21- Escape ?

1.5K 23 5
                                    


Alexandra

Naalimpungatan ako ng makarinig ng boses ng mga lalaking nag tatawanan at meron ding nag uusap. dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at saka tinignan ang paligid. napapalibutan ako ng labing limang lalaki. yung sampung mga lalaki ay nag lalaro ng baraha habang nag tatawanan yung limang lalaki naman ay seryosong nag uusap. hindi pa nila ako napapansin dahil abala sila sa kanya kanyang ginagawa. kaya ko silang kalabanin sa physical na laban kung isa isa lang silang sumugod. tinignan ko ang sarili ko nakagapos ang dalawang kamay ko sa likod habang may tali din sa katawan ko at yung mga paa ko naman ay may tali din. mukhang tinali talaga nila akong maigi para hindi ako makatakas.

bweset naman !. papaano ba ako makakatakas dito !. argh !.

sinubukan kong galawin ang mga kamay ko at napangisi ako sa kaalamang maigagalaw ko ang mga kamay ko.  iginalaw ko ang mga kamay ko sa upuan na parang ikiniskis ko ito. pinag papawisan ako ng malamig dahil lumilikha ito ng kunting ingay. hindi parin ako napapansin ng mga gunggung kaya pinagpatuloy ko ang ginagawa nakahinga ako ng maluwag ng marinig kong naputol yung tali. ingat na ingat akong kumilos para hindi nila mahalata. nang matanggal ko ang lubid ay sinubukan ko namang tanggalin ang sa katawan ko. hindi naman nag tagal ay natanggal ko na ito. napangisi ulit ako dahil hindi naman pala mahigpit ang pagkakatali nila sa akin marahil kampante sila na hindi ako makakatakas dahil sa madami sila at isa lang ako.

minamaliit nila ako masyado ah.

tulayan na talaga akong nakawala at nag inat inat ako dahil sumakit ang balikat at mga kamay ko. dahan dahan akong nag lalakad sa limang lalaki na panay ang hagikhikan lumapit ako sa kanila at napagtanto kong nanunuod sila ng porn. napa poker face naman ako. malayo sila sa sampung lalaki na nag lalaro ng baraha.

maganda yang pinapanuod niyo ah.  sabi ko.

oo naman syempre. sagot ng isang lalaki na tutok na tutok sa pinapanuod.

ang galing nga ng babae mag dala no ?. sabi naman ng katabi nito.

napairap naman ako ngunit nag patuloy ako sa aking ginagawa.

oo nga. pagsang ayon ko. tinapik tapik ko pa ang balikat niya.

napatingin naman ito sa akin at nanlaki ang mga mata nito nang mapagtanto kung sino ako bago pa siya maka react ay malakas na sinuntok ko siya sa kanyang mukha at ayun tulog. -.-

napatingin naman sa akin ang apat na kasama niya at nanlalaki din ang kanilang mga mata pero bago pa sila makareact ay tumalon na ako sa ere at binigyan sila ng flying kick at malakas na tinadyakan silang apat at ayun tumba.

ano ba yan !. hindi man lang ako nahirapan !. tsk.

naglakad na ako palayo sa kanila at habang nag lalakad ay nakakita ako ng malaking kahoy na pwedeng ipalo kinuha ko ito at nag handa na dahil rinig na rinig kong nagkakagulo na sila kaya nagpakita na ako.

ako ba hinahanap niyo ?. nakangising sabi ko.

papaano ka nakatakas ha ?!. hindi makapaniwalang sabi nung lalaking tinuhod ko.

i smirked.

sus, hindi niyo kasi hinigpitan yung pagkakatali niyo kaya ayon nakawala tuloy ako. pilosopong sabi ko sabay kindat.

kita ko namang asar na asar siya at yung ibang mga kasama niya ay natulala ng kumindat ako.

iba talaga yang ganda mo Xandra !.

pag pupuri ko sa aking sarili.

nasaan yung ibang kasamahan ko ?.  pag tatanong nito.

tinutukoy mo ba yung limang ugok na nanunuod ng porn ?. ayun tulog !. ngisi ngising sabi ko.

mas lalo naman itong na asar.

aba !. palaban kang babae ka ha !. tignan natin. sugurin niyo siya. utos nito sa kasamahan niya.

sabay sabay na sumugod ang tatlong kasamahan niya sinipa ko sa tiyan yung lalaking nasa gilid ko sinapo nito ang nasaktang tiyan hindi paman siya nakakahuma ay malakas na sinipa ko naman ang mukha niya kaya napabaling ang mukha nito kita ko pang tumalsik ang dugo nito at sumubsob ito sa semento. sunod naman na sumugod yung dalawa tulad ng ginawa ko kanina ay lumipad ako sa ere dala dala yung kahoy kaya silang dalawa ang nagkabanggaan at sinipa ko ng malakas ang likod nilang dalawa kaya pareho silang sumobsob sa semento at malakas na tinadyakan napa ubo naman sila ng dugo. napa nganga naman ang natitirang kasamahan niya. kita ko sa mukha nito ang galit.

anong tinutunganga niyo diyan ?!. sugod !. sigaw nito.

sumugod naman ang apat na kasamahan niya malakas na pinalo ko ng kahoy yung dalawa habang yung isa naman ay siniko ko at pinalo din siya ng kahoy. hindi ko namalayang nasa likod pala ang isang kasamahan niya kaya malakas na nasipa niya ako sa likod at sumobsob ako sa semento nabitawan ko pa yung kahoy.

argh !. letche !. naisahan niya ako dun ha. huhu ang sakit bweset !. humanda ka sa aking lalaki ka !.

ramdam kong lumapit ito sa akin kaya naman humarap ako at itinaas ang dalawang paa ko at inipit ang leeg nito saka ko pinaikot dinig ko pang nag tunugan ang mga buto nito at sinipa ko ng isang paa ko ang mukha nito tumumba ito at bumangon ako kaagad ng makitang pasugod ang dalawa pang natitira at tanging yung lalaking tinuhod ko nalang ang natira at nanonood sa amin. mabilis na tumalon ako at malakas na sinipa silang dalawa sa ere kaya sabay naman na tumilapon ang dalawa sa semento. pero agad din silang bumangon.

aba !. matibay ang dalawang to ha. aniya sa isip isip ko.

pagod na ako dahil sa kakalaban pero kayang kaya pa naman. sabay ulit silang sumugod sinuntok ko sa mukha yung unang lalaki at bigyan siya ng flying kick sa panga dahilan para tumalsik ang dugo nito at tumumba yung isa naman ay tinuhod ko sa pag kalalaki niya at binigyan siya ng upper cut. ayon tulog.

hingal na hingal naman akong tumingin sa lalaking tinuhod ko kanina bahagyang naka nganga pa siya kaya humalakhak ako.

ano ?!. ang galing ko no ?. pano ba yan ?. nag iisa ka nalang. pang aasar ko na may halong pag mamayabang.

dumilim ang mukha nito at walang ano ano'y sinugod ako at inambaan ng suntok buti nalang nakaiwas ako kaya dali dali kong kinuha yung kahoy at sinalubong siya at saka pinalo ang tagiliran niya at sinipa siya sa mukha. napasubsob naman ito sa semento. linapitan ko siya at pinatong ang paa ko sa dibdib niya.

ano ?. lalaban ka pa ?. wala ka pala eh. nakangising sabi ko

pero nagulat ako ng hinawakan niya ang paa ko kaya napa angat ako sa ere tumayo siya at saka hinawakan ang bewang ko paangat at saka niya ako hinagis sa mesa.

ahh !. shit !. tang ina !. sakit ng balakang ko !. walang hiya tong lalaking to ah.

nanatili lang ako nakahiga sa mesa at nakita kong papalapit siya kaya hinanda ko ang sarili ko nang makalapit siya ay inangat ko ang sarili ko at malakas na pinagsisipa siya sa mukha at saka bumuwelo ng malakas na sipa dahilan para matabingi ang mukha nito at matumba bumaba ako sa mesa at kinuha ang kahoy at saka pinalo ng pinalo ito.

letche ka !. ang sakit ng balakang ko tang ina ka !. hingal na hingal na sabi ko.

nang makontento ako sa pag palo ay binitiwan ko ang kahoy at iika ikang naglakad takbo para tumakas. nakarating na ako sa pinto at halos mag diwang ako ng bumukas iyon at iniluwa si Clive.

Clive !. buti naman at dumating ka !. kasama mo ba si Jc ?.

tinignan lang ako nito ng blankong tingin kaya bahagyang kinabahan ako.

wag niyang sabihing ?...

No Choice (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon