14.2

935 9 0
                                    

Jules POV

"Wear your robe first kids... Take a rest for a while.. Before jumping in to the pool.." Paalala ko sa mga bata. Ang saya saya!! Si Jared sana tuloy tuloy na ang magandang pakikitungo sa akin.

Kylie?... Kung tatagal pa to.. Baka maging daddu's little girl na.. Haaayy.. Limang taon ang nasayang sa amin... Siguro kung hindi ako naglasindak kay Jessie nuon, ang saya saya ng pamilya namin araw araw at!... Siguro limang kambal na din ang meron kami. Kaso baka kawawa naman ang baby ko.

Teka asan na nga pala yun??? Ayun! Aba parang nag eemote ang baby ko ahh.. Malambing nga...

"Mahal..." Nagulat naman sya sa presensya ko pero napalitan ng kunot noo ang itsura nya "O.. Bakit ganyan ang muka mo?"

"Anyare sa baby?? Bakit naging mahal?" Nangingiti nyang sabi, tinabihan ko naman sya sa pag upo.

"May mga baby na kasi ako.. Kaya sila na ang tatawagin kong baby.. At sa mommy ng mga baby ko naman mahal... Para mas nakakakilig yiiie hihi" Pucha parang ako lang ang kinikilig eh hihihi

"Ahhhh.. O eh bakit nandito ka?" Ang sungit naman ng mahal ko magkaka red alert na siguro.

"Kasi mag isa ka lang dito ehh.. Ikaw bakit ka nandito?? Ayaw mo ba kame kasama??" Linapit ko naman ang muka ko sa kanya

"Hindi.... Ang sarap nyo lang kasing panuorin.. Ang gaganda ng ngiti nyo.. Ang sarap sa tenga ng mga tawa nyo. Ang sarap nyo paulit ulit panuorin" nakangiti nyang sabi habang naka tingin sa dalawang bata na nag kukulitan.

"Wag ka mag alala mahal.. Kahit hanggang sa pag puti ng buhok mo at hanggang sa kahuli-hulihang ngipin mo.. Mapapanuod mo, makikita mo at maririnig mo ang mga ngiti at tawa nila.. Naten!" Paninigurado ko sa kanya

"Can we please swim now????!" Sigaw ni Kylie.. Malayo din kauti kasi ang pwesto namin.

Lumapit kame sa kanila para suotan ng life jacket at salbabidang pang braso.

K's POV

Naunang lumokso si Jules at Kylie.. Karga kasi ni Jules si Kylie. Si Jared ayun ayaw nya na daw mag pakarga sa akin kasi big boy na daw sya, kaya nya na daw tumalon mag isa. Nauna naman ako lumukso sa kanya para alalayan sya pag naka talon na sya.

"Yeeeeey!!! Verygood na baby Jared.." Masaya kong sabi hawak ko na lang ang kamay nya. Ganun din si Kylie at Jules

Nagpaikot ikot lang kame nung umpisa. Hanggang sa umupo kame saglit sa hagdan..

Nag request sya ng mga tricks kay Jules like butterfly, back stroke etc.

Sobra atang napabilib ni Jules ang mga bata.. Kaya nag request ng swimming lesson, ako naman nauna na akong mag banlaw. Mabuti at pumayag lang si Jules.

Niready ko ang pamalit ng mga bata sa mga kwarto nila, si Jules naman kumuha muna ako sa cabinet ni daddy. T-shirt at boxer shorts mabuti nalang at may mga bago pa dito..

Matapos nun ay bumalik ako sa pool area para panuorin ang mag aama ko.

"Keep pedaling your feet..." Lumipat sa kabilang side si Jules, sa mas malapit sa akin.. Kaya nag lakad ako papalapit din sa kanya.

"Can i ask a favor mahal??? Pleaaaase?" Sinilip ko ang mga bata at busy pa rin sa pag kumpas ng mga paa paa nila habang nakadapang lumulutang sa tubig.

"Ano naman ang favor na yan??" Taas kilay kong sabi

"Can you set your room? I want us to have a movie marathon.." With his puppy eyes

"Planado mo ba ang araw na ito?? At ready na ready ka sa mga activities mo?" Taas kilay ko pa ding sabi while naka ngito sa kanya

"Hindi ahh.. Nagka idea lang ako ng mga fun family bonding pagka alis ng parents mo" honest answer nya naman

"Okay.. In one condition" sabi ko pa while naka gesture nang one na nakatapat sa labi ko

"Uyyy!!! Mukang masaya yan ahh.. Tingin ko gaganahan ako sa kondisyon mo mahal.. Sexy time ba??? Sure!!! Sige cancel the movie marathon mag damag tayo mag sesexy time... If that is what you want ∩__∩" Pinag sasasabi neto???

"Ayos ka lang? Pinag sasabi mo?? Ayan ka na naman sa sexy time mo.. Yung one condition ko is umahon na kayo... Dahil kanina pa kayo nakababad sa tubig!" -_- napa poker face naman si Jules sa sinabi ko.

"Ano ba yan... Akala ko ayun na eh hmmm.. Okay lang kids day ngayon araw ng mga bata pag bigyan... Pero ayun na nga ehh kida day.. Araw ng mga bata! Kaya dapat gumawa ng bata!!" Bulong ni Jules sa sarili nya habang nag mamaktol

Juskooo!! Mukang magiging tatlo pa ang alagain ko ahhh.. Mas matured pa mag isip minsan sila Jared kesa sa papa nila eh (-‸ლ) hahaha..
--

Tumabi sa akin si Jules, nasa right side kame ng kama. Kumbaga space / space/ sya tapos ako.

Sabi ko nga bakit ako ang nasa dulo? Sabi nya limang taon ko naman na daw nakakatabi ang mga bata kaya sya naman daw..

Katabi ako ang mga bata? Eh ako nga yung nasa kabila nya.. Ibang klase! Hahaha

"Were dooooone!!" Juskoo ang Kylie ko.. Hindi nauubusan ng energy, napapangiti na lang ako sa kakulitan nya.

Sumod sa kanya si Jared papasok. Agad na saamin tumingin si Jared. The next thing i know lumukso na sya sa kama.. At ngayon pilit isinisiksik ang sarili sa gitna namin ni Jules. Natatawa na lang ako kasi ayaw nila magpatalong dalawa.

Maya maya pa nakarinig kame ng sigaw.. Sigaw na nag mumula kay Kylie. Na patakbo na rin dito sa kama! Kasunod nun.... Ayun lumukso din dito sa kama at nakipag siksikan sa gitna namin..

At sa huli ang nanalo???? Ang mga bata hahahaha! Bali ang pwesto na ay si Jules, Jared, Kylie tapos ako.

Ngiting tagumpay naman si Jared. Akala ko naman tapos na ang asaran sa dalawang ito. Habang si Jules? Ayun mukanh ewan na nag eemote hahaha bago pa umusod sa pwesto nya eh nag sabi sya na mamimiss ako. Nabatukan ko nga. Ang kulit eh hahaha..

Masaya si Jared na malayo si Jules sa akin. Pero mas madaya si Jules dahil sya ang katabi ni Jared. Ang utak!!! Talaga hahaha.. Pag laki ng mga anak namin.. Sino kaya ang mag mamana sa kagulangan neto? Hmmmm? Hahaha..

Napatingin nanaman ako sa camcorder. Excited na ako na mapanuod ko ito bukas.. Haaay! Sana hindi na ito matapos pa.

---

Jessie's POV

"Tandaan mo ang trabaho mo.. Wala kang gagalawin sa kanila ng wala ang pahintulot ko.." Mataas kong sabi sa kausap ko

"Opo ma'am"

"Good.. Lahat lahat ng kilos nila.... Gusto ko bantayan mo.. Kung kinakailangan mong mag dagdag ng tauhan gawin mo.. Basta ang gusto ko manmanan mo.." Sabi ko bago iabot ang envelope na nag lalaman ng pera

"Makakaasa po kayo ma'am" nakangiting sabi nang kausap ko bago chineck ang pera sa loob

"One hundred thousand.. Paunang bayad.. Para sa pag babantay, ayusin mo ang trabaho mo.. Madaragdagan yan"

Pag bibigyan ko kayong sulitin ang nalalabing masayang taon sa inyo. Para may babaunin kayo sa hukay nyo.

Dumiretso ako sa airport pagka tapos kong kausapin ang binilinan ko sa pag bantay sa kanila K.

Babalik ako..! At sa pag babalik ko... Kamatayan nyo ang pasalubong ko! Hahahaha!

~~
TBC

School ProjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon