12

1K 15 2
                                    

Ann's Pov

Nandito ako sa tapat ng bahay ni Jules. Binabagabag ako ng konsensya ko..

Hindi ako makatulog ng maayos, makakaen hindi na makatakbo nang normal ang buhay ko..

Sasabihin ko na talaga!! Wala nang atrasan!

"Bzzzt.. Bzzzt.."

"Umalis ka na!! Pwede ba wag mo na kame guluhin ni K!! Limang taon na akong nag sakripisyo!!! Dahil sa pananakot mo!! Lubayan mo na ako!! Stay away from our lives!!!" Galit na galit na kinaladkad ni Jules yung babae.. Feeling ko kilala ko sya eh! Natatakpan kasi ng buhok yung muka nya

"Please dont do this to me Jules!! I need you!!! Baby angel needs you too!!!! May anak tayo Jules!! Wag mong kalimutan!!" May anak na si Jules???!!! Limang taon din ang lumipas wala na akong chicka nasagap after graduation eh!

Tsaka wag na sila guluhin ni K? So sila nagkatuluyan?!!! Si K yung babaeng?!!!!!! May anak na si K kay Jules???????!

Wala na rin akong naging balita sa babae na yun eh. Simula layuan sya ni Jules, di nag laon bigla na lang syang nawala. Nabaliw nun si Jules halos kung kanikanino nag tanong kung nasaan si K.

Badtrip nga eh. Nung nandyan lang iniwas iwasan nya. Tas nung nawala hahanapin nya. Baliw lang diba? Ts!

Actually asar din ako dyan kay Kylie dati eh.. Kasi bet na bet sya ni Luis?! Sa tingin ko noon kaya hindi ako napapansin ni Luis dahil sa kanya.

"Pinagsasasabi mo??? Matagal nang patay si baby angel?! Dahil pinatay mo sya di ba?! Alam ko Jessie kahit hindi mo sabihin!" Jessie???? TanginaShiiiit!!! Jessie na super bff ni K?!!!!!!

Eh wala pala tong pinagkaiba sa mga dati kong alipores eh!!! Mga ahas!! Lintek yung mga yun naalala ko nanaman?! Ang papangit naman!!

Anyway balik sa eksena sa kalye.. Kalyeserye! Featuring Jules and Jessie..

"Hindi pa sya patay?! Hindi!! Itinago ko lang sya! Gusto mo ba sya makita?" Kingina!!! Nakakatakot si Jessie?!! Parang may sanib eh! Kanina lang iiyak iyak nag mamakaawa kay Jules biglang galit tas ngiti!! Naka shabu ba to?!

Aalis na lang sana ako.. Babalik na sana ako sa kotse ko nang makita ako ni Jessie!. Pucha. Runnn!!

"Sino ka naman?! Isa ka ba sa babae ng fiancé ko?!" Pinagsasabi neto? Sino ba fiancé nya? Wag nyang sabihin si Jules?!!!

"Ann?" Dikit kilay na sabi ni Jules

"Ann?? Yung baliw na baliw kay Luis?" Woooow! Heavy!! Parang sya hindi nag sisa-sisahan kanina sa harap ni Jules

"Ann Navarro.. Yung medyo baliw na lang kay Luis" hinead to foot naman ako ni Jessie.. Putcha kung di ka lang baliw head to foot ka din sakin.

"Anong ginagawa mo dito? Lalandiin mo din si Jules? Ano? Makati ka rin pala eh! Sige subukan mong lumapit kay Jules puputukin ko yang nguso mo" See????! Scary di ba?! Ang violence!! Lakas maka spg!

"What do you want?" Seryosong sabi ni Jules

Naalala ko na?!!!! Si Jessie yun?!! Si Jessie yung nakita ko sa mall na kausap ni Luis?! Sya yung bumangga sa akin na akala mo rush hour kung mag madali!

Pero bakit?!! Bakit sya pa?!!! Of all people??? Ahas nga syang tunay!!! My ghaaad!

Delikado ako neto sa lukaret na to kapag ngayon ko sinabi kay Jules!

"Ahh.. Tatanong ko lang sana kung open minded ka ba Jules?" Taranta kong sabi

"What the fuck?" Kingina!! Mas nakakatakot pala mag seryoso si Jules! Sorry na wala na ako maiisip na ibang palusot eh

"Well alam nyo yung one hundred pesos nyo pwede maging isang libo! In one year magkaka kotse kayo katulad ng sa akin.. Loooook!!!"

"Baliw ka ba?" Tanong ni Jessie sa akin. Sure ka bang sa akin mo itatanong yan?! Ha?!!!!!!!!

Kingina maalala ko lang mga pinag sasasabi nya kinikilabutan na ako eh. Kaya hindi ko na natapos yung pakikichismis ko eh.

"Hindi.. Hindi.. Jess.. Listen.. Seryoso ako.. Gusto nyo mag coffee para maipaliwanag ko ng mabuti?" Shit shit shit!! Sana hindi pumayag sana hindi pumayag!!!!

"I dont have time for bullshits" seryosong sabi ni Jules

"Good.. okay... Bye!!!" Whooooou! Buti na lang!

"Wait!! Ako i am interested.." Naka ngiting sabi ni Jessie

Napalingon lang si Jules sa amin. Tiningnan ko sya sa mata!! Sana gets nyang i need some help!!!

But im doomed!! Dahil umalis lang siya after nya kaming lingunin!!

"Ano talagang kailangan mo kay Jules?! Hindi ka pupunta dito para lang mag alok ng networking!"

"Ahmmmm... Ano... Condo.. Condo talaga gusto kong ialok kay Jules.. Ikaw baka gusto mo?! Ay si K! Paki ask baka gusto nya may bagong condo kasing ipapagawa si daddy.. Bff naman kayo ni K eh. Baka pwedeng ikaw na lang mag ask?" Tignan ko nga kung papayag tsaka kung anong sasabihin..

"Sure!! Ayun lang pala eh.. Saan ba itatayo? At kailan ba itatayo?" Naka ngisi nyang tanong

"Ay teka nag vibrate phone ko..." Pumasok ako sa kotse "asan na ba yun vibrate ng vibrate eh.. Una na ako Jessie may pupuntahan pa kasi ako eh" paalam ko. Hindi na ako lumabas pa ng kotse sa bintana na lang ako sumilip.

Tangina!!!! Naka kutob kaya yun????????? Whaaaa!! Ayoko na!! Ayoko na!! Bahala na kung hindi ko masabi basta di ko na ulit susubukan pa makisali sa kanila!! Whaaaa!!

Bahala na hindi ako makatulog. bahala na di ako makakaen. Bahala na mag kulong ako sa kwarto.

Wag lang mapatay ng baliw?!.... Kaso baka ako naman ang mabaliw whaaa!! Huhuhu!!

Kung sasabihin ko ba maniniwala sila? Baka hindi din? Lalo na bff sya ni K! Baka sabihin gawa-gawa ko lang! Whaaa!! Ewaaaaan!
-

K's pov

Masayang nag kukulitan si Kylie at Jules . habang si Daddy ipinasyal sa garden ni mommy. Si Jared ayun hindi maganda ang timpla nag seselos pa rin kay Jules.

Hindi ko naman alam kung paanong naging close na lang bigla si Kylie at ang ama nya.

"Sinong namiss nyo mga baby???!!" Open arms na bungad ni Luis

"Hahahahaha.. Stop na po....." Napatigil naman sa pag kiliti si Jules dahil sa pag dating ni Luis

"Tito daddy!!!!!!!!" Napasigaw lang ang dalawang bata. Si Jared di makalapit dahil sa dextrose si Kylie yakap ni Jules.

"Go.." Sabi ni Jules kaya napatakbo palapit na din si Kylie

Nawala ang ngiti ni Luis pero pagkalapit ni Kylie ngumito sya ulit pero kita ang pagka pilit ng ngiti nya.

Awwwwwwkward!!!

~~

TBC

School ProjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon