Kabanata I

555K 14.3K 7.1K
                                    

Reposting this old story. Sorry I haven't proofread this yet. Will do the editing once I get the chance :)


-----


"TIYA PAT, kailan ba ako puwedeng magbike?" tanong ng sampung taong gulang na si Isyang sa kanyang tiyahin.


Nakangiti ang mabait niyang tiyahin. "Mag-iipon ako ng pambili ng bisekleta mo kapag marunong ka na."


Pumadyak siya. "Paano ako matututo e, wala namang nagtuturo sa akin?!"


"Aba'y magpaturo ka kay Judas." Turo nito sa kababata niya.


Sinundan niya ng tingin ang itinututo ng tiyahin niya. Si Judas ay ang kapit-bahay at kababata niya. Salbahe ito. Paborito siyang asarin ng batang lalaki. At malamang hindi rin ito mag-aaksaya ng panahon na turuan siyang magbisekleta.


Kandahaba ang nguso ni Isyang ng pumasok na sa loob ng maliit nilang kabahayan ang kanyang tiyahin.


"Oy, ulilang ulikba!"


Inis siyang lumingon sa kalsada. Nakangisi sa kanya si Judas Neo Santander habang nakasakay sa bago nitong mountain bike na mula pa raw sa ibang bansa. Seaman kasi ang papa ni Judas kaya napakahambog ng loko. Palagi siya nitong inaasar porket patay na ang nanay at tatay niya, tanging ang tiyahin na lang niya ang nag-aalaga sa kanya.


"Hoy! Ulila lang ako pero hindi ako ulikba!" Sigaw niya rito. Hindi naman talaga siya ulikba. Kulot lang siya at may kaitiman dahil wala naman siyang service sa school na tulad nito. Naglalakad lang kasi si Isyang kaya naman madalas mabilad sa araw ang kanyang skin.


"Ulikba ka naman talaga! Puwet mo lang yata ang maputi sa'yo, kasi iyon lang ang hindi nasisikatan ng araw!" saka ito humagalpak ng tawa.


"Salbahe ka talaga!"


Natigilan naman si Judas ng makitang paiyak na siya. Kapag ganoon na naaasar na si Isyang ay tumitigil na rin naman si Judas.


Nanakbo siya sa likod ng bahay nila. Doon siya nagmukmok.


Kinahapunan ay nagulat siya nang makitang may bisita sa kanilang sala.


"Isyang..." Namumutla ang kanyang tiyahin.


"Sino po siya?" tanong niya sa matangkad na lalaking nakaupo sa kanilang sala. Nakatungo ito kaya hindi gaanong mabistahan ni Isyang ang mukha nito. Ngunit base sa pananamit ng lalaki ay mukha itong mayaman. Maganda kasi ang polo nito, parang galing sa mall. Parang katulad ng mga imported na damit ng papa ni Judas.


"Kaklase siya ni Ana..." bigla na lamang humagulhol ang tiyahin niya na ikipinagtaka niya.


"Ni Ate Ana?" Ang Ate Ana niya ay anak ni Tiya Pat, nakatira ang babae ngayon sa Maynila kasama ng bagong pamilya ng ama nito. Hiwalay na kasi si Tiya Pat sa tatay ni Ate Ana. "Nasaan po si Ate Ana?"

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon