18

21.1K 586 47
                                    

PARANG biglang nanuyot ang lalamunan ni Rean sa tanong ng ina. Alam nyang magdududa ito sa ikinikilos nilang tatlo pero hindi nya inaasahang magtatanong ito agad. Hindi nya tuloy napag handaan ang isasagot dito.


"Ah. Ma si ano po. Si-"



"Tita ako nalang po ang sasagot para kay Rean." Magiliw na sabat ni Vannesa na pumutol ng dapat saba ay sasabihin nya.



Palihim nya itong kinurot at pinangdilatan. Asking her not to meddle with them. Pero imbis na huminto ay ngumisi lang ito sa kanya at humarap ulit sa kanyang ina.



Akmang magsasalita na si Vannesa ng unahan nya ito.



"Ma si Junghwan po." Madali nyang sagot. Bigla namang napatingin sa kanya si Vannesa. Nanlaki ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. Sa reaksyon nito ay alam nyang gulat na gulat at hindi ito makapaniwala sa kanyang sagot. Maybe she was expecting her to answered Nick. Well that is what she was about to do. But, thinking all the possible consequences make her realized more things. At sa mga sandaling ito, Junghwan as her boyfriend is the best answer.



"Ganun ba anak. Mabuti naman kung ganon. Muka kasing mabait talaga si Junghwan at may respeto." Nakangiting tugon ng kanyang ina. "Pero naoansin ko na mesyo hindi kayo nag uusap. May problema ba?"



"Wala po ma. Nagkaroon lang po kami ng konting tampuhan, pero maayos din po namin to. Wag po kayong mag-alala." Pilit ang kanyang ngiting sagot. Tinapik lang nito ang kanyang balikat at ngumiti bago sila iniwan ni Vanessa sa sala.



Nang makapasok si Nanay Rolena sa kwarto ay agad syang hinila ni Van palabas ng bahay. Alam nyang tatadtadin na sya ng tanong nito kaya naman hinahanda na nya ang sarili.



Nasa likod bahay sila sa kubo na pinag dalhan nya kay Nick kanina ng bitiwan ni Van ang kanyang kamay ng malakas. Galit ito at damang dama nya iyon.



"What is that Rean Lor Natalicio? Really si Junghwan ang boyfriend mo? Eh ano yung sa inyo ni Nick? Don't tell me wala lang yon. Kati lang ng katawan kaya ka pumatol?" Mahina ngunit nangigigil ang boses ng kaibigan.



"Vanessa!"



"Don't Vanessa me Rean. Wag mo kong idaan dyan sa pagiging conservative kuno ng tenga mo dahil naririndi ako sayo. I need to know why the fuck did you lied? Bakit si Junghwan ang sinabi mong boyfriend mo kay tita when you are fucking Nicholas Lockheart?"


"Van, please understand. Wala na kong choice-"



"Damn it Rean. Be honest!" hindi na nito napigilang sumigaw ng bahagya. Matalim na ang mga mata ni Vanessa tanda na konting maling sabihin nya ay makakatikim na sya ng sampal dito.



Pumikit sya at humangad upang pigilan ang luha bago ulit nagsalita.




"Dahil wala akong mapapala kay Nick. There is no sense telling everyone he is my boyfriend dahil wala naman talagang patutunguhan yung relasyon kuno namin. Laro lang yun para sa kanya at hinding hindi sya magseseryoso. Dahil alam nating pareho na kahit anong mangyari I still need to marry Junghwan. Yun lang yong paraan para maisalba yung kompanya ni lola. Kay Junghwan lang panatag si mama. Si Junghwan lang ang pwede kong pakasalan na magiging masaya yung pamilya ko. If I choose Nick over him, ano sa tingin mo ang mangyayari? Is he going to marry me? Does the lust he felt towards me enough for him to let go of his freedom? Hindi naman diba?" halos gumaragal na ang kanyang boses pero sinikap nyang wag umiyak.



"Van, init ng katawan lang ang meron kami ni Nick. We are just compatible in bed. That's it. Pero si Junghwan, sya yung lalaking pinangarap kong maging asawa. Sya yung gusto nila lola, sya yung legal kong boyfriend. Sya yung lalaking alam kong mahal ako at minahal ko rin. Hindi si Nick."



Parang pakiramdam nya ay mas kinukumbinsi nya ang kanyang sarili sa lahat ng sinabi nya sa kaibigan. Mas kailangan ata nyang ipamukha sa sarili nya na si Junghwan ang bagay sa kanya at hindi si Nick. Dahil ang totoo naman talaga kung mamimili sya ng sya lang at walang ibang aalalahanin. Si Nick ang pipiliin nya. Kahit pa mas malaki ang posibilidad na masasaktan sya nito. At kahit walang kasiguraduhan kung masusuklian nito ang umuusbong nyang nararamdaman para sa binata.



Niyakap sya ni Vanessa ng mahigpit. Dahil tuloy sa ginawa nito ay bumuhos na ang kanyang luha. "Husssh!" pag aalo nito sa kanya. Sya naman ay tahimik na umiiyak sa bakikat nito. Ang bigat bigat ng pakiramdam nya sa ngayon at kailangang kailangan nya ng taong masasandalan. Thank God Van is always there for her.



Matapos umiyak ay kumalas sya sa pahkakayakap dito at tinuyo ang sariling luha. Tinulungan naman sya ni Vanessa na punasan ang kanyang muka gamit ang kanilang kamay.


"Ok ka lang ba?"


Tango lamang ang isinagot nya dito.

"Martyr ako Rean. Pero grabe ka. Daig na daig mo ko sa ka martyran. Pwede ka na ngang pagawan ng rebulto dyan eh. Ang bait mo." Naiiling na sabi nito sa kanya na nakapag patawa sa kanilang dalawa.









PAULIT-ULIT na nag rereplay sa utak ni Nick ang narinig nya kanina na sinabi ni Rean.


"Van, init ng katawan lang ang meron kami ni Nick. We are just compatible in bed. That's it. Pero si Junghwan, sya yung lalaking pinangarap kong maging asawa. Sya yung gusto nila lola, sya yung legal kong boyfriend. Sya yung lalaking alam kong mahal ako at minahal ko rin. Hindi si Nick."



Nang pumasok kasi sya sa bahay ng mga ito para hanapin ang dalaga ay hindi nya ito makita. Pinuntahan nya pa si Josh upang itanong kung nasaan ang mga ito. Ilang minuto rin silang nag ikot ikot para hanapin ang dalawa. At nang maalala nya ang kubo ay sinubukan nyang bumalik doon. Nag babakasakali na baka nandoon nga ang dalawa. And he was right nandoon nga si Rean at vanessa at nag-uusap. Papasok na sana sya ng marinig nya ang tanong ng huli.


Napapailing syang nakatingin sa palayan habang nakatayo sa ilalim ng malaking puno. "P*ch*, I never thought I am that worthless. Hangang pang kama lang pala ako." Mapakla nyang sambit.


Nang itanong ni Vanesaa kay Rean kung bakit si Jung ang ipinakilala nitong kasintahan sa ina at hindi sya ay nakadama sya ng kirot. Pero nang marinig ang sagot ng dalaga ay pakiramdam nya may kutsilyong biglang tumarak sa kanyang dibdib. Unang beses nyang maranasang matangihan , awayin at mag effort sa isang babae pero parang balewala ito.


"I always f*ck*ng won. I never lost a case even once pero t*ng-*n* bakit ikaw hindi ko magawang maipanalo?"


para mabawasan ang kanyang nararamdaman ay pinagsusuntok nya ang punong kahoy. Hindi sya tumigil hangang hindi namamanhid ang kanyang pakiramdam.



"Fuck! Fuck! Fuck!" nangigigil nyang sigaw habang patuloy ang pagsuntok. This is the first time he felt degraded and he can't accept that. Hindi nya matangap na ipinag palit sya ni Rean at mas pinili nito ang tarantadong lalaki na yon.


"Argh!" isang malakas na suntok ang kanyang pinakawalan na nagpadugo ng husto sa kanyang kamao. Humihingal nyang itinukod ang kamay sa puno. Kuyom ang kamyang kamao habang patuloy ang pagtagas ng dugo mula dito. "You made a wrong choice Rean. Very wrong. You didn't know I am much wealthier than that bastard. I have everything you thought he has. Sa lahat ng sinabi mo isa lang ang tama and that is I am not going to marry you. Pero dati yon." Ngumiti sya ng mapakla sa naisip. "Dahil mag mula ngayon tototohanin ko na ang larong sinasabi mo. I will play your game and will make all the rules. At sisiguruhin kong hindi ako ang matatalo."









____________________________________

A/N: Hala! Galit na si Bebe Nick ko.






Lockheart Series 4- Mr. Heart RipperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon