kilig sa ginagawa nito. Pero hindi nya iyon ipapaalam sa binata baka lumaki pa ang ulo nito. Magiging dalawang ulo na ang malaki dito pag nagkataon.
Ipinilig nya ang kanyang ulo sa naisip. Mula nang makilala nya si Nick nagiging mahalay na sya mag-isip. My goodnes.
Nagising si Rean dahil sa ingay na nagmumula sa kanyang cellphone. Bumangon sya at kinusot ang mata bago hinagilap ang bagay na nag-iingay. Nang makita nya itong nakapatong sa lamesa ay kinuha nya iyon. Without looking at the screen, she answered the call.
"Hello Good morning!" inaanyok nya pang sabi.
"Hi Hon how are you?" nang marinig ang boses sa kabilang linya ay bigla syang nakaramdam ng kaba. Agad nyang inilibot ang mata sa loob ng kwarto kung nandoon ba si Nick. At nang hindi ito makita ay medyo nakahinga sya ng maluwag. Ayaw kasi nyang marinig nito na kinakausap nya si Junghwan. Baka magalit pa ito.
"J-Jung?" nauutal nyang sagot. "Napatawag ka?" It sounds wierd pero ayaw nyang marinig ang boses nito. Tanging kay Nick lang ang gusto nya ngayon at hindi dito.
"I'm just checking you Rean. Tinatanong na rin kasi ako ni lola how are things going between us. You know the merger are just few weeks to go and they, actually me also want us to be together again before it happens."
Parang nakadama sya ng iritasyon sa sinabi nito. Hindi nya alam kung dahil ba ipinaalala pa nito ang kasunduan nila o dahil sa sinabi nitong gusto nitong magkabalikan na sila.
What is wrong with you Rean? You should be happy that he thinks that. You love him remember? her mind tried to convinced her. Pero parang pinipilit nya nalang ang sarili nya na amining mahal nya ang binata.
"Hey Rean, still there?" bumalik ulit sya sa wisyo ng marinig itong magsalita.
"Yes! And I'm good Jung. There's nothing to worry about. Tungkol naman sa gusto mo." Parang biglang nanuyot ang kanyang lalamunan. "I-I'm still thinking about it." She lied.
Bago sya pumunta kay Nick ay siguradong sigurado na sya na lalapit sya sa binata at magpapatulong dito para gawin ang kondisyon ni Junghwan at para matuloy ang merger ng kompanya ng pamilya nito at ng kanyang lola. Pero ngayon na nangyari na ito ay hindi nya iyon masabi sa lalaki. Maybe she no longer want that thought. Or maybe she never really want it from the start. Baka hindi naman talaga ito ang rason nya kaya sya lumapit kay Nick. That notion bothered her.
![](https://img.wattpad.com/cover/90007596-288-k534315.jpg)
BINABASA MO ANG
Lockheart Series 4- Mr. Heart Ripper
General FictionHow can a playboy like Nick tame the Ms. Black belter woman named Rean Lor Natalicio?