"WHAT the hell were you thinking?!" Isinalya ni Kaden sa dingding si Cross. Nakalabas ang pangil niya habang nakikipagtagisan ng titig dito.
Ang kulay berde nitong mga mata ay naging kulay pula. Kasing pula ng kulay ng mga mata niya ngayon.
Kulay ng kanilang mga mata kapag galit sila.
Dumating siya kanina na nakatulala si Perisha. Hindi magkandaugaga si Cross kung paano babaguhin ang reaksyon ng kawawang bata. Tiyak siyang may ginawang kalokohan ang isa sa mga kakambal niya.
Nang makita siya ay nagsimulang umiyak si Perisha at yumakap sa kanya. Binuhat niya ito patungo sa kama. Kakausapin niya ito mamaya kapag nabungian niya na ng isang pangil si Cross.
"Stop it, you two." Dumadagundong ang malamig na boses mula sa entrance door ng antigong mansiyon na pag-aari ng mga Vox mula pa noong nakalipas na two centuries.
Sa tindi ng galit niya ay hindi niya naramdaman ang pagdating ng isa pang presensiya.
"Helios," mariing banggit niya sa pangalan ng dumating. It was their father, Uno or Helios Gablin Vox. Lumaki ito sa Europa. Ang lalaking puno't dulo ng lahat.
Luntian din ang kulay ng mga mata ni Helios. His features were chiseled and sharp, and his pointed nose was perfect. Nasa 6'5 ang height samantalang silang magkakapatid ay nasa 6 sakto. Sa kanilang apat sa lugar na iyon ay ito ang pinaka hindi papaniwalaang walang lahing banyaga. Mestizo si Helios, walang kahit na anong halong Filipino ang genes nito.
He was near thirty when he stopped from aging, sila nila Cross at Lourd ay bente-siete.
"Sec," tiningnan siya ng berdeng mga mata ni Helios Vox. Tumingin ito sa dalawa pa niyang kapatid. "Third, Fourth." Iyon ang tawag nito sa kanila.
Nakabase sa mga sumpa ang kanilang pangalan. Si Helios Vox ang unang inaatake ng sumpa, bilang 'una' ay tinawag nito ang sarili bilang 'UNO' o First. At siya bilang unang anak ay si Sec, si Lourd na pangalawa ay si Third at ang bunso, ang huling isinilang ni Euria sa kambal ay si Cross—ito si Fourth.
Dalawang siglo na ang nagdaan ng simulan nila ang pagtawag nang ganoon sa isat-isa, para maalala nila ang sumpa kada isang taon. Na kada una, pangalawa, pangatlo at pang-apat na kabilugan ng buwan ay may nagaganap sa kanilang mga katawan. Sumpa na kahit sila mismo ay hindi nila magagawang pigilan o wakasan.
"Sino ang batang dinala mo rito, Kaden?" Sa kanya na ulit nakatutok ang berdeng mga mata ng kanilang ama. Ama na kung titingnan ay hindi nalalayo ang edad sa kanilang tatlo.
Ang pakilala nila sa mga tao ay magkakapatid lamang sila. Na ito ang panganay sa kanila. Dahil wala namang maniniwala kung sasabihin nilang mag-aama sila. Mula sa Italya si Helios Vox bago nito maisipang bumalik sa Pilipinas noong nakaraang limang taon. Bitbit silang magkakapatid ay nagtayo ng emperyo ang kanilang ama sa bansa. Isa itong sikat na businessman ngayon. Walang kamalay-malay ang mga tao na matagal na silang nabubuhay sa mundo, na nakakailang pabalik-balik na sila sa Pilipinas at sa kung saan-saang bansa.
BINABASA MO ANG
Fall For You
VampireHe is cursed. He is in heat and he wants you. *** Sampung taon lamang si Perisha nang kupkupin siya ni Kaden, ang misteryosong lalaki na kulay berde ang mga mata. Dinala siya nito sa mansiyon na pag-aari nito. Binihisan, iningatan, pinakain, pinag-a...