SA CONDO siya ni Judas tumuloy.
Binigyan siya ng kababata ng susi, hindi niya akalaing magagamit niya iyon sa pagkakataong ito.
Kahit wala si Judas, hindi naman siguro magagalit ang kababata niya kung mag-stay muna siya ng ilang araw sa condo nito.
Inilagay niya ang maleta sa kuwarto ni Judas saka siya nagpunta sa kusina. Kumakalam ang sikmura niya sa ilang oras na biyahe mula Dalisay hanggang Maynila. Pero kahit gutom ay wala siyang gana. Kahit pa mukhang masasarap ang mga pagkain sa ref at sa cupboard ni Judas.
Nagtimpla lang siya ng gatas saka siya bumalik sa kuwarto.
Matagal siyang nakabaluktot sa kama habang walang tigil ang pagluha niya. Sa pagod ay kinain na rin siya ng antok.
Ngunit bago siya makatulog ay naramdaman niya na tila may aninong nakamatyag sa kanya.
...
NAGISING si Perisha bandang alas onse na ng umaga.
Nag-inat siya at tumulala muna nang matagal. Tamad na tamad siyang bumangon. Kahit nag-aalburoto na ang tiyan niya ay wala pa rin siyang ganang kumain.
Napanaginipan niya sina Tiya Pat at Ate Ana. Kapwa nakangiti ang mga ito sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng panaginip niya kagabi. Bakit masaya ang mga ito sa kanyang panaginip? Dahil ba sa nalaman niya na kung sino ang dahilan kung bakit namatay ang mga ito?
Hinilot niya ang sentido saka siya bumangon.
Ayun na naman ang pakiramdam na parang may nagmamasid sa kanya.
Dumeretso siya sa kusina at naghanda ng kakainin. Kahit wala siyang ganang kumain ay dapat pa rin niyang lamnan ang sikmura niya. Nag-saing siya at nag-prito ng itlog at hotdogs.
Habang nagluluto ay ramdam niya ang mainit na mga matang nakatingin sa kanya mula sa likuran niya. Hindi niya iyon pinapansin. Hindi siya umiimik.
Hinahayaan niya lang.
Pagkakain ay niligpit niya ang pinagkainan. Tumuloy siya sa banyo at naligo. Pagkatapos ay nagligpit-ligpit siya sa condo ni Judas. Nang wala ng gagawin ay sinubukan niyang libangin ang sarili, nanood siya ng TV, nagbasa-basa. Pero hindi niya magawa na kumilos nang maayos. Hindi nawawala ang pakiramdam na may nagbabantay sa kanya.
Ang balak niya ay hayaan na lamang iyon. Nakiramdam lang siya.
May tila anino na sumasama sa galaw ng kurtina sa sala. Pumasok siya sa kuwarto at ini-lock ang pinto. Pero ganoon pa rin ang pakiramdam. Hanggang sa maamoy niya ang pamilyar na pabango.
Nanggi-gigil na bumaba siya ng kama at pumunta sa terrace. Madilim na sa labas.
BINABASA MO ANG
Fall For You
VampireHe is cursed. He is in heat and he wants you. *** Sampung taon lamang si Perisha nang kupkupin siya ni Kaden, ang misteryosong lalaki na kulay berde ang mga mata. Dinala siya nito sa mansiyon na pag-aari nito. Binihisan, iningatan, pinakain, pinag-a...