Jules Pov
Saan naman ako pupunta kung hahanapin ko ang mga anak ko?? Wala akong kaalam alam kung saan sila sisimulang hanapin..
"Check the pulse"
"Oxygen"
"Doc eto pa po yung isa.."Gulong gulo na ako.. Umupo muna ako para makapag isip at makapag pahinga kahit sandali.. Naka patong ang mga siko ko sa binti ko at sapo nang mga kamay ko ang ulo ko.
Wala na akong pakielam sa paligid ko. Kailangan kong kumalma at mag isip kung saan ko dapat hahanapin ang mga anak ko..
"Asan ba sila??...."
"Honey.. Parang sila ata yun???"
"Jules????!" Napa angat ako nang tingin nang may tumawag nang pangalan ko."Luis... Tulungan mo ako.. Yung mga anak ko kinuha din ni Jessie..
"Nakita na namin sila Jules.... Kaso..."
"Kaso ano?????!!!!!!!""Nasa critical situation pa sila.." Tangina naman talaga!!! Gano ba ako kasama sa past life ko at pituputakte ang pamilya ko ng piligro?!
"Saan nyo sila nakita???? Anong nang yari sa kanila??"
"Sa isang walk in refrigerator..."
"Saan naman kumuha nang ganun si Jessie??!"
"May restaurant business sila diba?? Mabuti na lang at may employee na naka kita at nang hindi matawagan si Jessie ako ang kinontak dahil alam nilang kami ni Jessie ang palaging magkasama noon"
"Asan sila???!!!!! Asan ang mga anak ko??!"
"Nandito.." Ginuid ako nila Luis papunta sa mga bata
"Doc.. Kamusta mga anak ko???"
"Hindi ko masasabing ligtas na sila.. May pulse naman sila.. Antayin muna natin silang magising sa ngayon.."
"Jules... Nasa nursery na yung triplets.." Patakbong sabi ng mama ni K
"Sige po pupuntahan ko sila mamaya.. Si K po kamusta??"
"Hindi pa lumalabas yung doctor eh.."
"Sige po dito po muna ako sa mga bata"
"Doc!!! Doc!!! Yung isa sa triplets nahihirapang maka hinga!! Mabigat ang bawat bagsak nang hininga doc!!" Patakbong lumapit yung isang nurse sa isa pang doctor
Isa sa triplets??! Hindi naman sana sa akin yun!! Wag naman sana sila.. Wag sila please lord.. Kakasilang palang nila. Hindi pa nga nila nasisilayan yung ganda ng mommy nila eh.. Wag muna please.. Hindi ko kakayanin mawalan ng anak lalo na si K hindi nya yun kakayanin sigurado ako!
"Isa sa Alcantara babies???! Asan na???" Nang marinig ko yun ay hindi ko na alam ang gagawin ko. Kung papaano ko hahatiin ang katawan ko sa kanilang lahat.
Eto na ba ang pag papasakit ni Jessie sa akin?? Ano ba nagawa ko para mapunta ako sa sitwasyong ito?? Ako na lang .. Buhay ko na lang ang kunin nyo Panginoon wag lang sila.. Iligtas nyo po sila kapalit ko..
-----
Three months later
"Sigurado naman akong masaya na sya kung nasaan sya ngayon.. Namatay syang naka ngiti.." Sabi ni Luis na hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala
"Mainam na rin to.. kesa sa nahihirapan sya.."
"Mahal!!!... Tara na umiinit na..." Nakangiting sabi ni K habang katabi si Ann
"Kylie... Jared... Lets go na" patakbo naman silang lumapit kay K
Dumiretso kami sa bahay nila Luis. One month na kasi ang baby nila.