17

22.2K 559 32
                                    

HINDI maalis alis ni Nick ang masamang tingin na ipinupukol sa lalaking katabi ni Rean habang nasa hapag sila at nagmemeryenda. Ang kapal ng mukha nitong angkinin ang dalaga at sabihing he is her fiancée. Kanya lang si Rean at hindi sya makakapayag na may ibang umangkin dito. Hindi matangap ng kanyang utak at puso na nakikita itong may ibang katabi. Siguro kung nasa ibang ligar lang sila ay kanina nya pa binali ang buto ng payatot na lalaking makapal ang mukha.


"Chill bro." tinapik ni Josh ang kanyang balikat. "Hindi magugustuhan ni Rean pag nagkagulo." Mahina nitong bulong. Nakita nya rin si Vannesa na tumingin sa kanya at tumawa ng mapang-asar. Inangat angat pa nito ang kilay at pasimpleng tinitignan si Rean at Jhung na nakikipag kwentuhan sa nanay ng dalaga. Parang sinasabi ni Van sa kanyang tingin na "Look at them. Ang sweet diba?"



Hindi nya mapigilang ikuyom ang kanyang kamay sa ibaba ng lamesa. Gustong gusto nya nang manapak pero pinipigilan nya lang ang sarili. Gusto nya rin sanang kausapin ang dalaga pero hindi nya magawa. Malayo kasi sya kay Rean kaya hindi nya maagaw ang atensyon nito. Malapit kasi ito sa ginang habang katabi nito ang lalaking makapal ang mukha. Sya naman ay nasa kaliwa ni Josh. Kaharap ng kanyang pinsan ang payat na lalaki at katapat naman ni Rean si Vannesa.


"Iha, dito nalang din kayo mag bagong taon kasama ang mga kaibigan mo." Masayang suhestyon ng mama ni Rean. Napakabait talaga nito. Kaya hindi nya ito masisi kung agad itong natuwa sa lalaking payatot dahil inaamin nya. Ang lakas ng loob nito. He is proud to tell everyone na pakakasalan nya si Rean. Samantalang kung siguro sya ang nauna ay hangang kasintahan lang ang kaya nyang ibigay dito. Getting Married is not on his mind. Well not now.


"Sige po tita. Actually yan po talaga sana ang plano namin."


"Mabuti naman kung ganun." Nakita nyang bumaling ito sa payat na lalaki. "Ikaw ba iho, gusto mo bang dito na rin mag daos ng bagong taon?"


Hindi nya mapigilang makaramdam ng inis at ingit sa ipinapakitang kabaitan ng mama ni Rean kay Junghwan. Naiinis sya dahil kung sana ay hindi nag kaaberya ang kanyang helicopter ay naunahan nya sana ito. Sya sana ang nasa tabi ni Rean at sya sana ang nakakaranas ng atensyon na ibinibigay ng nanay nito.


"As much as I want, I already have an appointment that day tita. It is also families tradition to celebrate the new year together in our mansion. Maybe some other occasion I can join."


"Ganun ba? Naku sayang naman." Medyo lumungkot ang mukha ng ginang at tumingin sa anak bago ulit nagtanong. "Isasama mo din ba si Rean pagbalik ng manila?"


"Opo sana." Napakamot ito sa ulo. "I want to spend the new years eve with her. I hope you would allow us if I ask your permission to bring Rean in manila with me."


Parang nagpanting ang kanyang tenga sa sinabi nito. P*cha sinasagad talaga nito ang kanyang pasensya. "Isn't it too much?" sabat nya sa usapan ng ginang at ni payat.


"Excuse me?" finally he got his fucking attention now.


"Can't you see it? Rean's family want to spend the new year and more days with her. But, you are going to ruined it just because you want to be with her too."


"That is why I'm asking for her moms permission." Parang napipikon nitong sagot.


"Asking really? You are making her choose between you and her family. If you really want to be with her do adjust! Don't ask her to do things she doesn't want to do and don't make her choose between things cuase you are making her feel guilty. Makiramdam ka, hindi puro kayabangan at pagiging makasarili yang pinapairal mo." Galit nyang tugon dito. Nakita nyang namumula na ito sa galit sakanya but he don't care. Mas natutuwa pa sya na nagagalit ito.


Lockheart Series 4- Mr. Heart RipperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon