25- Safe

1.5K 20 13
                                    


Alexandra

Nagising ako sa isang tahimik at  napakagandang paraiso. inilibot ko ang aking tingin at nakakamangha talaga ng lugar. Nag simula akong mag lakad habang tumitingin sa paligid.

nasaan na ba ako ?. ang huli kong natatandaan ay binaril ako ni Clive at yakap yakap ako ni Jc.

shit !. patay na ba ako ?. langit ba tong kinaroroonan ko ngayon ?. hindi pwede !. hindi pa akong pwedeng mamatay !. kailangan ko pang sabihin kay Jc na mahal ko siya !.

tumakbo ako ng tumakbo sa kung saan saan pero walang ka tao tao ang lugar na ito at namalayan ko nalang na napadpad ako sa iba't ibang klaseng bulaklak umupo ako sa damuhan at pinagmasdan ang napakaaliwalas na kalangitan ng maramdaman kong may tumabi sakin napalingon ako at bahagyang nanlalaki ang mga mata.

" Panginoon ?. ikaw po ba yan " ?. nakangiti siya sakin habang tumatango.

kung ganoon ?. nasa langit na nga ako ?. pero hindi pwede to !. marami pa akong gustong gawin sa buhay ko. hindi pa ako nakaka graduate , hindi pa ako nagiging lawyer na siyang pangarap ko.

" Oo, ako ito anak ".  halos manindig ang balahibo ko sa sagot niya.

" nasa langit na po ba ako panginoon " ?. nalulungkot kong tanong.

" hindi pa anak, ikaw ay nandito sa aking munting paraiso, halika at pumunta tayo sa may batis at may ipapakita ako sayo " . tumayo ito kaya sinundan ko lang siya hanggang sa makarating kami sa batis kung maganda ang lugar doon mas maganda naman ang pinuntahan namin ngayon. lumapit kami sa may batis at umupo sa bato. napakalinaw ng tubig at parang ang sarap maligo.

" patay na po ba ako panginoon " ?. kinakabahan kong tanong.

ngumiti lang ito atsaka ako inakay palapit sa batis.

" tignan mo ang mga mahal mo sa buhay anak " . sabi nito kapagkuway.

tumingin ako sa pinapakita niya sa akin at napaiyak ako ng makita ang walang buhay kong katawan at yakap yakap ako ni gian habang umiiyak siya.

Bam !. wag mo naman akong iwan oh !. diba nangako tayo sa isa't isa na walang iwanan. bam gumising kana please !. lumaban ka bam !.

bam !. andito ako bam !. lumalaban ako bam !. naririnig kita bam !. umiiyak kong sabi habang nakatingin lang.

" nakikita mo ba ang taong yun anak " ?. tinuro niya sa akin si.

mas lalo akong napaluha ng mapagtantong si Jc iyon. halo halong emosyon ang mababasa mo sa kanyang mukha habang nakatingin sakin. tumingin naman ito sa krus na nakasabit sa dingding.

" nang dahil saiyo ay natuto siyang magdasal at ikinagagalak ko iyon ". nakangiting sabi ng panginoon.

" panginoon kailangan ko pong bumalik may mga bagay pa po ako na gusto kong gawin kasama siya ". napasigaw ako sa isip ko ng makitang ilang ulit nila akong ni re-revive at wala silang nakukuhang responds sa katawan ko.

No !. hindi pwede !. hindi talaga pwede !.

" at dahil natuto siyang magdasal ay bibigyan pa kita ng pagkakataon para mabuhay anak. alagaan mo siyang mabuti at mahalin gaya ng pag mamahal niya sayo nawa'y malampasan ninyo ang mga pagsubok na hahamakin at susubok sa inyong pag mamahalan"
nginitian niya ako at napaiyak naman ako sa tuwa. nagsimula akong magliwanag kasabay ng pagpapasalamat sa panginoon.

pangako ko pa yan panginoon.

naramdaman kong bumalik ang kaluluwa ko sa aking katawan at bumilang ako ng tatlo upang buksan ang mga mata ko. dinahan dahan ko ito at nakita ko ang puting dingding.

No Choice (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon