Ann's POV
Ilang araw na rin akong nag sstay dito sa condo ni Luis.
At kahit minsan hindi pa ako nakakalabas. Bukod sa natatakot ako ayaw din ako payagan ni Luis.
Nabuburo na ako dito sa condo wala naman ako magawa kundi manuod ng tv, mag linis, mag luto tulog kain...
Katulad ngayon.. Naka higa lang ako. Nakalasawa ng manuod ng paulit ulit na palabas.
Nilibot ko ang mata ko para humanap ng pagkaka abalahan. Hanggang sa dumapo ang mata ko sa kalindaryo.
What the!! Baka nag aalala na sila mommy sa akin! Hindi ko na kasi sila nakokontak. Birthday ko pa naman ngayon..
Mag luluto na nga lang ako para kahit papaano makapag celebrate ako ng birthday ko..
----
Luis Pov
Wow.. Ang bango!! Sakto nagugutom na ako.
Pinag papatuloy ko pa rin ang daily routines ko. Para hindi makahalata si Jessie na may plano akong kontrahin sya.
Pag dating ko sa lamesa ay maraming pagkaen. Ano kayang meron??
Siguro nainip na sya masyado kaya nag luto na lang sya ng nag luto.Natatakot ako sa pwedeng gawin ni Jessie kay Ann kaya sobra kung pag higpitan ko sya. Naawa man ako dahil nakukulong sya dito. Pero wala naman ako makitang ibang paraan para mailigtas sya. Malakas at malawak ang koneksyon ni Jessie.
Nasaan kaya si Ann? Baka na tulog na sya sa pagod, ang dami nya kayang naluto.
Pumunta ako sa kwarto para. Gisingin sya at nang maka kaen na kami.
Masarap pala ang may kasama ka sa bahay.
Yung may madadatnan ka pag uwi mo... Yung may mag aasikaso sayo, yung may pag kaen na pag uwi mo... Sayang lanh at hindi kame nagka tuluyan ni K..Natigilan ako sa pag salita at pag pasok sa kwarto ng makita ko si Ann.
Nakatalikod sya sa akin habang nag susuot ng pang ibaba. Yung t-shirt ko ang isinuot nya. Kitang kita ko ang legs nya lalo na ang pag suot nya ng kanyang underwear.
Napalunok ako sa ginawa nya.. Hindi ako maka galaw... Nag iinit ang buong katawan ko!!! Mag tigil ka Luis!!
"Ah!!!!!.. Nakaka-gulat ka naman.. Whaa!!! Kanina ka pa ba dyan?!!"
"Huh???.... Amn... No.. Kakarating ko lang tatawagin na sana kita para kumaen"
"Wala ka namang ibang nakita diba??????"
"Wala.. Kakarating ki nga lang diba.."
"Good to hear.. Sige susunod na ako, mauna ka na" nakahinga naman sya ng maluwag nang sabihin kong wala akong nakita. Pero ako.. Nag pipigil ng hininga..
------
"Ang dami mo namang niluto.. Baka masira lang ang iba dito.." Sabi ko habang nag sasandok
"Sorry... Birthday ko kasi gusto ko lang sana mag luto konti... Gusto ko lang mag celebrate kahit papaano" nakayuko nyang sabi habang magka dikit ang dalawang hintuturo nya... Napahinto naman ako sa pag sasandok na ginagawa ko at napatingin sa kanya
"Sorry.. Sorry... Kung alam ko lang nag uwi ako nang cake.. At nag take out na lang ako ng pag kaen para hindi ka na napagod kakaluto"
"Okay lang... Hindi mo naman alam eh.. Tara kumaen na tayo.. Sana tikman mo lahat" naka ngiti nyang sabi
"Oo naman titikman ko lahat!.. Sa mata palang mukang masarap na paano pa kaya pag natikman ko na diba" naka ngiti kong sabi sa kanya. Naka ngiti rin naman sya pero bakit mukang malungkot pa rin sya?