Kabanata IV

372K 11.7K 2.2K
                                    

LUMIPAS ang panahon na nasa mansiyon ng mga Vox si Perisha Escalante.


Maraming weirdong bagay siyang napapansin sa paligid ngunit wala siyang pinagsasabihan ng mga ito. Nanatiling tikom ang bibig niya. Kahit pa ang ilan sa mga babae niyang kaklase ay naging curious sa mga Vox boys. May ilan pa ngang na-obsess ngunit ginawan ng paraan ni Perisha. Sa 'di malamang dahilan ay super protective siya sa mga Vox.


Pinag-aral nga siya ni Kaden. Isang private service ang kinuha nito para sa kanya, isang sariling driver at sasakyan. Sa isang mamahalin at sikat na paaralan siya nito pinag-aral. May mangilan-ngilan siyang naging kaibigan sa Maynila ngunit wala maski isa ang inimbitahan ni Perisha na dumalaw sa kanya sa mansiyon ng mga Vox.


Noong bata pa siya ay palagi siyang kinukuwentuhan ni Cross. Oo hindi na 'Kuya Cross' ang tawag niya sa makulit na lalaking iyon. Ayaw nitong magpatawag ng 'kuya' katulad ni Kaden. Saka parang hindi naman tumatanda ang magkakapatid kaya nakasanayan na rin niyang 'wag 'kuyahin' ang mga ito. Lalo na ang ama ng mga ito na si Helios.


Tuwing gabi ay kinukulit siya ni Cross. May mga kuwento ito sa kanya, may sarili itong fairytale na hindi alam ni Perisha kung inimbento lang ba nito o ano.


Sa kuwento nito ay meron daw isang diyosang kalahating demonya ang na-in love sa isang guwapong binata. Pero nabigo ang diyosa na iyon, dahil playboy daw iyong guy na gusto nito. Ang pangalan ng diyosa na kalahating demonya ay Portia.


Si Portia ay kinasuklaman ng lahi nito, dahil mahigpit na ipinagbabawal na main-love ang isang diyosa sa isang mortal. Pinatawan ng parusang kamatayan si Portia ng kaharian nito. Ngunit bago mamatay si Portia ay isinumpa nito ang lalaking mortal.


Ang sumpa ay hinding-hindi na magkakaanak ang lalaki. Hindi na kakalat ang lahi nito. Magiging baog na ito for life. At hindi lang iyon, isinumpa rin ni Portia ang lalaki na magiging imortal ito. Na hindi na ito mamamatay kailanman, hindi na tatanda at maiiwan na ng lahat ng minamahal sa buhay.


Naging bampira ang lalaking mortal. At naiwang nag-iisa. Lahat ng kamag-anak at mahal nito sa buhay ay tumanda at pumanaw na, ngunit ang lalaki ay nanatiling buhay at batang-bata.


Nalaman iyon ng kapatid na demonyo ni Portia na si Havoc, ang prinsipe ng kanlurang kadiliman. Nagalit ito. Hinanap ang lalaking isinumpa ng kapatid. Ang balak ni Havoc ay patayin ang lalaki, ngunit nagulat ito dahil hindi natatakot sa kanya ang lalaki. At dahil doon ay nakuha ng isinumpang lalaki ang paghanga ng demonyong prinsipe na si Havoc.


Bihira ang mga hindi natatakot sa karumal-dumal na itsura at ugali ni Havoc, at ang lalaking isinumpa ay nagpakita ng katapangan dito. Bilang pabuya ay binabaan ni Havoc ang sintensya ni Portia sa lalaking isinumpa.


Binigyan niya ito ng pagkakataong magkaanak. Sa gabi ng unang kabilugan ng unang buwan ng taon, kailangang pumunta ng lalaking isinumpa sa bansang Pilipinas.



SA BANSANG PILIPINAS makikilala ng isinumpang lalaki ang babaeng pagpupunlaan niya ng kanyang binhi. Ang babaeng makikita niya sa tabi ng ilog sa petsa at oras na ibinigay sa kanya ni Havoc ang magdadala ng kanyang magiging anak.

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon