18

745 7 1
                                    

K's Pov

Natapos na namin ang pag aayos sa birthday ng mga bata. Madali lang natapos dahil kumuha naman kame ng organizer.

"Dali mommy..." Tagala naman si Kylie ang kulit kulit. Mamaya hindi pa kame nakakaalis pawisan na sya..

"Mahal... Baka hindi na natin masimulan yung mass" isa pa to eh

Hindi ko sya pinansin at dumiretso na lang ako sa pagbaba sa sala.
--

"Layo pa ba???? Kadugay oy.." Sa sobrang gusto nila mag aral mag tagol pati bisaya naituro na ni manang! Nabubugnot na siguro to si Kylie. Medyo mabagal kasi ang usad kahit umaga pa lang.

"Baby.. Tell manang na tagalog lang ituro aa inyo.. Baka malito na kayo sa language na gagamitin nyo" sabi ko kay Kylie

"Tagalog lang naman tiniteach nya eh" tumingin naman sa akin si Kylie habang nag sasabi

"Pano kayo natuto mag bisaya?" Kunit noong tanong ko

"Naririnig ko lang kay manang" nakangiti naman nyang sabi

"Were here..!!!" Masayang sabi ni Jules

"Kailangan may pag sigaw? Nakikita namin.. Kaya alam namin!! Wag mo kaming sigawan!" Inis na sabi ko kay Jules

Laglag panga lang ang response nya. Ang mga bata naman nagtataka ang mga muka na naka tingin sa akin.

"So..sorry" eto nanaman maiiyak nanaman ako!!

"Shhhh.. Wag ka na umiyak mahal.. Okay lang.. Tara na.. Mag simba na tayo.." Naka ngiti lang na sabi sa akin ni Jules.

Magkahawak kamay kaming nag lalakad papasok sa simbahan, si Jared naman akala mo binatilyo mag lakad. Nasa bulsa pa ang dalawang kamay. Si Kylie...? Kylie?!!... Napahinto ako ng hindi mahagip ng mata ko si Kylie

"Mahal!! Nasaan si Kylie?!!" Nag linga linga sya para hanapin si kylie

"Stay here with Jared. Titignan ko sa loob baka tumakbo lang papasok" sabi ni Jules sa akin na nakahawak pa sa magkabila kong braso. Tumalikod sya pero nakatayo lang. Akala ko ba hahanapin nya?!

Magagalit na sana ako ng pagka lingon ko sa harap nya... Pero O_O

Si Kylie nag lalakad papalapit sa amin. Habang akay ng isang batang lalaki.?!!

Napatingin ako kay Jules na parang kung hindi bata ang kasama ni Kylie ay sinapak na nya to.

"Where did you go?!!" Napatakbo ako ng bahagya nung malapit na sila, napalakas naman ang boses ko dala na rin ng takot at pag aalala..

"Im just following the butterfly then when i look back you're not there. I run to find you but.. i accidentally tripped"

"And you are you? Do you really need to be that close to my daughter?" Mapanindak na sabi ni Jules

"Nathan Lavander Suarez" kampanteng sabi nung bata

"Mommy.. I invited him to go in our birthday party!!"

"What?!! Why???! You just met him baby.." Hysterical na sabi ni Jules. Sapakin ko to eh.. Mommy ba sya?!

"Okay baby... Come now lets go inside.. I think the mass will start na" naka ngiti kong sabi kay Kylie at sa kasama nya.

Inutusan naman ni Jules si Jared na sya na ang umakay sa kapatid nya, ipapabuhat ko na lang sana si Kylie kay Jules. Pero naunahan nya ako mag salita.

"Mahal........ Bakit ka pumayag? Hindi naman natin kilala yun eh!" Pag mamaktol ni Jules.. Mukang tanga talaga! Aish!!

"Bakit?.. Ikaw may birthday? Bisita yun nang anak ko.. Bakit ko tututulan?!" Inis ko pa ring sabi. Lalo nag iinit ulo ko sa pag mumuka nya eh! Nakakairitang makita?!!

"Ano ba yang pinag sasasabi mo mahal? Anak natin mahal!! Anak ko din yun.. Kaya dapat anak natin.."

"Aisssh! Baliw! Nasa simbahan tayo ohh. Nag babaliw-baliwan ka!" Umuna na akong pumasok. Kairita!! Imbis dapat maganda ang mood maganda lahat dahil nasa simbahan, binabad trip naman ako ni Jules.
---
2 days after

Costume party na ang theme nung birthday nang dalawang bata. Dahil  magka iba sila ng gusto para mapagsama ang gusto nila ayan na lang.

Superman si Jared, while as usual princess si Kylie.

Dapat mag wowonder woman ako eh. Kaso huhuhuhu.. Tumaba ako nag Queen elsa na lang ako.

Si Jules naman naka captain america. Birthday nya rin ba?! Bakit nag papapogi pa sya?! Ts!! Di ko to pasamahin eh!

Kahapon lang naka uwi sila mommy. Parang miss na miss pa ako kung makayakap! Jusko!! Si mommy may pag iyak pa kahapon. Tinatanong anong problema ayun wala lang daw.

Harley quinn ang ganap ni mommy, shempre lalayo pa ba si daddy? Joker naman sya..

Marami na rin ang bisita nang dumating kame.

Karamihan empleyado sa office, yung iba kamag anak yung iba business partners..

Sinalubong nung Nathan si Kylie kaya ang muka ni Jules hindi maipinta, ang sama naman ng tingin nya nung makitang tinatawanan ko sya.

"Ayan na sya.." Masayang sabi ni Jared tumakbo naman siya papalapit dun sa Agnes

"Mahal....Pigilan mo si Jared" pag mamaktol ko.. Ayan na.. Ayan na yung iyak ko

Nainis naman ako nang marinig ko ang pigil na pag tawa ni Jules. Nilayasan ko sya sa inis ko!!. Tatawang humahabol pa sa akin. Bahala sya hindi ko sya papansinin.

Hanggang sa nag start ang party ay hindi ko sya pinapansin. Hindi ko kinakaen yung bigay nya na food...
Kapag! Andyan pa sya.. Pero pag wala na. Lamon bess!!

Sobrang saya ng mga games. May putukan nang lobo. May fill the bottle with straw. Pabitin.. Filipino games.

Para malaman ng mga anak ko ang mga tradisyon na laro dito kapag may birthday. Hindi puro pin the tail, piñata..

"May i call the parents of the celebrants to give a messsage for the birthday celebtrants" naka ngiting sabi nung mc.

Luminga ako at napa kunot noo nang hindi ko makiya si Jules.. Asan nanaman kaya to?! Nang hindi ko makiya ay ako na lang ang umakyat sa stage.

Ngumiti naman ang mc sa akin bago inabot ang mic sa akin.

"Shempre una.. Happy birthday mga mahal ko #^_^# .. Unexpected man pero super duper thankful ako kay God dahil dumating kayo sa buhay ko, kasi kung hindi... Baka naloka-loka na ako.. Kylie.. Jared.. Bata pa kayo ahhh.. Baka nakakalimutan nyo.. Mga baby ko pa kayo.. Wala munang puppy crush puppy crush please??? Mga anak mahal na mahal na mahal kayo ni mama may katuwang man o wala sa buhay sa pag aalalaga si mama. Never ever.. Never ever ako mapapagod mag mahal sa inyong dalawa. Never ako mapapagod na alagaan kayo. Kahit uugod ugod na si mama.. Super duper love na love ko kayo" tumakbo naman ang dalawa papalapit sa akin para yumakap.

Gaganti na sana ako nang yakap sa mga anak ko nang mamatay ang mga ilaw.. Kasunod ng pag hila ng mga anak ko sa akin.

"Jared!!!!! Kylie!!!!" Hindi ako maka galaw sa sobrang dilim.. Hindi ko kasi alam kung saan ako pupunta para bawiin sila. Para akong pumikit sa sobrang dilim. Hindi katulad nung kapag madilim lang na kapag nakapag adjust ang mata eh may maaninag kahit konti.

"Jareeeed!!!! Kyliiiieeeee!!!! Mga anak!" Umiiyak ko nang sabi

Lalo pa akong naiyak noong wala akong marinig na kahit ano, kahit iyak o sigaw mula sa kanila wala. Asan ba ang mga tao?!!! Bakit sobrang tahimik!!!

Sila ba ang kinuha sa akin o ako ang nawala kung saan ako kaninang naruon???

Parang nasa kwarto ako na ako lang mag isa?! Tanging pag hinga ko lang ang naririnig ko.!

Asan na ba sila?!!!!! Jules?!! Mahal???! Asan ka ba????
~~

TBC
SHORT UD SORRY ☺✌

School ProjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon