14- Jealous

2.1K 42 10
                                    


Alexandra

" Sorry talaga bam. hindi ko naman sinasadyang sigawan ka ". sabi niya habang yinakap din ako ng mahigpit.

narinig ko pang inasar kami ng mga kapwa namin estudyante pero wala akong pakialam sa kanila.

" hindi, okay lang. naiintindihan ko din naman hindi rin naman kasi biro ang mag hintay sa wala bam ". kumalas na ako sa pag kakayakap sa kanya at saka hinarap siya.

bumuntong hininga naman ito pero nakangiti naman siya.

" wala na yon bam. tapos na wag nalang natin pag usapan ha ". malambing na sabi nito

ngumiti naman ako sa kanya at saka tumango.

" sorry din bam ". sabi ko.

" okay lang bam ". sabi nito.

" well, well, dear ikaw pala ang bestfriend nitong si fafa Gian. worthy ka nga hintayin napaka gandang dyosa mo gaya sakin ". malanding sabi nito.

natawa naman ako sa kanya. sino ba kasi ang hindi nakakakilala sa kanya siya lang naman ang SC President ng school.

" Hi Xavier ". pag bati ko sa kanya.

maarteng nanlaki ang mga mata nito na parang bang may narinig siyang hindi kanais nais.

" OMG te !. kilala mo ang dyosa kong ito ? ".

natawa naman kaming dalawa sa kanya.

" oo naman girl !. presidente ka dito eh ". natatawang sabi ko.

" ohw!. kaya naman pala. anyways call me xavy okay ? ". maarteng sabi nito.

" okay. by the way I'm Alexandra Lim ". nakangiting pakilala ko.

" Xavier Mejares in short xavy ". nakangiting pakilala naman niya.

" salamat sa pag tulong xavier ". nakangiting sabi ni Gian.

" ano ka ba naman fafa Gian !. xavy nga xavy ! ". he hissed.

natawa nalang kami pareho ng biglang nag bell.

" oh bell na pala mga friendstah !. kitakits nalang ah !. congrats nga pala sa inyo wag na kayo warlalo huh. byeee ". paalam niya.

nag wave nalang kami ng goodbye at saka pumuntang classroom pagkadating namin ay inasar asar kami ng mga ka klase namin. natawa nalang kami pareho. nagkatinginan naman kaming dalawa at pareho din kaming napangiti. nararamdaman ko namang bumilis na naman ang tibok ng puso ko.

tsk. ang gulo ko na talaga.

napabuntong hininga nalang ako. maya maya lang ay dumating na ang prof namin.

nag discuss lang ang prof namin napagusapan namin ni Gian na gawin na ang project namin pag katapos ng klase.

after one hour...

iniligpit ko na ang mga gamit ko at saka lumapit naman si Gian sakin.

" tara na bam ? ". nakangiting pag aanyaya nito.

tumango naman ako at saka lumabas na kami ng classroom. habang nasa hallway ay kulitan lang kami ng kulitan nakakamiss din ang kulitan naming ito. nag punta na kami sa parking lot at hinanap ang kotse niya pinag buksan naman ako nito ng pinto.

gentleman as always.

nang makasakay na ako ay umandar na ang sasakyan papuntang condo unit niya doon kasi namin napag desisyunan gawin ang proj. namin.
ilang sandali lang ay nakarating na kami sa condo niya.

No Choice (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon