3- Gian Lee

4.5K 59 5
                                    


Gian

Napangiti ako ng makitang naglalakad si Alex papasok dito sa university sinalubong ko naman siya.
bahagyang nagulat pa siya ng makita ako pero dagling napalitan din iyon ng isang ngiti.

bakit parang may nag iba sa kanya ngayon ?. oo, blooming na siya dati pa pero parang mas naging blooming pa siya ngayon, parang mas maganda pa siya la-

natigil ang pag iisip ko ng mag salita siya.

Hi bam. atsaka niya ako hinalikan sa pisngi.

napangiti ulit ako Alex is a very sweet one that's why i treasure her like a precious gem. nga pala call sign naman yan kaya walang basagan ng trip.

hello din bam. bakit hindi ka pala pumasok kahapon ?.

nag tatakang tanong ko, hindi ko kasi siya nakita kahapon dito sa university dati rati naman pumapasok ito kapag first day of school.

nga pala nasa 5th yr college na kami ng Law school. at yes tama ang nabasa niyo. magkaklase kami ni Alex sa lahat ng subject kaya super close namin. well hindi lang super dahil mag bestfriend kami simula pagkabata.

tinamad kasi ako kahapon pumasok bam. hehe. nakangiting sagot nito.

wow bam first time kang tinamad ha. anyways wala naman masyadong nangyari kahapon ngayon palang ang tamang klase talaga.

Naglalakad na kami patungo sa classroom namin. graduating na kaming dalawa this March. magiging lawyer na kami pagkatapos nito.

Buti naman pala kung ganon bam. nga pala malapit na birthday mo anong gusto mong regalo ?.

nakaupo na kami sa aming upuan at dahil wala pa ang prof namin ay nag daldalan pa muna kami.

hmmm, simple lang naman ang gusto ko bam. ang makasama ka buong araw sa birthday ko.

oo, may gusto ako sa kanya ngunit hindi niya alam iyon. highschool pa ako ng inamin ko sa sarili kong gusto ko siya hanggang ngayon siya pa rin ang tinitibok nitong puso ko. pero dahil ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin ay hindi ako nag tapat sa kanya. kontento na ako sa kung ano man ang meron kami ngayon.

Sana pumayag siya. piping bulong ng isip ko.

Humarap siya sa akin atsaka ngumiti.

ba't ba ang ganda ganda nito. lalo na kapag ngumingiti. mas lalo yata akong naiinlove sa kanya.

umiling iling ako hindi pwede to.

oo naman bam kahit buong magdamag pa.

napa yes naman ako kaya tawang tawa naman si Alex sakin.
Napatingin kami sa harapan ng pumasok ang prof namin.

––––––––

JC

Sir, heto po ang pinaiimbestigahan niyo. sabi ni Clive sabay abot ng folder. siya ang assistant ko

binuklat ko ang folder at tinignan ang laman na iyon.

Name: Gian Lee
Age: 22
Course: B.S. Law
Studying at Montesclaros School
Residing at Quezon City
Son of Mr. Ralph Lee and Mrs. Era Lee.
Childhood Friend: Alexandra Lim

isinara ko na ang folder at saka ko tinapos ang pag hithit ng sigarilyo.

Sir, kailangan na po ba namin siyang

hindi ko pinatapos magsalita sa clive.

not yet.

Gian Lee ha. humanda ka sakin.

No Choice (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon