24

619 8 0
                                    

Luis  Pov

Argh!!!! Bakit ba kasi ako bumili ng teddy bear???!

Bwisit!!!!! I hate teddy bears!! Bakit  ko pa kasi to binili-bili??!
Ngayon muka akong tanga hirap na hirap bitbitin yung pizza at teddy bear??!
Pwede naman ideliver bakit mas ginusto ko pang ako ang mag uwi!!!!

Hindi ko na nagawang kumatok gamit ang kamay ko. Ayokong ibaba yung stufftoy baka madumihan eh..

Sinipa ko ang pintuan para ayun ang ipang katok.
Ilang minuti na akong nag aantay wala pa din nag bubukas..

"Open up!!!" Sinipa ko ulit ang pinto.

Pero wala pa ring nag bukas.. Kaasar naman pinapahirapan talaga ako..

"Ann.. Open the door!!! Its me.."

(Nakooo sana hindi na sya pag buksan nung babae... Mukang loko-loko eh)
(Ano kaya ginawa nya sa girlfriend nya??)
(Baka nang babae??? O nahuli sa kamang may ibang kasama?!)
(True!! Hindi mag teteddy bear at mamimilit na pag buksan ang isang lalaki kung walang ginawang katarantaduhan)

Tinignan ko naman sila nang masama dahilan para umalis sila. Bwisit..

Kaiinissssss!!!! Mga chismosa talaga!! Ang galing gumawa ng kwento. Buong buo sa isip nila. No choice! Binaba ko  yung  pizza tsaka ko pinayong yung teddy bear.. Kinuha ko yung susi ko para buksan ang pinto.

Wala si Ann sa sala??? Kadalasan naman pag gantong oras nandito lang yun ah?? Pumunta ako nang kwarto at baka andun sya

Wala rin??? Asan na ba yun?? Wag lang talagang tatakas yun ts.. Naliligo kaya??

Pinakinggan ko ang cr pero walang naliligo.. Pero umiiyak meron??

Binuksan ko yung pinto nang cr at tumambad sa akin si Ann na sumisiksik sa gilid ng inidoro at pilit na ginugustong pumasok sa gilid kahit hindi sya kasya. Anong nangyayari sa kanya????

"Ann??? Whats happening to you????" Napahinto sya sa pag iyak at tinignan ako dahan-dahan. Nang makita ako ay dali-dali syang tumakbo sa akin..

"Ka...kanina.....may.....may..... kumalampag sa pinto natakot ako kasi baka si Jessie na yun tapos gusto na ako patayin" umiiuak nyang sabi hang naka yapos sa akin, binuhat ko sya na parang bagong kasal tsaka dinala pabalik sa kwarto.

Ikinandong ko sya sa akin.. Hinaplos haplos ko ang ulo nya para mapakalma ko sya..

"Sssssshh.. Im sorry.. Its me.. Hindi ako maka katok kasi may dala ako im sorry... Im sorry.. Natakot kita nang sobra sobra"

Hindi naman na sya sumagot umiiyak lang sya sa akin..

Inihiga ko naman sya para makapag pahinga sya ng maayos. Aalis na sana ako pero pinigilan nya ako. Tiningnan nya lang ako at nakikiusap ang mga mata na wag syang iwan.. Ginulo ko yung buhok nya habang naka ngiti sa kanya. Nag alis ako nang sapatos tsaka ako humiga sa tabi nya. Kinulong ko sya sa mga bisig ko para pakalmahin sya. Hanggang sa nakatulog na sya, gusto ko sanang umalis sa tabi nya pero hindi sumusunod ang katawan ko sa sinasabi ng utak ko. Nag tatalo ang isip at katawan ko.. Parang ba may nag sasabi na wag kang umalis dahil madidismaya sya kapag umalis ka. Malulungkot sya kapag iniwan mo sya. Matutulog na lang din ako. Para hindi na mag talo ang isip at katawan ko.
---

Ann's Pov

Madilim na nang magising ako, pero si Luis mahimbing pa din ang tulog.

Sobra ang naging takot ko kalabog ng pintuan kanina. Pero nang marinig ko ang boses nya at maramdaman ang mga haplos nya ay unti-unting nawala ang takot at pangamba ko.

Sana mahuli na si Jessie sa mga kagagahan nya. Para maka alis na ako dito. Ayoko nang malunod ako sa pag mamahal ko kay Luis dahil alam ko naman... Hindi kailanman magiging pareho ang nararamdaman namin. Kasi si K pa rin ang mahal nya. At imposible na yung mabago.

School ProjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon