26- Sweet talks, Sweet gestures

1.8K 21 6
                                    


Alexandra

mabilis na lumipas ang isang linggo at sa loob ng linggong iyon ay tanging si Jc ang siyang nag aalaga sakin. mahigpit man pero para sakin ay napaka sweet niyon lalo na sa lalaking katulad niya.

" hey, why are you here ? are you not going to school ? ". pinulupot nito ang mga braso niya sa bewang ko. at binack hug ako.

nandito kasi ako sa balcony ng kwarto niya yep sa iisang kwarto nalang kami simula ng mangyari sakin iyon, ang sabi pa niya ayaw na daw niyang maulit iyon dahil ikamamatay daw niya pag nagkataon.

ang sweet diba. hihi.

" what are you thinking ? ". tanong niya ng hindi parin ako sumagot.

" you ". wala sa sariling sagot ko.

i heard him chuckle kaya humarap ako sa kanya at ikinawit ko ang mga kamay ko sa leeg niya.

" ngiting ngiti ka dyan ha ? ". kunwaring mataray kong sabi.

pinisil niya ang ilong ko at pinanggigilan ang pang upo ko.

" carl ! ". saway ko sa kanya.

tumawa lamang ito at saka pilyong tumingin sakin inikot ko ang aking mga mata at saka tumingin sa relo ko.

" tara na carl malapit na magsimula ". sabi ko sa kanya.

hinapit niya ako lalo sa kanya kaya naman magkadikit ang mga ilong namin nakangiti siya kaya naman hindi ko na din mapigilan mapangiti

why so sweet jc ?. letche !. mas lalo tuloy ako naiinlove sayo.

" im happy on what's going on between us xandra, i don't care if we don't have a label yet as long as you made me happy that's the important to me ". madamdaming sabi nito.

" i love you ". halos pabulong na sabi ko dahil hindi ko mapigilang kiligin.

" i love you more sweetheart ". sabi niya at saka ako masuyong hinalikan hinalikan ko din siya pabalik punong puno ng pagmamahal. hindi pa man kami mag boyfriend girlfriend pero alam ko sa sarili kong mahal na mahal ko ang taong ito. at mayroong tamang oras para doon at kung ano man ang relasyon namin ngayon ay gusto ko lang na enjoyin.

Sana ganun din siya..

" Ahwwww !. PORN !. putcha ! ". napalayo ako ng bahagya ng makarinig ako ng boses lalaki na nagsalita sa likuran namin.

lumingon naman si Jc dito at matalim niya itong tinignan tumingin ako sa lalaki at bahagyang naka peace sign lang ito.

" sorry po bossing hehe. naistorbo ko ata kayo ". kumakamot sa ulong sabi nito.

pinasadahan ko ito ng tingin matangkad ito gaya ni Jc ang kanyang mga mata ay mala asul na kakulay ng dagat at may mahahaba siyang pilik at mapupulang labi na talaga namang nakakaakit pag tinitigan mo ito pero kompara kay Jc mas bet ko ang kanyang abuhing mga mata na kapag tinititigan mo ay hindi kana makakaahon pa. narinig kong bumuntong hininga siya at tinunguan ang lalaki at saka ako hinila pababa.

" sino yon ? ". hindi napigilan kong tanong

" isa siya sa mga tauhan ko na pinagkakatiwalaan ko ". sagot nito habang hawak hawak ang aking kamay.

tumaas ang isang kilay ko dahil baka naman pareho lang sila ni Clive na traydor ayaw ko ng mangyari ulit yon.

" i know what you're thinking, hindi sila pareho ni clive okay ?. ". sabi nito habang nakangiti.

sila ?. ibig sabihin madami pala.

nang makarating kami sa baba ay may nakita akong apat na lalaki isa na dun yung nakakita samin sa taas.
parang namula yata ako bigla ng marealize kong nakita niya nga pala kaming naglaplapan.

No Choice (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon