16- Valentines date Part 2

1.9K 26 4
                                    


Alexandra

pumasok na ako sa loob ng condominium building at sumakay ng elevator at pinindot ang floor nito. tinignan ko ang cellphone ko pero walang kahit ni isang text si Jc.

bakit mo naman hinihintay ang text niya Alexandra . malala kana !.

hindi ko namalayang nakarating na pala ako sa floor ni Gian mabilis na lumabas ako ng akmang sisira ang elevator.

tsk. napabuntong hininga nalang ako. pagkarating ko sa unit niya ay nag doorbell kaagad ako pinagbuksan naman niya ako ng pinto.

pasok ka bam. kumain kana ba ?. tanong nito.

hindi pa bam ikaw ba ?. tanong ko din.

not yet. hinihintay kita eh. nakangiting sabi nito.

kumabog na naman ng mabilis ang puso ko.

alam kong mahal ko si Gian higit pa sa kaibigan pero bakit kumakabog ang puso ko sa tuwing lumalapit si jc sakin pati din pag ngumiti siya nakakaramdam ako na may mga paru parung nag liliparan sa loob ng aking tiyan pero ang bagay na iyan ay
kailanman hindi ko naramdaman kay Gian. posible nga bang may nararamdaman na ako sa demonyong yon ?.

napabuntong hininga nalang ako at saka umiling.

hey !. bam !. okay ka lang ba ?. tanong nito may halong pag aalala.

yup. so ano na ?. masiglang sabi ko.

tara na. hinawakan niya ang kamay ko , kaya naman nakita kong ngumiti siya. hawak kamay kaming lumabas ng unit niya.

ugh !!. ang gulo mo talaga xandra !. seryoso ?. tsk.

lihim kong pinagalitan ang sarili ko. hindi ko dapat iniisip si Jc gayong si Gian naman ang kasama ko.

saan tayo pupunta bam ?. tanong ko pagsakay namin ng kotse.

lumingon naman ito sa gawi ko bago tumingin sa daanan.

sa tagaytay bam. sagot nito.

ang layo naman. gutom na ako eh. nakangiwing sabi ko.

natawa lamang siya sa sinabi ko. nag kulitan lang kaming dalawa habang nasa biyahe.

si Gian ang tipong ideal man mo mabait, maalaga, sweet, napaka understanding at higit sa lahat mapagmahal bonus nalang yung pagiging gwapo niya habang si jc naman ay cold, demonyo, arogante at at... at hindi mabait.

anong hindi mabait ?. tamo, pinatira ka nga sa bahay niya. oo nga demonyo siya pero may tinatagong kabaitan

kontra ng isip ko

oo na mabait na nga siya !. biglang sabi ko.

lumingon sa gawi ko si Gian.

sinong mabait bam ?. kunot noong tanong niya

a-ah, wala bam. wag mo nalang pansinin yon. hehe. nakangiwing sabi ko.

nagkibit balikat lang ito at itinuon ang atensyon sa pag mamaneho lihim ko namang sinaway ang sarili ko.

arghhh !. lubayan mo ang isipan ko jc !. bakit ba palagi kang lumilitaw sa isipan ko >_< kahit hindi ko gusto nag kukusa iyon.

napabuntong hininga nalang ako masama to at mas lalong kailangan pigilan ito.

napatingin ako kay Gian nang sabihin nitong nandito na pala kami sa sobrang pag iisip ay hindi ko na namalayang nakarating na pala kami bumaba ako ng sasakyan at halos mapanganga ako sa napakagandang paligid.

No Choice (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon