Sawakas after one month ni daddy dito sa hospital nagising na din sya.
Bumigay ang katawan ni daddy sa sobrang pag trattabaho, hindi kame masyadong okay ni daddy noon dahil at the age of nineteen i got pregnant.
Pero nang maisilang ko ang kambal ko halos ayaw nya ng mahiwalay sa kambal, kung hindi nga lang sa trabaho baka nga sya na ang nag alaga sa kambal. Minsan ginagamit ko na nga ang kambal para lang makapag bakasyon si daddy at makapag pahinga.
Kaso nga lang may hindi pa kilalang tao ang nag nakaw ng onehundred million sa company ni daddy. At iyon ang nag cause ng pagka hospitalize ni daddy. Dinoble o triniple ata ni daddy ang pag tratrabaho para matapalan ang nawalang pera.
-
Nag request si daddy ng cake. Tinutulan naman ni mommy kaso parang batang nag maktol si daddy hehe kaya pumayag naman na si mommy. Pero alam ko naman na hindi yun para sa kanya kundi para sa mga apo nya. Haaay nako!! basang basa ko na ang daddy.Sinamahan naman ako ni Luis sa mall, gusto nya na mamili kame ng foods para makapag celebrate daw, dahil nga sa nagising na si daddy at konting pahinga pa eh tuluyan ng gagaling si daddy.
"Saan mo gustong umorder ng foods?" Tanong ni Luis sa akin
Hindi naman ako naka sagot dahil sa makakasabay namin sa elevator. Sila Jules at Jessie.. na kung maka lingkis sa braso ni Jules eh akala mo tatakbo papalapit sa akin 😏
Hinila nalang ako ng pasimple si Luis papasok dahil hindi ko na alam kung papasok pa ba ako or what...
"Nice seeing you two again.. Lets have some coffee?" Pang iimbita ni Jules
"Sorry pare per-"
*ting*
"Sure! Nauuhaw nga din ako eh... Tara!" Pagkasabi ko ng tara eh sya ko ding pag labas sa elevator
Nauna na akong lumabas dahil ang awkward nilang kasama T_T
Sinabayan naman ako ni Jules.. Juskooo!!! Puso ko!!!... Kumalma ka!!! Wag ka nang magsumixteen dyan.. Lintek pakiramdam ko para na akong atsuwete sa pula ko.. Hindi ko ala kung tumama lang ba ang kamay nya sa kamay ko o sinadya na o gusto nya hawakan ang kamay ko.
"Uhmmmn. Dito na lang tayo. Sabi ko sa unang coffee shop na nakita ko" hindi na ako sumabay kay Jules, mas binilisan ko pa ang pag lalakad ko.. Natawa naman ako nung papalapit na sana si Luis sa akin pero kitang kita ko kung paanong sumimple si Jules na harangan si Luis.
"Ahmm???? Ice coffee na lang sa akin" sabi ko kay Luis sya kasi ang nag insist na manglilibre.
Pagkasabi ko ng order ko ay plinano ko na lang maupo nang una, dahil sa awkwardness sa aming apat. Kaso kamuntik muntikan na akong sumemplang! Pucha! buti na lang nasalo ako ni baby... Este ni Jules pala.
Baby nanaman! Kakababy ko nang kakababy kay Jules ayun binigyan ako ng baby! Pero okay lang hindi naman ako nag sisisi na dumating ang kambal ko sa buhay ko at parents ko.
Yung ang tagal naming magka face to face tapos akala ko matutuloy na talaga akala ko lalapat na talaga. Kaso may umepal sayang! Oo na maharot na kung maharot but i miss his kiss his touch.. Everything! I miss everything about him..
Hinila ako ni Jules patayo. Para tanungin kung okay lang daw ba ako, tumango lang ako bilang sagot.
Tinignan ko si Jessie na nglilisik ang mga mata sagalit na naka tingin sa akin. Sya pa galit? Sya nga dahil bakit ako kamuntik-muntikang sumemplang! Kung di nya ako tinisod edi sana wala kaming shining moments ni Jules!
-"Kamusta naman kayo? Kamusta ang may anak na K? Nahihirapan ka ba?... Lalo na mag isa ka lang" tanong ni Jules
"Mahirap minsan pero madalas masaya.. Sila rin naman kasi nag aalis ng lungkot ko at pagod" nakangiti kong sagot
"Tsaka hindi naman sya mag isa dahil palagi nya naman akong kasama, parang mag asawa na nga kame eh haha" masayang sabi ni Luis na ikinangiwi ko... Pano sya lang natutuwa sa sinabi nya
"Bakit nga naman ba kasi ayaw nyo pang mag pakasal? Bagay na bagay kaya kayo. You two really look good together.." Parang nanunuya o talagang nanunuyang sabi ni Jessie
"Tsss. Parang hindi naman" mahina pero rinig naming apat na sabi ni Jules habang malayo ang tingin tsaka sumimsin nga kape nya
"Haha"Peke kong tawa.. "Actually... Ikaw lang ang nakapag sabi nyan. Usually kasi ang sinasabi bakit daw wala kaming spark, kuya ko daw ba sya, ilakad ko daw sila sa kapatid ko.. Sa tanong mo na kung bakit hindi kame magpa kasal?.. Kasi hindi naman kame bakit kame mag papakasal? At alam nya na pagkakaibigan lang ang relasyon na kaya kong ibigay sa kanya... At alam nya ding mula noon hanggang ngayon isa lang ang nakakapag pabilis ng tibok ng puso ko isa lang ang kaya kong mahalin.. Yung ama lang ng mga anak ko ang mamahalin ko" Nakatingin ako sa mata ni Jessie habang sinasabi ko yun, dahil gusto kong malaman nya ang nararamdaman ko. Para malaman nyang hanggang ngayon mahal na mahal ko pa rin si Jules
Nagitla naman ako sa naramdaman kong kamay na humawak sa kamay ko nasa ilalim lang kasi ng mesa ang isa kong kamay. Nasa isang round table lang kasi kame dapat si Jessie katabi ko pero inunahan sya ni Jules.
Lumapit na pala si Jules sa lamesa hindi ko manlang napansin, kanina kasi nakasandal sya.. Mahigpit ang pagkakahawak ng kamay nya sa akin.. Ang mga mata nya na parang maluluha na nag susumamo. Ang mga mata nyang may gustong sabin. Hindi ako nagpakain sa eksena namin ni jules sa ilalim ng mesa dahil baka mahalata nila at magkagulo. Pasimple pa naman nang hinihimas ni Jules ang legs ko, ramdam ko ang haplos nya kahit naka pantalon ako.
"Kayo kamusta?? Diba may anak na kayo? Bakit kayo ang hindi magpakasal?" Nang aasar na sabi ni Luis
Sa gulat ko sa sinabi nya ay marahas kong tinabig ang kamay ni Jules sa hinta ko.! May anak na pala ang animal na to tapos hihipo-hipo pa!!!
"Oo may anak ako.. Pero hindi sa kanya.." Parang nag papaliwanag na sabi ni Jules sa akin. Galit na ako! Bahala sya di ko na talaga sya bati!!!
"Huh?... Huling balita ko eh nabuntis mo si Jessie? Asan na ang baby nyo? Kanino nyo iniiwan? Sa yaya lang?!" Naguguluhang tanong ni Luis, na naiinis?? Bakit?
"Walang yaya dahil walang baby.. Oo sabi nya na buntis daw sya noon. At ako ang ama, no offense pero malakas ang hinala kong hindi akin yun.. Dahil kahit lasing ako matatandaan ko kung may nangyari ba o wala.. Kaya para sana mapatunayan kung akin nga ang bata ipapa.dna test ko sana sa pinsan kong doctor.. Kaso..... Sa...kasamaang palad.... Nakunan si Jessie" Lumungkot ang tono ni Jules nung huli.. Kahit ako nalulungkot sa nangyari.. Nakunan pala si Jessie, i feel sorry for her lost.
"Ano?! Ts!!" Napakalampag naman si Luis sa mesa bago umalis. Bakit naman kaya yun nag walkout? Aawardan ko talaga to ng walkout Queen eh! Parang bakla ang putcha!
"Excu-" natigilan ako dahil sa kamay ni Jules na pinipigilan ako. Tatayo na sana ako para sundan si Luis, si Jules naman parang nag sasabing wag muna akong umalis dahil gusto nya pa akong makasama. "i need to go.. Susundan ko pa kasi sana si Luis tsaka mamimili pa ako ng pagkain na dadalhin sa hospital" kay Jules ko na lang sinabi dahil kitang kitang walang pakielam si Jessie sa sinasabi ko.
"Bakit?? Kamusta na nga pala ang daddy mo?" Ayan nanaman sya sa pahimas-himas nya!. Ano ba Jules. Ako din eh!! Tss pwede ko namang alisin pero pagusto din ako eh hihi.
"Nagising na kasi si Dad.. A little celebration lang sana"
"Ahhh..... Mauna kana umuwi.. Sasamahan ko lang si K mamili, for sure hindi nya na makikita si Luis and i think maramirami syang bibilhin mahirap pa kumuha ng taxi dito" sabi nya na sa akin nakatingin na parang sa akin nag papaalam na kung pwede nya ba akong samahan
Tututol pa lang sana ako ng hilahin nya ako. Kaladkad na to eh.. Tumingin naman ako sa pwesto namin kanina at nakita kong ang sama-sama ng tingin sa amin ni Jessie hinawi nya pa ang mga nasa table namin tas sumigaw ata sa inis. Tangina shit! Para syang baliw!! Nakakatakot.
Nang makalayo na talaga kami ay hinila ako ni Jules papalapit sa kanya parang naka yakap akbay sya sa akin while were walking.
"mmmmn... Namiss ko to sobraaaaa... Namiss kita baby ko.. Sobra sobra" huminto naman sya para ikiss ako sa ulo tapos lakad ulit.
Ako?? ⊙﹏⊙ ganyan.. Tanginaaaaaa!! Kinikiligkilig ako!!!! Wala na hindi na ako nakapag salita.
TBC