Akari's POV
"Ha? Kailangan mo matutong mag Volleyball?" Tanong ni Haru.
"Ay bingi lang?" Pang aasar ni Hiro. "Tss" Sabi ni Haru at inirapan si Hiro.
"Sinong may alam kung pano mag volley ball?" Tanong ko.
"Ako" Sagot ni Ryouka. "I-Ikaw?" Tanong ko. "Oo" Sagot ni Ryouka.
"Ano.. pwedeng paturo?" Tanong ko.
"Hmm.."
"Paturo!! Pleaseee"
"Haha! Kawawa ka naman kaya sige. Mag bihis ka na. Mag Gym Uniform ka na" Sabi ni Ryouka.
Nag bihis ako at dumeretsyo sa Gym. Andun na din si Ryouka.
"Okay. Gayahin mo ko" Tapos nag.. Volley ball sya.
Yung ano.. Parang... ewan, basta ang galing talaga!
"Ikaw naman" Sabi ni Ryouka.
Ginawa ko yung ginawa nya..
Kaso tumama sa ulo ko!!
"Aray! Huhuhu!!" Sabi ko at hinawakan yung ulo ko.
"Hahaha!! Isa pa!" Sabi ni Ryouka.
Tri-ny ko ulit kaso tumama naman sa ulo ni Ryouka. Take Note!! Malakas din yun!
"Aray!!" Sabi nya at humiga sa Floor habang hawak hawak yung ulo nya.
"Naku! Sorry!" Sabi ko at tinulungan siyang tumayo.
"Tsk. Isa pa" Sabi nya.
Tri-ny ko ulit..
Pero natamaan ko si Ryouka sa tiyan nya.
"Ano ba?! Last!" Sigaw nya.
Triny ko ulit..
Pero muntik ng tamaan si Ryouka. Buti nalang at naka ilag sya.
"Sinasadya mo ba?! Ang Panget ng pag va-volleyball mo! Haha!" Pang aasar nya.
"Sabing di ko nga alam eh! Dapat kasi step by step!"
"Tinitignan ko lang naman kung gano ka kasama sa volleyball. Haha! Mas worse ka pa pala kaysa sa inaasahan ko!"
"Hmp! Turuan mo na ngalang ako diyan! Kailangan ko lang naman to, para sa grades ko!" Sigaw ko.
"Okay. Let's start na" Sabi nya at tinuruan nya ako. Step by step na this time.
Ang galing niyang mag turo kaya natuto din ako kaso may mga fails parin.
Yeyy! My Gradesss! Here I come!!
Harumi's POV
Umalis na din si Akari. Ah. Oo nga pala!
"Ay oo nga pala! Sinong may alam kung pano mag Bike?" Tanong ko.
"Ako" Sabi ni Hiro.
"Ugh. Kahit labag sa kalooban ko.. Pwede mo ba akong turuan mag Bike?" Tanong ko.
"Haha! Sabihin mo munang, Gwapong Hiro, Pwede mo ba akong turuan mag Bike? Pleaseeeeee" Sabi ni Hiro.
"Ayoko!"
"Edi bahala ka dyan!"
"Sige na ngalang.. Gwa-gwapong Hiro, pwede moba a-akong turuan mag bike? Plea-please?"
"Haha! Sige!"
"Tara dun sa likod ng School. Naka Hiram na ako ng bikes natin" Sabi ko.
"Ha? Pano?" Tanong nya.
"Humiram ako kay Lance at kay Precious" Sagot ko.
"Okay Tara na sa likod" Sabi nya tapos pumunta na kami sa likod.
Hayyy! Siguro madali lang tong bike na to.
"Okay. Ganito ang gagawin mo" Tapos tinuro niya sakin yung tungkol sa mga brakes, pedals at whatever.
Sumakay ako sa bike. Medyo pa uga uga pa ako..
"Mahuhulog akoooo!" Sigaw ko. "Hindi" Sabi nya at hinawakan yung likod ng bike.
"Itutulak kita, ah? Basta kung mababangga ka sa isang obstacle, mag brake ka" Tapos tinulak na nya ako.
Pa uga uga pa ako kaya natumba din agad ako. "Ouuucchh!" Sigaw ko.
"Haha! Ang dali Dali mag bike! Yan pala yung talented?" Pang aasar ni Hiro.
"Itulak mo ulit ako!" Utos ko. Tinulak nya ako.
And di na ako pa uga uga.
Hala! Mababangga na ako dun sa wall ng likod ng School!
"Wahhhh!!" Sigaw ko. "Yung brakes!" Sigaw ni Hiro.
Ang bilis ng bike so nag brake na ako. Kaso... >~<
Tumilapon akooooo!!!!!
"A-aray ko. Pwet ko" Sabi ko habang naka upo.
"Haha!! Sayang! Di ko na video!! Ang epic! Ang epic ng fails mo!!!" Tapos tumawa nanaman sya.
Bwisit! Ang galing mang asar ng kaaway ko!!
"Arrggg! Shattap!! Kaya ko to!" Sigaw ko at nag bike ulit.
May mga fails pero tinuruan at tinulungan ako ni Hiro.
Yeyyy! Alam ko na kung pano mag bike!
I'll show off kila pinsan some other time!
****
#RyouKari and #HirUmi is sailing!!
BINABASA MO ANG
Anime Teen Clash
Novela JuvenilSa isang HighSchool, may clash between sa mga Girls and Boys. Ang akala nyong puro bangayan, posible kayang may mabuong ibigan? Forever Enemies na lang ba sila o Forever Lovers ang Ending nila? ♡[Ongoing]♡