"DAMN." Muntik ng mangudngod si Judas pagkabagsak niya sa sahig.
Sa wakas nakapasok din siya sa loob ng villa ng mga Vox.
Kung wala siguro siyang sasakyan ay baka napilay na ang mga binti niya sa paglalakad. Napakalayo ng villa sa hi-way. Ni wala man lang ibang kabahayan sa nasasakupang lupa ng mga Vox. Bakit kaya hinayaan ng pamilyang ito na maging bakante lang ang mayayamang damuhan sa gilid ng daan papunta ng mansion? Sinasayang ng mga ito ang maaring kitain kung gagawing rancho ang kalupaan.
At bakit nga ba sobrang layo ng villa sa kabihasnan?
Napabuga siya ng hangin habang iginagala ang paningin sa paligid. Sumalubong sa kanya ang kakaibang pakiramdam. Mabigat. Wala man lang katao-tao. Napakatahimik. Maski ang ilaw sa labas ng mansion ay tinipid.
Ito pa ang isang nakapagtataka, ni wala man lang CCTV at guwardiya sa paligid.
Hindi ba natatakot ang mga ito na manakawan? Lalo na at natitiyak ni Judas na milyon-milyon ang halaga ng mga sasakyan sa lawn at garahe.
Nagsimula siyang maglakad papunta sa kinatitirikan ng malaki at lumang Spanish styled mansion. Luma ang yari pero halatang alaga sa maintenance. Kung hindi dahil sa bagong pintura sa mansion at bagong mga modelo ng magagarang sasakyan sa dulo ng lawn ay iisipin mong nasa sinauna kang panahon.
Tumuloy si Judas loob ng malaking bahay.
Bukas na bukas ang malaking pinto ng kabahayan, sumalubong sa kanya ang kulay gintong chandelier sa itaas ng sala. Napakalawak ng paligid. Makintab ang sahig. Maraming malalaking antigong vase sa gilid-gilid. Ang mga salamin ay naglalakihan. Ang mga upuan ay kakasya ang dalawang tao. Ang sofa ay malapad at maari ng gawing kama. Lahat ng gamit sa mansiyon ay sumisigaw ng malaking halaga. Pera. Mapera ang mga tao sa kabahayang ito.
Ngunit bakit walang katulong? Paano ng mga ito nami-maintain ang ganito kalaking lugar?
"Anong kailangan mo sa ganitong oras ng gabi?" Malamig na boses ang pumukaw sa paglalayag ng isip ni Judas.
"Hi, good evening. I'm looking for Perisha." Nalingunan niya ang isang maputing babae sa ibaba ng en grandeng staircase.
Marahan itong naglakad patungo sa gawi niya. "Tulog na sila..." Nakatungo ito ngunit sigurado ang mga hakbang.
Nahihiwagaan si Judas sa ikinikilos nito ngunit magaan ang loob niya rito sa hindi malamang dahilan. Hindi niya nakikita si Lucia bilang babae na puwede niyang pagnasahan, she's more than that. At kakatwa na may pagalang siyang nadarama para rito. Masyado itong malalim at misteryosa ngunit hindi siya naiilang.
Hindi siya ang klase ng lalaki na makikipag-kaibigan sa isang babae na walang aasahang kapalit. Pero itong si Lucia, gusto niya itong maging kaibigan at makilala.
"Dire-diretso kang pumasok dito?" Malumanay na tanong nito. Hindi ito makatingin nang diretso sa kanya.
BINABASA MO ANG
Fall For You
VampireHe is cursed. He is in heat and he wants you. *** Sampung taon lamang si Perisha nang kupkupin siya ni Kaden, ang misteryosong lalaki na kulay berde ang mga mata. Dinala siya nito sa mansiyon na pag-aari nito. Binihisan, iningatan, pinakain, pinag-a...