K's Pov
Nagising ako dahil sa bigat ng brasong naka dagan sa akin.
Kitang kita ang lungkot sa mga mata ni Jules kahit na nakapit sya't natutulog.
Ayaw ko naman pero mahirap kasi makisma kung mismong magulang nya ang umaayaw.
Dahan-dahan kong hinaplos ang muka nya. Pag subok lang to mahal.. Kaya natin to.
"Mahal na mahal kita Jules..... Sobra" bulong ko, bago ko marahang inaalis ang braso nya sa akin.
"Mahal na mahal na mahal din kita K... Mahal na mahal ko kayo ng mga bata.....Please naman.. Wag kang susuko.. At paki-usap ko lang mahal ko.. Wag na wag mo na ulit ibabalik sa akin yan" Nakapikit nyang sabi. Pinunasan ko naman ang luha nya.
Ngayon ko lang napansin na naka-suot na pala ulit ang sing-sing sa akin.
Shit!! Shit!! Pilit ko inaalis ang yakap nya pero lalo nya hinihigpitan ang yakap nya. Pinalo-palo ko ang braso nya dahil sa pag yakap lalo sa akin. Dumilat naman sya kasabay ng pag salubong ng mga kilay nya. Nang lumuwang ang yakap nya ay dali-dali akong tumakbo sa restroom.
"Aaahk!! Ahk!!"
"Hey... Are you okay?" Alalang tanong ni Jules habang hawak ang buhok ko at hinahagod ang likod ko. Sumonod pala sya sa akin.
Tuloy lang ako sa pag suka ng wala. Kundi laway. O mapait na kulay brown na kakaunti lang din..
Tama kaya hinala ko kagabi? Una at huling nangyari to sa akin.. Noong nalaman kong buntis ako kay Jared at Kylie.
Nag mumog ako matapos ang pag suka ko.
"Lumabas ka muna maliligo ako.." Taranta kong sabi
"Okay.. Ihahanda ko na ang almusal"
-
Jules PovAno ba ang nangyayari kay K??
May sakit ba syang tinatago sa akin?
Matapos kong mag handa ng hapunan ay bumalik ako sa kwarto para puntahan si K.
Pero laking gulat ko nang makitang bihis na bihis sya at ngayon eh nag aayos sa salamin.
"Where are you going?"
"Sa office lang" office??. Bakit? Eh bumalik naman na amg daddy nya?
"Bumalik na ang daddy mo ah? Ano gagawin mo pa doon?"
"Ah.. May naiwan kasi akong mga nasimulan na, gusto ko naman na ako na ang tatapos. Para maka tulong na din kay daddy" nag dududa ako dito eh.
----"Daddy.. Bakit kailangan secret lang ang pag sunod kay mommy?"
"Kasi..." Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil ayoko namang sabihing nag sisikreto o nag sisinungaling si K sa akin.... O sa amin
"Hospital??? Is mommy sick?!" Sabi ni Jared
"Lets find out..." Sabi ko habang nag papark..
Hawak ko ang mga bata sa magkabila kong kamay habang dahan-dahan na sinusundan si K.
"Ay..sir..sir..bawal po dyaan.. May patiente pa po si Mrs.Cruz"
"I know.. Thats my wife"
"Ay.. Sorry po sir.. Sige pasok na po kayo"
"Thank you.. Sige ako na mag sasara nurse" hindi naman na sumagot ang nurse at umalis na lang
Sumilip muna ako tapos sumenyas ng (sssh) sa mga bata. Wala sila sa loob?
Dahan-dahan naman ako pumasok kasunod ng mga bata. May maliit na kwarto pa rito pero kurtina lang ang nag tatakip. Mukang nandito sila dahil sa mga naririg kong boses.