34- Training part 2

1.1K 23 5
                                    


Alexandra

Nang matapos akong uminom ng tubig ay ka agad na bumalik ako sa gitna ng training ground upang muling magsanay desidido talaga ako sa laban nato kaya gagawin ko ang lahat para makatulong kahit papaano.

" sinong susunod sweetheart ? ". tanong ko kay Jc na nakamasid lang sakin sinenyasan niya si RV na na pumunta sa gitna at halos matawa ako dahil parang namumutla siya

" bakit ako boss ? pwede bang si TJ nalang muna ? hindi pa ako handa " kumakamot sa ulong sabi nito

" pupunta ka sa gitna ? o babarilin kita ? mamila ka ?. ". walang emosyong sabi ni Jc

wala itong nagawa kundi ang pumunta sa gitna habang si tj naman ay inaasar ito natatawang hinintay ko siya na makapunta sa gitna nang magkatapat na kami ay nagsalita ito

" xandra wag mong masyadong seryosuhin kung pwede hehehe " sabi nito

mas lalo akong natawa sa sinabi niya ngunit ikinabigla ko ang pag atake niya mabilis na sinuktok niya ako sa mukha at huli na para ilagan ito tumabingi ang mukha ko at agad na nagkasugat ang gilid ng bibig ko pinunasan ko ito gamit ang kamay ko. matalim ko itong tinignan dahilan para saglit itong natakot pero agad ding ibinalik ang pagkukuyom ng kamao

" madaya ka Renz Vincent alam mo ba yon ? pero okay lang atleast nasuntok mo ako humanda ka sa pagbawi ko ". sabi ko at mabilis na inatake siya mabilis na inambahan ko siya ng sipa sa tiyan niya pero agad niya itong nailagan.

aba, mabilis din ang isang to ah aniya sa isip isip ko tignan natin kung makakailag pa siya sa gagawin ko mabilis na sinugod ko ulit siya gamit ang kamao ko ngunit gaya ng inaasahan ko ay sinalag niya ito pero yun ang akala niya mabilis na inikot ko ang mga kamay niyang nakahawak sa kamao ko at buong lakas ko siyang inangat at binalibag ang katawan niya sa sahig at buong lakas ko siyang tinadyakan na ikinaigik niya ngunit agad niyang nahawakan ang paa ko at mabilis na inikot iyon at ramdam ko ang sakit ngunit hindi ko ininda iyon nang makabawi siya ng lakas ay agad niya akong sinipa sa tiyan dahilan para mapabitiw ako at matumba.

fvck !. medyo masakit din t*ng ina !.
nakita kong napatayo sina Jc at Tj ngunit tumatawang bumangon ako at pinagpagan ang suot ko.

" kahanga hanga ka RV ". sabi ko na nakangiti nilapitan ko siya at saka inalok ang kamay ko para tulungan siyang tumayo tinanggap naman niya ang kamay ko napangisi ako ng makatayo siya ay mabilis na inikot ko ang kamay niya at malakas na siniko ko ang tiyan niya at saka malakas na sinukmuraan siya at hindi pa ako nakuntento binigyan ko siya ng isa pang flying kick na ei kinasubsob niya sa semento susugod pa sana ako ng marinig ko ang boses ni Jc

" that's enough Xandra you need to rest ". magbihis kana para maka alis na tayo ". sabi ni Jc at saka nakapamulsang lumabas sa hide out nila tinignan ko si tj at saka nag tanong.

" anyari dun ? ". kunot noong tanong ko

" aba ewan ko umandar na naman yata ". kibit balikat nitong sagot atsaka nilapitan si RV habang ako naman ay napailing iling nalang tsaka pumunta sa cr para magpalit ng damit ng matapos ako magbihis ay lumabas na ako at nakita ko silang nasa mga sasakyan na nila agad na sumakay ako sa sasakyan ni Jc at nakakapanibagong walang nag sasalita maski isa sa amin nanahimik nalang din ako dahil medyo napagod din ako sa pakikipaglaban at hindi ko namalayang nakatulog pala ako






GABI na ng magising ako agad akong bumangon dahil napasobra pala ang tulog ko at nakita ko si Jc na nasa tabi ko habang nakaharap sa kanyang laptop nag inat ako ng mga kamay at saka inayos ang sarili ko.

" hindi na kita ginising ng makarating tayo sa bahay alam kong pagod ka kung nagugutom kana may pagkain akong niluto nasa ref initin mo nalang ". sabi nito

No Choice (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon