Kapag alam niyang papalapit si Kaden ay bigla siyang magtatago. Sa likod ng hagdan, sa likod ng pinto o sa likod ni Cross o Lourd. May pagkakataon pa nga na tatalon siya o lalambitin sa kung saan para madaling makaiwas sa muntik-muntikan na nilang pagtatagpo ni Kaden.
"Kainis!" Mabilis siyang kumuha ng baso at sinalinan iyon ng tubig. "Ang laki-laki ng mansyon pero muntik-muntikan ko pa ring makabangga ang lalaking iyon."
Hindi sa ayaw niya itong makita. Ang totoo ay namimiss niya na ito, kaya lang awkward ang huli nilang pag-uusap. Nahihiya siya rito.
Ubos na ang tubig sa water dispenser niya sa kuwarto, wala na ring laman ang personal ref niya kaya no choice siya kundi ang bumaba sa kusina. At kanina pa rin tumutunog ang tiyan niya sa gutom.
Ang dami niyang dahilan sa triplets para hindi siya katukin ng mga ito sa kuwarto niya, nagkunwari siya na busy sa ginagawang thesis. Pero ang totoo ay wala naman talaga siyang ginagawa sa kuwarto niya kundi ang tumunganga at tumili sa kanyang unan.
"Hay, ang tagal mag Lunes, gusto ko ng bumalik ng Manila!" At least doon ay hindi na siya kakabahan na makita si Kaden. Iyon nga lang ay mamimiss niya ito kapag hindi niya na ito nakikita. Ang gulo ng utak niya!
Hindi siya nagpapakita kay Kaden sa mansyon pero pasimple naman niya itong pinagmamasdan mula sa malayo, o kaya ay sinisilip niya ito sa pinagtataguan niya. Naiiling na lang sa kanya si Cross, akala tuloy ng kumag na iyon ay nababaliw na siya.
Nababaliw naman na talaga siya. Nababaliw na siya kay Kaden Gablin Vox!
Pumunta siya sa hardin. Solo niya ang lugar kaya wala siyang dapat ipag-alala. Walang tao roon, nasa loob ng mansiyon ang triplets. Nagpalakad-lakad siya sa tabi ng halamanan na karamihan ay siya ang nagtanim. Mula nang tumungtong siya sa mansiyon ng mga Vox ay himala na naging mataba ang lupa sa malawak na bakuran. Naubos na ang pagkatuyo ng mga lupa kaya naman ginanahan siyang pagtaniman tuwing sumasapit ang bakasyon niya sa eskwelahan.
Kung noon ay mukhang haunted villa ang itsura ng Vox's mansion, ngayon ay semi haunted villa na lang, dahil nga kahit paano ay may mga panananim na sa labas. Antigo man ang mansiyon ay hindi na gaanong malungkot at nakakatakot kung titingnan.
Nagpatuloy siya sa paglalakad at pagninilay-nilay.
Medyo madilim dahil hindi maliwanag ang buwan, pero may mga stars naman kaya keri lang.
"You're here."
"Ay, pitongput-puting tupa!" Muntik na siyang matalisod sa bato.
May tao!
Nag-rambol yata ang kanyang mga laman-loob nang marinig ang boses ng taong pinagtataguan niya. Pakiramdam niya ay lahat ng balahibo niya sa batok ay tumayo dahil sa matinding kaba.
"Are you mad at me, Cara?"
Huminga muna siya nang malalim bago niya ito hinarap. "B-bakit ako magagalit?" nauutal na maang-maangan niya.
BINABASA MO ANG
Fall For You
VampireHe is cursed. He is in heat and he wants you. *** Sampung taon lamang si Perisha nang kupkupin siya ni Kaden, ang misteryosong lalaki na kulay berde ang mga mata. Dinala siya nito sa mansiyon na pag-aari nito. Binihisan, iningatan, pinakain, pinag-a...