19- Confession

1.9K 30 10
                                    


Gian

Nakatulala lang ako dito sa loob ng classroom habang nakatingin sa labas ng bintana. napabuntong hininga nalang ako ng maalala ang mga nangyari nung valentines day kahit nung isang linggo pa yun.

flashback

masaya akong nag huhum habang namimili ng karne dito sa food section ng mall maaga pa naman kaya namili na ako ng mga sangkap para sa lulutuin ko para sa date namin ni Alex mamayang tanghali tinignan ko ang orasan ko at 9am palang ng umaga. maaga pa naman kaya may time pa ako para magluto. nang matapos akong mamili ay nag pa counter na ako ng matapos kong bayaran lahat ay lumabas na ako sa mall at pumuntang parking lot. kumakanta kanta pa ako habang papalapit sa kotse ko ng biglang may humintong van sa harap ko at sapilitang isinakay ako hindi na ako nakapalag ng tinutukan ako nito ng baril. kinakabahan na ako pero hindi ko pinahalata sa kanila at nag lakas loob akong nag tanong.

Sino kayo ??. san niyo ako dadalhin ??. anong kailangan niyo sa akin ?!. sunod sunod kong tanong.

pero tila nairita ang lalaking nag drive at pinatahimik ako gamit ang baril niyang tinutuk sa ulo ko.

manahimik ka !. may kailangan lang ang boss namin sayo !. naiiritang sabi nito.

tumahimik na lamang ako at hindi na nagsalita pa may nabubuo sa utak ko kung sino ang pakana nito.

lintek na !. anong kailangan niya sa akin ?!. kung sasabihin niyang layuan ko si Alex hinding hindi ko gagawin iyon magkamatayan man !.

hindi ko namalayang nakarating na pala kami sa sobrang pag iisip ko ng kung ano ano binuksan nila ang pinto at hinila ako palabas ng van pinagmasdan ko ang buong lugar puro puno ang makikita mo pero maaliwalas naman tignan ito siguro ang tinatawag nilang hide out kinaladkad nila ako papasok at halos mag dilim ang paningin ko kung pano nila ako tratuhin

arghh !. mga bweset to ah !. lintek lang ang walang ganti !. nasabi ko nalang sa isip ko.

boss !. andito na po siya !. rinig kong sabi ng tauhan niya.

pinatayo nila ako ng maayos bahagyang pinagpag ko ang suot ko dahil na dumihan ito.

tang ina talaga !. sisirain pa ata nila ang mood ko. tsk !.

walang emosyon itong humarap sa akin habang blankong tinignan ko lang din ito.

anong kailangan mo sa akin Jc ?. matapang kong tanong.

stay away for alexandra. malamig nitong sabi

tingin niya matatakot ako sa kanya ?. ha !. sige sabihin na nating isa siyang mafia boss pero hinding hindi ko iiwan si Alex. kahit buhay ko pa ang kapalit. ngumisi ako sa kanya ng mapang asar kaya kita kong madilim ang mukha nito

at bakit ko naman gagawin yon ?!. nahihibang ka na ba ?!. hindi mo ako mapapaalis sa buhay niya dahil bestfriend niya ako. parte na ako ng buhay niya.

ramdam kong may tumutok na bagay sa likod ng ulo ko.

anong karapatan mo para pagsalitaan ang boss namin ng ganyan ?. sabi ng tauhan niya

sinaway naman nito ang tauhan niya at tinignan ako ng matatalim na tingin kung nakakamatay lang ang tingin matagal na siguro akong patay sa tindi ng tingin niya sa akin.

okay. but i will allow you to have a date with her this afternoon. mahinahon nitong sabi

pano naman nito nalaman iyon ?. stalker ba siya ni Alex ?. malala na ang isang to. at mas lalo na hindi ko kailangan ng kompirmasyon niya. tsk.

No Choice (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon