29- Brother

1.7K 20 14
                                    

Gian

mabilis na lumipas ang dalawang linggo at ni minsan ay hindi ko pa kinakausap si Alex maski nung graduation namin ay hindi ko siya hinarap dahil hanggang ngayon ay nasasaktan parin ako. ganun paman kung kailangan niya ng bestfriend ay handa naman akong ibigay ang oras ko para sa kanya. Nang marating ko ang coffee shop na pinag usapan namin ni Xavier ay bumaba na ako sa kotse ko napag desisyunan kasi namin na dito mag review para sa board exam para makuha ang license namin bilang attorney at alam kong kasama si Alex samin ngayon mag review kaya kahit sa ayaw at sa gusto ko kailangan ko siyang pakisamahan at kausapin. bumaba na ako sa kotse ko ng tumunog ang phone ko dahil may nag text binasa ko ito habang nag lalakad papasok sa coffee shop hinawakan ko na ang glass na pinto ng may magbukas din nito sa loob saktong papasok naman ako ng magkabungguan kami.

" ARAY !. ". magkasabay na sabi namin. halos sabay na nagkatinginan kaming dalawa at sabay din kaming napairap.

" Gaya Gaya !. ". magkasabay na sabi namin ulit. sabay ulit kaming nagpaikot ng mga mata bago tumingin sa isa't isa.

" Ano ba ! ". tsk. sabay na naman kami.

ano ba yan !. ba't palagi nalang kami nag kakasabay ng sasabihin hindi na to magandang biro author ah !.

(shattap ka nga Gian !. i have a better plan for the both you sige na ciao !.)

anong better plan pinag sasabi ni author tsk tsk. tumingin ulit ako sa harapan ko ng mapatitig ako sa mukha niya maganda ang pagkakahugis ng kanyang mukha ang mahahabang pilik mata na bumagay dito at ang kanyang abuhing mga mata na kaysarap tignan at ang kanyang natural na kulay pink na labi na parang ang sarap halikan.

wait ?. anong masarap halikan ?. hindi !. wala akong sinabing ganun !. wala !  wala talaga !.

nag pakurap kurap at umiling iling ako sa naisip kong iyon.

" tapos ka na bang titigan ako ? ". nakataas kilay na tanong niya.

aba't hambog din ang babaeng ito ah. aniya sa isip isip ko.

magsasalita na sana ako ng banggain niya ako at saka tinabig.

" tabi nga !. pa harang harang ka sa dinadaanan ko ! ". pa asik na sabi niya at saka umalis.

hindi agad ako nakapag react dahil don natauhan lang ako ng tumunog ang cellphone ko.

tsk !. bweset na babae yun ah !. antipatika !. hindi siya papasa sa taste ko !.

O_O

hindi ko sinabi yun diba ?. wala kayong nabasa -__-.

tinapik tapik ko ang pisngi ko at saka pumasok sa loob at nag hahanap ng mauupuan.

nababaliw ka lang Gian. tsk.

nang makahanap ako ng upuan ay umupo na ako at saka nilabas ang reviewer ko. Napabuntong hininga nalang ako dahil hindi pa din ako maka move on kanina.

ano ba Gian !. umayos ka nga !. tsk !.

" may problema ka ba bam ? panay ang pag bubuntong hininga mo ". napa angat ako ng tingin ng marinig ang napakapamilyar na boses. isang ngiti ang ginawad niya sakin nang tignan ko siya. napatitig ako sa kanya dahil parang mas lalo siyang gumanda at halos isang linggo ko din siyang iniwasan. Nagpakurap kurap ako sa aking mga mata at awkward na ngumiti sa kanya.

" wala naman, upo ka na ". sabi ko sabay pinaghila siya ng upuan.

ngumiti lang ulit ito at saka umupo sa tabi ko.

" kamusta kana bam ?. wala na akong balita sayo simula nung matapos ang graduation natin ". casual na tanong niya.

" ayos lang naman ako medyo naging busy lang ". sabi ko habang hindi tumitingin sa kanya.

No Choice (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon