7

1.4K 19 0
                                    

SP7

K's POV

One week na simula nang makabalik kame ng mga bata dito sa pinas, mag papaalam lang sana ako kay Luis na uuwi kame kaso nag insist syang sasama sya sa amin... Ayaw nya daw kaming pabayaang umuwi na kame lang baka daw mahirapan ako sa pag asikaso sa kambal ko at sa bagahe namin.

May point naman sya doon kaya pumayag akong sumama sya sa amin pauwi. Ang hindi ko lang gusto eh simula ng umuwi kame dito sa pinas nag asta na syang animo eh sya ang asawa ko animo anak nya ang mga anak ko.

Hindi ko naman sya mapag sabihan dahil mag sisimula pa lang ako iddivert nya sa iba ang usapan o kaya naman eh iiwas sya o aalis sya.. May nag bago kay Luis eh, hindi ko lang mapunto kung ano ang pag babago na iyon.. Hindi ko alam pero parang laging takot na ewan na parang aligaga masyado sa mga bagay bagay.

"Hey... Hon ... Ready ka na? Ready na ang mga bata.." Naka ngiting lumapit sa akin si Luis, nandito kasi ako sa vanity mirror ko at nag aayos ng sarili gusto kasi mamasyal ng mga bata.

See.. Hon na ang tawag nya sa akin kahiy sa public place kaya nakakainis na.

Palagi syang nandito sa amin kahit hindi naman kailangan hindi ko masabi na hindi naman kailangan na araw araw sya nandito dahil baka offend sya.

"Luis..... Ilang be-"

"Oo na oo na sorry.. Nadadala lang ako kasi para na tayong buong pamilya oh.. Nanay ikaw ako tatay tapos mga anak diba.."

"Alam mo namang -"

"Oo na hindi na sige na halikana nag aantay na ang mga bata" nababasa ko ang pagka inis ni Luis sa sinabi ko pero binaliwala ko na lang, dahil kung aamuhin ko sya baka iba ang maging dating sa kanya.

Bakit nga ba hindi ko sya matanggap? Siguro dahil umaasa pa din ako.. Umaasa na babalik sya pata sa akin para sa mga anak namin na hindi nya alam na meron.
--

Kakatapos lang namin kumaen sa isang italian restau. At habang kumakaen kami ay nangako si Luis sa mga bata na kapag naubos nila ang pagkain nila ay ibibili sila ni Luis ng kahit anong toys na gusto nila.

"Osige na kids.. Hanapin nyo na ang gusto nyong laruan!" Masayang sabi ni Luis

"Jared... Kylie... One only ha.."

"Yes mommy!!!!!" Pagkasabi nila nun ay nag unahan ng mag tingin tingib ng kung anong gusto nila, napa iling na lang ako sa mga anak ko habang naka ngiti.

Nag libot libot din ako. Hanapan ko nga din si Jared at Kylie ng educational toys para kahit nag lalaro sila may natutunan sila.

"Ah eto kaya.." Nag nagpalinga linga ako para mag hanap ng mag aassist isa na lang kasi yung nandito gusto ko na tig isa sila.

But sa kasamaang palad pag talikod ko isang tao ang nakita ko na ayokong makita na hindi ko pa kayang makita.

Napa atras ako ng bahagya ng makita ko si Jules.. Lalo syang gumwapo sa suot nyang pang business attire..

Parang kaunting kaunti na lang at maiiyak na ako. Palapit na sana sya sa akin ng may mag salita sa likod nya. Pagka rinig namin ng boses galit o inis ang makikita sa muka ni Jules, gulat naman ang sa akin dahil alam ko kung kaninong boses yun.. Kilalang kilala ko ang boses na yun.

"Babe.. May nakita na akong pwedeng ipang gift kay baby angle... For sure ma-" natigilan sya nang makita ako. Takot? Pag aalala? Gulat? Yan ang mga nakikita/nababasa ko sa muka nya.

"K? Na-nag balik ka?...  Bakit?! I mean.... Kailan pa?" Galit ba sya sa akin? Dapat nga ako ang magalit sa kanya eh! Ang kapal ng muka nya!

"Oo BESH! Nag balik ako.. Bakit mukang ayaw mo? Hindi mo manlang ba ako namiss?" Naka ngisi kong sabi kahit sa loob loob ko ay nang gagalaiti na ako!

"Hon.. Okay la-" natigilan din si Luis nang makita si Jessie at Jules. Parehas sila ng reaction ni Jessie

Napatingin naman si Jules kay Jared nang magkasalubong ang kilay. Ganun din si Jared lumapit pa sya kay Jules para tingnan habang magkasalubong din ang kilay.. Kung pag tatabihin mo ang dalawa eh carbon copy ni Jules ni Jared. Kaya itinago ko si Jared sa likod ko. Ayokong malaman nyang may anak kame.

"Kayo na pala?" May hinanakit kong tanong kanila Jules

"Yes!/No" inis na napatingin si Jules kay Jessie pero hindi na lang nag salita pa.

"Kayo pala nagka tuluyan ni Luis? Dati lang hahabol habol si Luis sayo. Aayaw ayaw ka pa nga noon kayo din  pala sa huli" panunuyang sabi ni Jessie

"At may anak na pala kayo.. Kaso parang hindi mo naman kamuka Luis" medyo may asar na sabi ni Jules.

Sasagot na sana kame pero patakbo namang lumapit sa amin si Kylie.

"Mommy!!!!!... Tito daddy!!!.... I want all of this toys yeeeeeey!!"

"Baby... Mommy said one only"

"But i want all of this.. All!! All!!!"

"Tito daddy huh? So hindi mo sila anak? I wonder kung kanino silang anak" nakangiting sabi ni Jules

"Shempre sa akin!.." Inis kong sabi

"Silly baby... Of course.. But whos the daddy?" Nakangiti pa ding sabi ni Jules

"We don't have daddy.. Tito daddy only.. I hate my real dad for leaving mommy hanging! Useless daddy!" Inis na sabi ni Jared

"Jared!!.."

"Maybe that daddy has a reason why he left mommy hanging.. Please dont hate your daddy. Give him a chance please?"

"I don't know" matigas na sabi ni Jared

"Mauna na kame.." Paalam ko sa kanila pipigilan sana ako ni Jules pero hinawakan ni Jessie ang kamay nya para pigilan

"Mommy are we going to hospital again?" Sabi naman ni Kylie

Napatigil na ako ng tuluyan ng may humigit sa braso ko.

"Bakit kayo pupunta ng hospital? May masakit ba sayo? May sakit ka ba? Kamusta ang pakiramdam mo? Sinong may sakit? Ang mga bata ba?" Kitang kita ko ang pag aalala sa muka ni Jules. Gusto kong hawakan ang muka nya gusto ko ulit haplusin ang muka nya para pakalmahin sya at sabihing okay lang kame ng mga bata.

"Si daddy ang nasa ospital. Sige mauuna na kame." Nag madali na kame na umalis pero sumunod pa rin si Jules

"Wait.. Ako na ang mag babayad ng mga laruan nila please?" Pag susumamo ni Jule

"May pera ako pare.. Wag mo akong insultuhin" inis na sabi ni Luis

"Hindi sa ganun pare.. Pero nakikiusap ako.." Tumingin naman sya sa akin, tumango na lang ako bilang sagot na ikina inis lalo ni Luis
--

Jules POV

Alam ko... Ramdam ko akin sila.. Hindi  na matatakot ulit may sarili na akong kakayanan para maprotektahan si K lalo ang mga anak namin.

"Hello... Pare.. Nakita ko na sila.. At sure ako akin ang mga anak nya. Tulungan mo ako... Okay okay.. Thanks pare"

Jessie's POV

"Hello... Pare.. Nakita ko na sila.. At sure ako akin ang mga anak nya. Tulungan mo ako... Okay okay.. Thanks pare" rinig kong sabi ni Jules

No!!! No!!!! Hindi pwedeng masayang lahat ang ginawa ko. Hindi!!! Kailan kong malaman ang plano ni Jules

TBC

School ProjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon